Chapter 7: Thank you

2.6K 74 37
                                    

TRISTAN'S POV

"Fine! Sumakay ka sa likod ko!" naisigaw ko na lang sa babaeng Clumsy na ito. Takot ata siyang umakyat? Parang nanginginig na 'yong mga kamay niya. Wag mong sabihing takot siya sa lubid? Pambihira!

This is our first challenge at ayokong mafailure. Walang kwenta ang kapartner ko. Ang ingay ingay! Nakakarindi pakinggan ang boses niyang parang kay Tweety Bird. Hiniram niya ata sa dilaw na ibon ang boses niya e.

Biruin mo, tinawag pa akong Ceasar? Hindi ako makapaniwalang hindi siya nahuhumaling sa kagwapuhan ko? Ibang klaseng babae. Tsaka pinanuod ko talaga kagabi ang sinasabi niyang Rise of the Planet Apes kasi kamukha ko daw si Ceasar. Pambihira! Akala ko gwapo ang Ceasar na sinasabi niya.

Nagdownload pa talaga ako para makapanuod lang no'n tapos ang makikita kong Ceasar eh yung unggoy na nagsasalita? Sa gwapo kong ito ikukumpara lang sa isang unggoy?

Ang dami niyang tawag sakin. Hindi lang unggoy, may bakulaw, halimaw, engkanto. Grabe ang babaeng ito. Para talagang si Tweety Bird!

Natulala siya sa sinabi kong sumakay siya sa likod ko. Hindi siguro makapaniwala kasi magkakaroon siya ng chance na makasakay sa likod ko. Hayy! Mga babae talaga! Hindi ko maintindihan.

"Hoy Clumsy Leggings na kalahi ni Tweety Bird! Bilisan mo't nasasayang ang oras natin sa kakatunganga mo. Alam ko namang gwapo ako para matulala ka sa mukha ko." Haist! Alam ko namang crush ako neto eh, ayaw pang aminin.

"Anong sinasabi mo diyan?" Umiwas siya ng tingin. Namumula yung mga pisngi niya.Haha! Sabi ko na nga ba, may crush sakin ang Clumsy Leggings girl na'to.

"Sumakay ka sa likod ko at papasanin kita kesa namang hayaan kitang umakyat diyan baka mapano ka pa. Takot ka ba sa lubid? Nanginginig ka ata?" Teka? may kinakatukan din pala ang babaeng ito? Eh amazona kung maka-asta eh.

"H-Hindi ah!" Nauutal na nga siya sa pagsasalita ayaw pang aminin na takot siya.

"Sus! Ayaw pang umamin eh.!" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Halata ngang takot siya kasi hindi ko pa siya nakikitang tumingin sa taas.Takot ba siya sa mataas?

"Ang yabang mo!" sabi niya na parang na-relieve.

"Oh ano na? Sakay na!"

TINA'S POV

"Fine! Sumakay ka sa likod ko."

Hu-what??! Ano daw?! Hindi ako makapagsalita. Sasakay ako sa likod niya? Gosh! Ang ganda ko! Hindi naman sa kinikilig ako o ano pero ang isang tulad ko? Sasakay sa likod ng isang Tristan Lee? First aid please!

"Hoy Clumsy Leggings na kalahi ni Tweety Bird! Bilisan mo 't nasasayang ang oras natin sa kakatunganga mo. Alam ko namang gwapo ako para matulala ka sa mukha ko." Ang yabang niya talaga kahit kailan.

Omo! Kung anu-ano ang iniisip ko. "Anong sinasabi mo diyan?" Umiwas ako ng tingin. Feeling ko namumula ako. Shete!

"Sumakay ka sa likod ko at papasanin kita kesa namang hayaan kitang umakyat diyan baka mapano ka pa. Takot ka ba sa lubid? Nanginginig ka ata?"

Hindi ako takot sa lubid ah! Itali pa kita diyan eh. Takot lang talaga ako sa matataas na lugar.

"H-hindi ah!" nauutal tuloy ako.

"Sus! Ayaw pang umamin eh.!" Graaaabe! Proud talaga siya sa sarili niya? Sira ulo ang lalaking ito.

"Ang yabang mo!" Totoo naman talagang mayabang.

"Oh ano na? Sakay na!"

Wala na akong magawa kundi ang sumakay sa likod. Grabeng parusa ito! Nakakailang pero bakit ang bango niya. Ang bango niya talaga!

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon