Chapter 57: The Revelation 2

1.2K 29 8
                                    

"K-kailan ka pa dumating?" Nauutal niya tanong habang papalapit sa'kin.

"What's the meaning of this dad?" Tanong ko sa kanya habang ipinapakita sa kanya ang mga sulat.

"Wala yan anak.." Sabi ni dad ng makalapit siya sa'kin.

"Wala? Ito ba ang magwewelcome sa'kin sa pag-uwi ko? Ang gandang welcome nito dad.." Bulalas ko.

"At," Tiningnan ko siya sa paa niya. "Kelan ka pa nakakalakad?" Tanong kong nagtataka.

"Anak.." Tanging nasambit ni dad.

"Ano tong mga sulat na to dad? Ito yung sulat na binigay sa'kin ni Tristan. Bakit meron rin ditong sulat para kay Tristan na galing sa'kin? Wala akong alam dito dad!" Galit kong sabi kay dad.

"Kayo ba ang gumawa ng mga sulat na'to? Pinaghiwalay niyo kami ni Tristan para ipakasal ako kay JE? Dad! Anong klaseng ama kayo? Ganyan na ba kayo kasakim sa pera? At sarili mong anak ibebenta mo?"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na siyang rason para mabitawan ko ang brown envelope at tumalsik ang mga pictures mula dito. Mga pictures namin ni Tristan noon.

"Ate!" Sigaw ni Eme mula sa pinto at nagtutumakbo papunta sa'kin para yakapin ako.

"Eme! Lumabas ka dito!" Sigaw bi dad sa kanya.

"No dad! Palagi mo na lang sinasaktan si Ate! Bakit ba ganyan ka sa kanya? Hindi ka pa nakuntento nung pinaghiwalay mo sila ni Tristan! Sinungaling ka!" Nagulat ako sa sinabi ni Eme. May alam siya?

Nilingon ko siya na puno ng pagtatanong ang mag mata ko. Ano ba talaga ang nangyari?

Sa ganung ayos kami ng pumasok si mom at kuya sa libray.

"Tumahimik ka Eme! Lumabas ka dito kong ayaw mong masaktan!" Sigaw ni dad.

"Christof!" Sigaw ni mom.

"Dad!" Sigaw ni kuya habang papalapit sa'min.

Pinulot ko ang mga pictures. Bakit may pictures kami ni Tristan? Sobrang dami nito. Mga kuha na magkasama kami.

"A-anong ibig sabihin nito?" Nanginginig kong tanong. Ayokong mag-isip ng masama pero puro katanungan lang ang lumabas sa isip ko.

"T-tina?" Sabay bigkas ni mom and kuya.

"Si dad nagpadala ng sulat sa'yo ate! Siya rin ang nagpadala ng sulat kay Tristan. Gusto niyang magkasira kayo ni Tristan para pakasalan mo si kuya JE!" Sigaw ni Eme!

Para akong sinampal sa narinig ko. Mas masakit pa sa sampal ni dad sa'kin kanina.

"Ilabas mo muna itong anak mo Marla!" Sigurado akong galit na galit na si dad.

"No! Hindi ko iiwan si ate dito!" Niyakap niya ako.

"Ems, " Sambit ni kuya sa kanya. "Halikana muna. Hayaan mo muna ang ate mo."

"No kuya." This time ako na ang nagsalita. I want to know he truth from Eme. " Anong nalalaman mo Ems?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Si dad, pinike niya ang pag-atake niya sa puso noon. May kausap siya sa telepono na sigurado akong kasabwat niya sa lahat ng nangyayari sa'yo ate." Hikbi ni Eme.

"Narinig ko lahat. Lahat-lahat. Mula sa mga sulat. At sa mga pictures na nakikita mo ngayon. Pero hindi na ako nagkomento pa. Hinayaan ko na lang na mangyari ito dahil takot ako kay dad. He ruined your life ate." Patuloy pa rin siya sa paghikbi.

Niyakap ko si Eme at tiningnan si dad. Si mom na humihikbi at kuya nasa likuran lang ni dad.

Tumayo ako. "Dad,please.. tell me everything." Mahinahon kong sambit.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon