Chapter 10: Guilt Feeling

2.2K 67 29
                                    

TRISTAN'S POV

Nakita ko kung paano sila kung mag-aalala kay Clumsy girl. Kilala  ko naman kung sino TINA ang tinutukoy nila. Gusto ko lang silang pagtripan. Hanapan ba naman ako ng nawawalang tao?

Si Christina Louise Santos. Babaeng pinaglihi sa Tweety Bird. Hindi ko alam pero no'ng makita ko ang pagmumukha ng mga kaibigan niya kanina bigla akong nakaramdam ng guilt feeling. Nawawala ba ang babaeng iyon?

Sinundan ko ang dalawa niyang kaibigan. Laking gulat ko ng umiyak ang babaeng kaibigan niya na sa pagkakalam ko ay Ayanna ang pangalan.

"Naisip ko lang dati ang nangyari kay Tina nung Grade 4 kami. Nakita ko kung paano siya natakot sa pagkawala niya. I'm worried Gabby. I"m so much worried about her," napaiyak siya sa sinabi niya. Ano daw? Nangyari dati? Nagtaka ako.

"Don't worry Yan, she will be okey," narinig kong sabi ng bakla nilang kaibigang si Gabrielle.

Sige! Hihingi ako ng tawad sa inasal ko kanina. Napakawalang kwenta kong tao. Ako ang kasama ni Clumsy girl kanina kaya responsibilad ko siya. Isa akong gago.

Naguilty ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya sa gubat. Hindi ko naman akalaing mawawala pala siya kahit may dala na siyang Mapa.

Lumapit ako sa dalawa.

"Amm...I'm sorry," sabi ko. Bahala na. Kahit gwapo nagsosorry rin kaya gayahin niyo ako.

"Sa...inasal ko kanina. I realized how much you care about her." Totoo naman e...grabe sila kung mag-alala sa babaeng iyon.

Tumayo si Gabrielle para sumbatan sana ako pero pinigilan siya ni Ayanna.

"Okay lang yan Gabby, atleast he apologized," malungkot na sambit nito.

Walang salita ang lumabas sa bibig ni Gabby. Alam kong galit siya.

"I deserved those words. I'm sorry," ulit ko. Nakakahiya na'tong ginagawa ko. Hindi ko naman ugali ang mag-apologize a.

"It's okay Tristan." Tumayo si Ayana at naglakad palayo sakin. Sumunod din sa kanya si Gabby.

Teka? Yun na yun.. Wait! Hinabol ko sila. Siguro nga dapat na kaming maghanap. Ipapaalam ko 'to sa committee.

"Hey, I will make it up to you. Hahanapin natin si Louise . Ipapaalam ko sa committee ang nangyari." Seryoso ako a.

Kung hindi lang talaga ako naguilty, hindi ko gagawin 'to. Mabuti na lang gwapo ako. Gusto ko sanang matawa sa pagmumukha ng dalawang ito pero 'wag na lang baka lumaki pa ang gulo dahil sa 'kin.

Ipinaalam ko sa Committee ang nangyari at agad naman sila nagbigay ng aksyon. Gabi na pero pinatawag ni Mr. Nueva ang lahat para ipaalam ang nangyari.

Kailangan naming hanapin Si Louise. May ibang nagreklamo may ibang gustong tumulong. Hindi na ako nakinig pa at pumunta ako sa Tent namin.

Naghanap ako ng flashlight. Mabuti na lang at may dala ako. Nagsuot ako ng Jacket. Alam kong malamig na.

Lumabas ako at nakita kong nasa harapan ng tent namin ang dalawang kaibigan ni Louise.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Is it not obvious? Sasama kami sayo," mataray na sagot ni Gabby. Bakla talaga.

"Sasama kami sayo Tristan," sabi ni Ayanna. Puno ng pag-aalala ang boses at mukha nito.

"Pero..." Nag-isip ako pero mabuti na nga siguro kung magkasama naming hahanapin si Clumsy Girl.

"Sige," pagsang-ayon ko. "May dala ba kayong Flashlight?" tanong ko sa kanila. Inayos ko ang pagsuot ko ng jacket.

Sabay nilang itinaas ang dala-dala nilang flashlight.

"So, I guess we are ready. Lets go?" alangang tanong ko.

Sabay kaming umalis para maghanap. Pambihirang babaeng itong si Clumsy. Bagay nga talaga sa kaniyang tawaging Miss Clumsy.

Walang umiimik sa 'ming tatlo. May mga nakakasabay kaming studyante na naghahanap rin at may dala-dalang mga flashlight.

Malayo-layo na rin ang naabot namin pero kahit anong senyales ni Louise wala parin kaming nakita.

Nasaan na ba kasi ang babaeng yun?

Nadaanan namin yung isa sa mga naging challenge namin ni Clumsy. Yung pakainin ang mga kalapati. Lahat ata na pwedeng puntahan, pinuntahan na namin.

Nakarinig ako ng hagulgol sa likod ko. Nakita ko si Ayanna na umiiyak. Ngayon lang ako nakakita ng kaibigan na grabe kung mag-alala.

"Kung pagod na kayo, magpahinga muna kayo or di kaya bumalik na lang kayo sa quarter. Ako na lang ang magpapatuloy sa paghahanap kay Louise." Naawa naman ako sa kanila.

"No! Sasama kami sa paghahanap sayo. Kailangang mahanap natin agad si Tina. Takot siya sa dilim," mangiyak-ngiyak na sabi ni Ayana.

Ha? May takot siya sa matataas na lugar, takot din siya sa dilim? Ang dami niya namang kinakatakutan.

"Kilalang-kilala mo talaga siya ah," wala sa loob na saad ko. Tumalikod ako sa kanila at naglakad.

"I know her since we are kids." suminghot ito. " Classmate ko siya mula Elementary hanggang High School. Nagkahiwalay lang kami ng classroom ngayong college," dagdag niya.

Tahimik lang kaming tatlo habang naglalakad. Naririnig namin ang mga huni ng mga alitaptap. Huni ng mga ibong natutulog.

"Para na kaming magkapatid ni Tina. Alam ko lahat tungkol sa kanya. Isa siyang mabuting kaibigan. Mabait na kakilala." Bigla na naman siyang umiyak. Inaalala niya ba ang nakaraan?

"Tama na Yanna, Makikita natin siya. Be positive, okay?" sabat ni Gabby. Napangiti ako. Mabuti pa tong baklang ito, positibo.

Ilang hakbang pa ay may naulanigan kaming waring umiiyak. Huminto kami. Inilawan ko ng flashlight ang paligid namin.

"Sinong nandiyan?" sigaw ko. Magkahawak-kamay ang dalawang nasa likod ko. Alam kong natatakot sila. Sino ba ang hindi matatakot kung sa gabing ito nasa gitna ng kagubatan pa kami?

Walang sumagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Palakas ng palakas ang iyak na aming naririnig. Lumapit bigla si Ayana sakin.

"Si Tina...hindi ako nagkakamali. Si Tina ang umiiyak." Tiningnan ko siya, bakas sa mukha nito ang saya.

Sigurado ba siya? Baka naman kung ano na yan. Oo, natatakot ako pero hindi ko dapat ipakita ang takot ko.

Naunang naglakad sa 'kin si Ayanna. Sumunod na rin kami ni Gabby. Palakas ng palakas ang iyak na naririnig namin.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang may makita akong hole di kalayuan. Tumakbo ako papunta roon. Inilawan ko ang hukay at hindi nga ako nagkamali. "She's here!" sigaw ko sa kanila.

"Tina! We're here! We will save you.!" Tumakbo si Ayanna palapit sa kinaroroonan kong hole.

Muli kong itinuon ang ilaw sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng awa. Si Louise, umiiyak habang yakap-yakap ang tuhod nito.

******----***

COMMENTS AND VOTES

Enjoy reading ❤

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon