Chapter 56: The Revelation 1

1.2K 28 6
                                    

"Yes. Okay. I'll wait here. Okay Eme. Yes..Okay bye!" At ibinaba ko na ang cellphone ko.

Finally I'm home! Namiss ko rin ang Philippines. Kausap ko kanina sa cellphone si Eme. Nagpapasundo ako sa kanya. I want to surprise all of them kaya si Eme lang ang nakakaalam na darating ako.

Naupo ako sa waiting area while waiting for Eme to fetch me. Nasa ganung position ako ng magvibrate ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang screen then read the caller ID. It's JE.

"JE.." Sagot ko sa tawag niya.

"Nakarating ka na ba?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Yeah! Nagpapasundo ako kay Eme."

"Sana sinamahan na lang kita." Malungkot na tinig ni JE.

"I'm fine babe. Really.. The cuisine needs you. Besides, babalik din ako agad diyan. Don't worry, okay?" I assured him.

"Okay. Just take care. Call me if there's a problem, okay?"

"Okay." Then I hang up.

I sigh. Nagpumilit si JE na sumama but I keep on refusing her because the EdChris Cuisine needs him. Walang ibang nagmamanage nun kundi siya lang.

Matapos ng pagtatagpo namin ni Tristan sa birthday party ni Aliyah. Hindi na ako matahimik. Ayokong malapit lang siya sa'kin. Kaya, A week after the birthday. Nagdecide akong umuwi pabalik dito.

Ayaw sana ni JE pero I need peace of mind. May katanungang naglalaro sa isip ko. Something strange. Bahala na! Siguro naman sa pagbabalik ko dito, magiging okay na ang lahat.

"Ateee!" Sigaw ni Eme ang nakapagpapukaw sa'kin mula sa malalim na pag-iisip.

Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa'kin. Tumayo ako and waited her to embrace me.

"Namiss kita ng sobra ateee!" Sabi ni Eme while hugging me.

"I missed you too Ems," I hug her back.

"Did they know that I'm coming?" Tanong ko sa kanya ng magkahiwalay kami ng yakap.

"Of coarse not! Takot ko lang na hindi mo ako bilhan ng 1D CDs e." She said pouting.

Sa loob ng dalawang taon. Marami na ring nagbago kay Eme. The way she dress, the way she stand. Mahaba na rin ang buhok niya. Hindi na siya tulad nun na parang batang nawawala sa kalye. Haha! Oppss.

"Ate, I know that look.. Hmm. Tinutorture mo na naman ba ako sa isipan mo?"

"Haha! Hindi ah! Kailan ko ba ginawa yan sa'yo. I can't do that." I laugh.

"2 years ago." She hissed na nakapulupot ang kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami.

"Hindi mo kasama si kuya JE?" Tanong niya bigla.

Umiling ako.

"Bakit naman? Namimiss ko pa naman yung gray niyang mata." Sabi niya na parang kinikilig. Kalokang bata to.

"May pagnanasa ka ba kay JE Ems?" Tanong ko sa kanya full of curiousity.

Napansin kong namula siya. Naglalandi ba sa fiance ko ang kapatid kong ito? Hmm. Sounds bad huh.

"H-hindi ate ah. Besides may boyfie na ako." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Boyfie? Naningkit ang mata ko.

"Ikaw ha. 3rd year high school ka pa lang at may boyfriend ka na? Ang bata bata mo pa." Pangaral ko sa kanya.

"Si ate naman. Hindi ko kasalanan kung bakit maganda ako. Tara na nga!"

Grabeng self confidence meron si Eme a. Yan. Maagang naglandi. Amp!

Nakarating na kami sa bahay. Bakit parang tahimik ata dito?

"Nasan sila mom and dad Ems?" Tanong ko sa kanya habang inilapag ang dala kong bag.

Napansin kong nag-iba na ang position ng bahay namin. Yung mga gamit naiba na rin.

"Nasa Library si dad. Si mom naman nasa opisina. Tumutulong siya kay kuya." Sabi ni Eme habang hinahalungkat ang mga gamit ko.

Naging malago ulit ang negosyo namin. Nabawi na rin namin yung ibang branches ng clothing line.

"Nasan ang CDs ate?" Kaya pala naghahalungkat e.

"Nasa pink na maleta. Andun yung mga pasalubong ko." Sagot ko sa kanya habang papuntang library. "Ipaayos mo sa katulong yung gamit ko Ems, Ilagay sa kwarto ko."

Kumatok ako sa pintuan ng library ngunit walang sumasagot. Pinihit ko ang seradura at pumasok.

Ganun parin ng dati. Marami paring collection ni dad. May napansin rin akong bagong shelves ng mga libro na wala dati.

Parang walang tao dito. Nasaan kaya si dad? Lumapit pa ako ng konti sa table niya. Napangiti ako ng makita ko ang family picture namin. Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti. Ang saya naman namin dito. Kuha ito bago ako umalis papuntang England. Ni walang bakas ng kalungkutan ang mga mukha namin dito.

Binalik ko ito sa pwesto niya. Aalis na sana ako ng may mapansin akong brown na envelope na nakausli sa drawer. Umikot ako.

Binuksan ko ang drawer para iayos ang pagkakalagay ng envelope.

Nabasa ko ang nakasulat dun ang address namin. Out of curiosity, binuksan ko ang brown envelope at kinuha ang laman nun.

Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Ano to? Bakit ito nandito?

Ito yung sinulat ni Tristan 2 years ago. Yung umalis siya ng walang paalam. Halos mabaliw baliw ako ng mga panahong iyon.

Kinuha ko ang papel para basahing muli ng may nalaglag na isang papel rin na katulad ng papel na sulat ni Tristan.

Pinulot ko ito at nabasa ang pangalan ni Tristan. Binuksan ko ang sulat para basahin.

Nabitawan ko ang papel. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit may sulat na ganito para kay Tristan na galing sa'kin? Hindi ako ang nagsulat nito. Paanong..

Bumuhos ang luha ko. Kaya pala umalis si Tristan dahil sa sulat na to.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si dad na nakabaston. Nakakalakad na si dad? Kelan pa?

"C-christina?" Hindi makapaniwalang sambit ni dad sa pangalan ko ng makita niya ako.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon