Chapter 47: Move on

1.2K 37 9
                                    

Its been a month nung nangyari ang pag-alis ni Tristan without hearing my explaination. Its been a month na rin akong nababaliw. Its been a month akong napabaya sa aking sarili.

Please play Guardian Angel by Red Jumpsuit

Naging miserable ang buhay ko. Kahit na ganun, pinilit ko ang sarili ko para ma-comply ang mga requirements ko sa school.

"Tina?" Tawag ni mom sakin. Kinakausap ko na rin sila. May mga pagkakataong nagkakasagutan kami ni dad. Wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman ko.

Nakadungaw ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Ayoko talaga sa mga bata. Ang iingay!

"Gusto mong sumama magsimba?" Mom asked me. Ayokong magsimba. Ayokong harapin si God dahil naging miserable ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa mga alaala namin ni Tristan.

"Hindi na muna mom." I said without looking at her.

"Tina, give yourself a - "

"Mom, please. I want to be alone." Putol ko sa kanyang sinasabi.

Wala akong narinig na salita galing sa kanya. Ilang minuto pa, tanging ang pagsarado ng pinto ang narinig ko.

I sighed. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Tumulo na naman ang mga luha ko. Ang pangit pangit ko na. Hindi na ako yung Christina na masayahin.

Hindi ko na rin kinakausap sina Yana at Gabby. I know naiintindihan nila ako. They tried to talked to me pero ayoko munang makipag-usap. I sighed again while wiping my tears.

May narinig akong music. Yung favorite music ni Tristan. All about that bass ni Niki Minaj. Yung palagi niyang sinasayaw sa harapan ko.

Biglang uminit ang ulo ko. Ayokong makarinig o makaalala ng kahit ano related to Tristan. Wala siyang kwentang lalaki.

Tumayo ako at lumabas. Biglang lumakas ang volume. Lalong lumakas ito ng dumungaw ako sa hangdan.

"Ano ba Eme! Pwede ba! Ang ingay-ingay mo! Nakakadisturbo ka!" Bulyaw ko sa kanya na may ginagawang hindi ko maintindihan.

"Ate naman.. Can't you see, Im practicing sa dance number namin next day. Hindi na nga ako sumama kila mommy para magsimba." Pagpapaliwanag niya.

"I don't care! Stop that music right now!'' Galit na ako.

"But ate, I need to finish this- "

"I said stop that music!!!" Natulala siya. Ngayon ko lang nasigawan ng ganyan si Eme. Hayyy.

"What's going on?" Tanong ni kuya na kakalabas lang ng kusina.

"Eh kasi si Ate Tina kuya.. nagagalit. Nagpapractice lang ako ng dance number namin next day. Pinapa-off ang music." Mangiyak ngiyak na sumbong ni Eme kay kuya.

Tiningnan ako ni kuya. Hindi ko alam ano ang iniisip niya.

"I don't want to hear that music! Kung gusto mong magpractice, dun ka sa park. Walang kang madidisturbo at hindi ka madidisturbo!" At pumasok ako sa kwarto at ibinagsak ng malakas ang pinto.

Humiga ako sa kama ko padapa! I hate this life! Sirang sira na! Nalaman kong naka-fixed marriage pala ako tapos iiwan ako basta-basta ni Tristan ng hindi man lang ako pinapakinggan. Si dad, pinipilit parin pakasalan ko ang lalaking iyon. Tumulo na naman ang luha ko.

Maya-maya'y may kumatok. Pinahid ko ang luha ko using my back palm.

"Princess," Si kuya.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko siya nilingon.

"I know what you feel. And I'm sorry for that." Naramdaman kong umupo siya sa kama ko

Nagpapasalamat ako dahil may kuya akong tulad niya. Nakakaintindi sakin.

"I'm a coward dahil hindi man lang kita naprotektahan." Patuloy niya.

"I'm also a victim of this cowardice."

Nagulat ako sa narinig ko. Anong ibig sabihin ni Kuya na cowardice? Napaupo ako. Tiningnan ko siya.

Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana at tinanaw ang labas.

"I was engaged to a girl whom I don't know."

Nagulat ako. He was engaged? Pero paano? Bakit wala akong alam?

"Kuya.." I voiced out.

"Yun ang desisyon ni dad. Wala akong magawa. Tinanggap ko iyon dahil tatanggalan niya ako ng mana. Natakot ako. Naging duwag." Dire-diretso niyang sabi.

"Hindi ko alam ito kuya.." Hindi ko alam na ganito rin pala ang nangyari sa kanya noon.

"Si Tiffany.."

Lalo akong nagulat sa narinig ko.

"Si Tiffany? K-kapatid ni Tristan?" Nabubulol kong tanong.

Tumingin si kuya sakin sandali.

"She's one of a kind. Siya lang ang babaeng minahal ko."

Naguguluhan ako. Nagkaroon ng relasyon si Kuya at Tiffany?

"Nasira iyon dahil kay dad. He did everything para magkasira kami ni Tiffany. Sa huli, mapapakasal parin ako sa babaeng hindi ko gusto nila." Ramdam ko ang lungkot ni kuya. Hindi parin ako natitinag sa kama.

Pareho kami ni Kuya. Pareho kami ng pinagdadaanan.

"Mapalad parin ako kahit papano kasi nagtanan ang babaeng nakatakda kong pakasalan. Binalikan ko si Tiffany pero wala na siya. She went to Los Angeles with her father. " Ipinasok niya ang kanang kamay niya sa bulsa niya.

"Hindi ko alam na magkapatid pala sila ni Tristan. Ang akala ko magkaapelido lang sila."

"Kuya.. I'm so sorry.." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod niya.

Hinarap niya ako at niyakap din.

"I want you to be strong Tina. Ayokong pagdaanan mo rin ang napagdaanan ko. Ipaglaban mo nararamdaman mo. Nasa likod mo lang ako." Napangiti ako sa sinabi ni kuya. I'm so thankful for having a kuya like him.

"Pero its too late kuya.. Ito siguro ang nakatadhana sakin. Sa atin. I don't believe in destiny kasi ang tao mismo ang gumagawa nun. And that's dad." I sighed. "Siguro its time to move on."

Halatang nagulat si kuya. Maya-maya'y he smiled.

"You've always been strong princess. Naging matatag ka noon paman. Masaya ako para sayo." He hugged me.

"Its because of you kuya. Kung wala ka, hindi ko makakaya ang lahat ng ito." I hugged him tightly.

After that conversation. Pumunta ako sa favorite place namin ni Tristan. The seashore. Tandang tanda ko ang nangyari samin. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.

Tinanaw ko ang dagat. Damang dama ko ang malamig na hangin. Inilusong ko ang mga paa ko.

"Its time.. Its time to let go Tristan. Thank you for everything. Its better to move on." Kasabay ng pagkakasabi ko nun ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa hindi maiwasan.

Mas mabuti na ang ganito. Ang magmove on. Goodbye Tristan..

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon