TINA'S POVIlang araw ko ring nararamdaman na parang may nagmamasid sa 'kin. Hindi naman sa natatakot ako pero ayaw ko ang ganitong feeling. Hindi.
Thankful na rin ako kasi walang asungot na nanggugulo sa maganda kong buhay. Anong nangyari do'n? Hindi siguro matanggap na ayaw kong makipagfriends sa kanya. Neknek niya! Hindi pa naman ako loka-loka para mag-unite sa mga kalahi niya.
Dahil sabado ngayon, naglalaro kami ng badminton ng kapatid kong bruha. Ssshhh.. Dont tell her tinawag ko siyang bruha ha? Magagalit 'yan at magiging war freak.
"Ate naman eh! Hindi ka naman marunong. Sabi mo marunong ka, eh kanina ka pa hindi makatama eh." Nagmamaktol na ang bruha kong kapatid.
"Anong hindi marunong? Ikaw ang hindi marunong. Hindi lang ako makatama kasi ano ba naman 'tong racket ko, may butas ata eh." Sa totoo lang, hindi naman talaga ako marunong. Feel ko lang talaga maglaro ngayon ng Badminton.
"Kanina pa yan e. Ayoko na nga!" Itinapon niya ang racket niya at umupo sa bangkong semento namin sa garden.
"Hoy! Ang sabihin mo, hindi mo talaga ako matatalo." Pang-aasar ko sa kanya. Sumimangot lang siya.
"Ewan ko sayo. Wala kang kwentang kalaro ate." Eh? Nahiya naman ako sa kagalingan ng kapatid ko.
"Aba Crystela Esmeralda! Nahiya naman ako sa galing mong maglaro ng Badminton ano? Alalahanin mo, hindi ka gagaling kung hindi kita tinuruan!" bulalas ko. Batang ito...
"Yuck ate! Anong Crystela Esmeralda? Ang cheap ha." Kita mo tong batang 'to. Ang arte na, Saan nagmana to? Hindi naman maarte si Mommy, Hindi rin ako maarte. Luhh? Baka nagmana sa kapitbahay?.
"Its Crystel Emerald. CRYSTEL EMERALD." Kailangan ba talagang i-empasized? Bruhang ito. "And FYI, hindi ikaw ang nagturo sa 'kin ng badminton, si kuya Clint. Ang yabang mo rin ah!" ganting bulyaw niya.
"Whatevah sis, gusto mo volleyball na lang tayo eh." Yes! Magaling ako sa volleyball. Varsity ako noong high school ako. Tumigil na ako ngayong college na kasi wala na akong gana sa pag-aaral at paglalaro. Ayaw ko ng kursong gusto nila mommy't daddy sa 'kin ekaya ayaw ko na rin sa lahat.
"Ano ka ba, alam mo namang hindi ako marunong mag-volleyball." sagot niya.
"Waley ka rin eh." I chuckled. Alam ko namang hindi niya ako kaya. Humalakhak na lang ako. Baliw lang ang peg?
Hindi na sumagot ang bruha kong kapatid. Wala ba akong kwentang kausap? Naglagay siya ng headset at nagbasa ng libro. Pabalik balik lang naman 'yung binabasa niya. 'Yung Talk Back And your Dead by Alesana Marie. Nabasa ko narin yun. Ang ganda kaya ng storya. Try niyo rin basahin minsan guys.
Anyway, bahala siya sa buhay niya. As if I care sa pagbabasa niya. Umakyat na akong kwarto ko at nagsalang ng CD tape para manuod ng movie. Ang So close, makailang ulit ko na rin itong mapanuod pero hindi ako nagsasawa. Ang galing kaya nilang magkapatid. Kahit patay na 'yung ate niya nakipaglaban pa rin siya. Ang galing. Ang galing talaga.
Concentrate ako sa panunuod nang nag- ring ang cellphone ko.
Mapapansin mo ba..
Kaya ang tulad ko..
Kahit na sa sulok lang..
Ng iyong mga mata..
Ringtone ko sa cellphone kong mamahalin. Laughtrip!
Mahuli mo kaya..
Ang pagsulyap sayo..
Kahit-
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Ficção AdolescenteIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...