Hindi ako maka-move on sa nangyari ngayong araw! Ipinanganak ba akong malas? Facepalm.
Nandito ako sa rooftop. Naglilinis ng uniform ko. Ang lagkit na talaga! Nakakainis ang lalaking iyon!
Tumakbo ako papunta dito dahil hindi ko na nakayanan mga pinagsasabi ng mga babaeng iyon. Sabihan ba naman akong malandi? Bakit? Ginusto ko ba ang nangyari? Nakakainis sila.
"Mga leche sila! Ako? Malandi? Suntukin ko sila eh! Hindi ko gustong halikan ang bwisit na lalaking iyon. Bwisit ka lalaking unggoy, hindi na virgin ang lips ko." pagsisigaw ko.
Para akong batang nagmamaktol at nagsasalitang mag-isa. Wala akong pakialam! Gusto kong ilabas ang mga hinanakit ko.
"Bwisit ka Tristan Lee! Kung hindi sana tayo nagkita. Hindi sana ako mamalasin. Ikaw ang malas sa buhay ko! Malaaasss kaaaaa!" sigaw kong napakalakas-lakas.
"Bakit ka galit na galit kay Tristan Lee?"
"Galit na galit ako sa kanya kasi sinisira niya araw ko! Minamalas ako sa tuwing nagkikita kami! Leche siya! Bwisit na Ceasar na unggoy na 'yan! Pangit siyaaaa! Pangit siyaaaa!'' sagot ko naman.
"Pangit si Tristan Lee?"
"Oo! Pangit siyaaaa! Bwisit siya sa life ko!" Hindi talaga ako paawat. Grrrrr!
"Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo, it will make you feel better."
"Aaaahhh! Leche ka Tristan Lee. Hindi ako malandi! Kayo ang malandiiiii! Hindi akooooo!"
Maya maya pay gumaan na ang pakiramdam ko. Feeling ko nailabas ko na lahat ng hinanakit ko.
"Do you feel okey?"
"Oo! sala- Teka! Ako lang naman ang tao dito bakit feeling ko may kasama ako? Hindi kaya nababaliw na ako? Ganito ba ang epekto ng kamalasan ko? Nagbahallucinate na ata ako. Tsk!" naisatinig ko. Napailing na lamang ako.
"You're not alone," hirit pa ng utak ko. Wait a minute kapeng mainit, I'm not alone? Lalaki ang boses na 'yon, hindi ako nagkakamali.
May naramdaman akong mga yabag papalapit sa 'kin. Hindi nga ako nag-iisa.
"Momo? Hala! Sorry kong nagambala kita! Wag mo akong takutin. Please! Maawa ka!" Nakapikit ako. Ayokong makita ang mukha ng multong nagambala ko. Ayoko! Natatakot ako! I'm starting to freaking out.
Maya maya may presensya akong naramdaman sa gilid ko.
"I'm not a ghost." sabi niya.
Dumilat ako. Nabigla ako sa nakita ko.
"See, I'm not a ghost." ulit niya. Nakatingin ito sa 'kin at nakangiti. Kilala ko siya!
Napanganga ako sa nakikita ko. Totoo ba ito? Totoo ba ang nasa harapan ko? Kinurot ko ang pisngi ko. Aray! Hindi ako nananaginip. Totoo nga!
Ang gwapong multo naman neto. Naglalandi ang utak ko.
"Hey! Are you okey? Kanina lang galit na galit ka. And now, natahimik ka diyan." nakangiti niyang sabi. Labas ang nakakasilaw at pantay nitong ngipin. Nakikisabay din ang magkabilaang dimples niya.
OHmy! Si future husband! Pwede na akong himatayin, kunin mo na ako Dios ko pero 'wag na lang pala. I want to have sweet moment sa mapapangawa ko.
Okay! Umayos ka Tina na maganda. Hmp! Purihin ba naman ang sarili. Baliw na nga talaga ako pero duhhh, hindi naman ako baliw dahil maganda ako. Luhhh... masama 'to, awayin ba naman ang sarili?
"Why are you so freaking mad with Tristan Lee?" Naglakad siya palapit at tumabi sa 'kin.
Heto na, heto na... this is the first step sa pag-iibigan namin. Ngayon pa lang kinikilig na talaga ako.
"Ah-eh.." Nahihiya ako. My goodness! Kasama ko talaga siya. At nakakausap pa. Malas ako kanina, ngayon naman swerte ako. Mabuti na lang dito ako napadpad sa rooftop. Hell Yeah! High five dude!
"It's okay! You d on't have to answer my question. Narinig ko naman lahat kanina eh," aniya. Nakikita ko sa gilid ng mata kong nakangiti siya. Gasss! Nagwawala mga bulate ko sa tiyan.
Ang gwapo niya. Ang gwapo niya. Sigurado ako, maganda ang lahi namin neto. Evil Laugh!
"How'd you feel?" tanong niya habang nakasandal sa railings at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nasa ground.
"I feel better. Thanks to you." Wow! Diretso kong sagot, oh yeah! Sabi nga ni Gabby, kapag kaharap mo raw ang crush mo, BE NATURAL, para hindi ka mapaghalataan na disperada kang maangkin siya kahit iyon ang gustong gusto mong mangyari. Konting pakipot ineng.
Humarap siya sakin nang nakangiti. OH EM GEE! Isa lang talaga ang kaya kong idescribe sa kanya capital G-W-A-P-O. That's him. He is freaking awesome!
"Im Paolo, Paolo James Punzalan." Inilahad nito ang kamay niya tanda ng pagpapakilala. Siyempre hindi pwedeng hindi ko mahawakan ang kamay niya. Totoo siguro ang sabi nilang malandi ako? Malandi ba ang magmahal? Tsk! Sabunutan ko sila eh.
"And you are..?" he asked while his eyes stares at me. Wag po! Natutunaw na ako sa malalagkit mong titig——Aray! Binatukan ako ng konsensya ko.
"Im Christina, Christina Louise Santos. But you can call me Tina. 'Yan ang tawag ng mga kaibigan ko sa 'kin." Pero parang may tumatawag sa 'kin ng Louise? Hindi ko matandaan kung sino. Ewan! Bakit ko pa pagkakaabalahan ang mga ganyan. Dapat si future husband my labidabidudz Paolo ang pagtutuunan ko ng pansin. Masapak nga 'tong sarili ko later.
"Hi Tina!" bati niya. Ikinaway pa talaga nito ang kanang kamay. Ang jolly niya naman. Parang walang problema, parang palaging nakangiti.
"Umm.." Okay! Spell Awkward. "Nagkita na tayo eh, sa camping." Panimula ko. Ohgash! Nasaan na ba 'yong salitang kahihiyan ngayong oras?
"Really? Amm.." Halatang nag iisip siya. "Ahh. Ikaw yung nakabangga ko sa orientation. Is that you?" paninigurado niya.
Ngumiti ako. This is the first time that I smiled sa harap niya na walang pa-choosy choosy.
"Oo! Ako ngayon. Sorry about that huh." Sus! Pasalamat ka Tina nagkabanggaan kayo, dahil do'n nagkakilala kayo. Tumahimik ka utak kung ayaw mong maletchon. Luhhh... nakakatakot.
"You are so funny. Ako ang nakabangga sayo so I should be the one to say sorry. Anyway, Lets forget about that," sabi niyang tumalikod sa railings at ipinasok ang mga kamay sa kanyang bulsa. Ang cool niya..Omo! Heartbeats fast, colors and promises how can I brave how can I love when I'm afraid to fall... napakanta tuloy ako ng wala sa oras.
Nakakainlove. Siya talaga ang Future Husband ko walang duda!
Okay! This wod be my mission possible! Dapat masabi ko sa kanya na siya ang Future Husband ko... pero paano?
Oh dear Lord, tulungan niyo po ako sa ganitong nagigipit ako. Please him know that I love him...
I love him? Bahala na! Basta siya ang future husband ko! Period. No erase.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Ficção AdolescenteIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...