Chapter 14: Lets be friends

2.1K 82 20
                                    

Ang cool niya talaga. Ang gwapo pa. Siguradong maganda lahi namin nito. Luuhhh? Naglalandi na talaga ako.

"So what's your course?" tanong niya habang nakatingin sa langit.

"Im taking up Bachelor of Science in Business Administration. A Marketing Major," walang paligoy-ligoy na sagot ko. Kinikilig talaga ang lola niyo.

"Wow! A future business woman." Pinupuri ba niya ako? Sana oo kasi kikiligin talaga ako ng bonggang bongga. Awww, kinikilig na nga pala ako.

"Eh ikaw?" Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Ang kinis-kinis naman ng fezlalu niya, ano kayang gamit niya? Olay? Luhhh... nakakainggit eh.

"AB polsci," sagot niyang nakatuon pa rin sa langit ang mga mata.

Isa itong pangarap na natupad. Kahit na minalas ako kanina, sulit pa rin kasi nakasama at nakausap ko naman si Future Husband ko. Ang saya lang talaga! Gusto ko tuloy tumalon mula dito sa rooftop hanggang ground pero I'm pretty sure, dedo naman ang kahahantungan ko.

Marami pa kaming pina-usapan. 'Yung tungkol sa kanya. Siyempre nagtanong din siya tungkol sa 'kin.

Alam niyo ba 'yung salitang kinikilig? Ako yun eh. Ako yung kinikilig! Evil laugh na naman ang peg ko. Diyos ko kahit papano, mahal mo parin ako. Salamat po sa grasyang ito.

Ayoko pa sanang umalis siya pero may klase pa siya. Epal din kasi ang klase eh. Pwede bang nagkasakit muna lahat ng prof para suspended ang klase? At nang magkamoment naman kami ni future husband.

"Till next time Tina. See you later," pamamaalam niya. Ikinaway pa nito ang kanang kamay habang naglalakad papunta sa pinto.

"See yah. Thanks for the time Pao." Wow! Kung maka.PAO parang close na kami agad eh. Care niyo ba eh sa gusto kong tawagin siyang Pao eh.

"It' s my pleasure." That was the last sentence that I heard from him. Gusto kong habulin siya para magmakaawa na huwag akong iwan pero napaisip ako, nakakahiya naman.

Naiwan akong nag iisa dito sa rooftop. Ayokong pumasok sa klase ko. I'm sure, instant celebrity na naman ako nito sa classroom. Mamaya na akong uwian bababa para makapagpalit at  makauwi. Mabuti na lang at may exta T-shirt ako. Titiisin ko na muna ang amoy spaghetti. Facepalm.

Naalimpungatan ako sa tunog ng bell. Umunat-unat ako. Ang sarap talagang matulog dito sa rooftop, walang isturbo. Tumayo ako at naglakad bumaba para makapagbihis at nang makauwi. This is a tired day!

"Hey sexy, you have a message." Tiningnan ko ang cellphone ko at nabasa ang text ni Yana. Sinasabing mauuna akong umuwi kasi may mga tatapusin pa silang report. Ang dami naman ata nilang report. Ganyan ba talaga kapag gusto mong maging Teacher? Sakit sa ulo 'yang mga report na yan eh.

Papunta ako sa locker ko nang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao. Si Tristan.

"What are you doing here?" bungad ko sa kanya. Bakit ang cool niya tingnan. Nakapamulsa pa siya na parang naghihintay sa 'kin.  Ugh! Hearing those words from mind made me suka.

"I'm waiting for you," cool niyang sagot. Pero ano daw? He is waiting for me?

"Bakit mo naman ako hinihintay? Kung iyong tungkol sa kiss kanina. Isa kang malaking manyak. Kinuha mo ang first kiss ko!" bulyaw ko habang nakapameywang.

"Hindi ko sinadyang mahalikan ka. Deny deny ka pa eh gusto mo namang yung kiss ko. Aminin mo na kasi. Maraming babae nga diyan, nagkakandarapa sa 'kin at gustong-gustong mahalikan ko sila kaya kung tutuusin maswerte ka nga eh." Nang-aasar na naman ba ang Ceasar na 'to?

"Swerte mong mukha mo. Nakakadiri ka! Umalis ka nga diyan sa locker ko!" pagtataboy ko sa kanya. Hindi ba siya kinikilabutan sa mga pinagsasasabi niya?

"Aminin mo na kasi. Denial Queen ka talaga kahit kailan." he insisted. Humarap pa talaga siya sa 'kin at nginisihan akong nakapang-aasar. This nerve!

"Kung pumunta ka dito para asarin lang ako, sige na, panalo ka na! Kanina pa ako naaasar sa 'yo!" I smirked.

"Relax!" aniyang nakangisi. Lecheng ngisi 'yan!

"Ano ba kasing kailangan mo?" naiiritang tanong ko.

"Gusto lang naman kitang kamustahin," seryosong niyang sabi. Nakaharap pa rin ito sa 'kin ngunit nakasandal ang kaliwang balikat sa katabi kong locker.

Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang T-shirt ko. Dumiritso akong banyo para magpalit. Hindi ko pinansin ang kwagong iyon. Siguro naman pagbalik ko sa locker ko wala na siya do'n. Nababanas ako sa pagmumukha niya eh.

Pagkatapos kong magpalit ay naglakad na ako pabalim sa locker ngunit hindi na naman dininig ng Diyos ang dasal ko at nando'n parin ang mayabang na lalaking ito. Leaning while crossing his hand. Nakatingin lang ito sa sahig.

'Yung totoo? May pinagdadaanan ba siya? Mukhang problemado eh.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," ulit niya ng mapansin ang presensya ko. Ugh! "Kumusta ka na?" dagdag niya. Seriously? Kanina lang kami nagkita tapos kakamustahin niya ako? He is weird.

"Anong nakain mo at nangangamusta ka?" Like duhh.. Hindi ito ang inaasahan ko sa damuhong ito.

"Wala lang. Sa tingin ko okay ka lang naman," saad niyang nasa sahig pa rin ang mata.

"Yun naman pala e, kaya umalis ka na!" pananaboy ko.

Sinara ko na ang locker at tumalikod pero hindi ko inaasahang makakaharap ko siya ng sobrang lapit, na halos dinig ko ang paghinga niya. Teka—may plano na naman ba siyang halikan ako? Subukan niya lang at siguradong papasok siyang basag ang bungo niya kinabukasan.

Lub. Dub. Lub. Dub. Hoy puso! Umayos ka!

Heto na naman ang puso kong abnormal.

Lub. Lub. Lub. Dub. Sabing umayos ka!

Anong problema ng heartbeat ko? Luhh.. Wala naman akong sakit sa puso a. Wala nga ba? Baka ngayon meron na!

"T-Teka.." Hindi ako makahinga ng maayos nang inilapit nito ang mukha sa 'kin.. Baka mahimatay ako ng wala sa oras.

"Louise?". Huh? Louise? So siya pala ang tumatawag sa 'kin ng Louise. Naninindig ang balahibo ko sa boses niya na parang nang aakit.

Ano ba ang problema ng lalaking ito? Hahalikan na naman ba ako? NO!!

"Lets be friends.."




----*****----

Edited!

Thanks for reading.

Votes and Comments

Enjoy

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon