Chapter 50: My Fiance

1.3K 39 9
                                    

"I-Ikaw?"

Bakit ba kasi sa dinami dami ng shoes at pagkakataon, ngayon pa naputol ang heel ng shoes ko. Wala na bang gamot ang pagiging clumsy ko? Palagi na lang akong nalalagay sa kahihiyan.

"Such a clumsy.." Rinig kong bulong niya bago ako tumayo mula sa mga braso niya.

"Hindi ko sinasadya. I'm sorry." Inayos ko ang bag ko.

"We always met on a clumsy way. Haha! Anyway, I'm sorry I'm late."

Tiningnan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na may nunal pala siya sa itaas ng kaliwang kilay niya. At yung mga mata niya. Color gray.

"Can we sit?" Pukaw niya sa'kin.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa table ko kanina.

"May dinaanan lang ako. Aww, Thank you for patience. Gusto mo bang lumipat ng restaurant? I think I'm starving." Sabay himas niya sa tiyan niya at ngumiti. I saw a dimple on his right cheek. Bakit hindi ko napansin ito ng magkita kami?

"Perhaps..Me too." Teka! Parang sinabi ko na ring oo.

Tumayo siya at iginaya ako sa exit ng coffee shop.

"You know what, I really can't believe that you want to meet me." Panimula niya habang kumakain kami ng lunch sa isang restaurant na nilipatan namin.

Tumingin lang ako sa kanya. Base on my observations sa mga galaw niya. He's a perfect gentleman pero medyo mahangin.

"I guess, payag kang makasal sa'kin?" Tanong niya.

Umangat ang tingin ko sa kanya.

"Oo! Dahil iyon lang ang tanging paraan." I hissed.

"Really? Actually I'm not really into this thing. I want to enjoy my life first before entering marraige. Alam mo ang tinutukoy ko." Sabi niya habang uminom ng tubig.

"Me either. Ayaw ko sa ganito pero sa ayaw at sa gusto ko, yun ang nararapat." I answered him.

"Hmm." Para siyang nag-isip. "Because of your decisions maraming magbabago Ms. Santos."

"Just call me Christina." I corrected him. "Its too formal naman kung tatawagin mo ako sa ganyan."

Tumawa siya ng malakas. His laughter caught my attention.

"You're funny Christina."

"I'm not a joker Mr. Chua." Sabi kong nakataas ang kanang kilay ko.

"Oh no no.. Para fair, call me JE. Yan tawag sa'kin ng mga kaibigan ko." He said.

I smiled. "So, are we friends?" I asked him.

"More than friends Christina." He said and wink.

Sumapit ang araw ng summer and I need to enrol in my OJT. And I'm glad nakaabot ako sa ganitong level ng college ko.

Andito ako sa school and falling in line sa registrar office. I'm with my two best friends.

"Hayy.. Ikaw may ojt na, kami neto magsasummer class pa. Life is so unfair." Hinaing ni Gabb.

"Haha! Wala kayong magagawa kasi nga naman, you choosed education." I said while texting.

"Ayy naku bessy. Passion namin ang pagtuturo so wala kaming pinagsisihan." Yanna said.

Kibit balikat na lang ako.

"Sino ba yang katext mo?" Si Yanna habang pilit na tinitingnan ang phone ko.

Inilayo ko ang phone ko. Kaloka ang babaeng ito. Echusera!

"Oo nga! Who's that ba? Hmm. May pa-smile smile ka pa diyan ah!" Segunda naman ni Gabb sabay abot sa phone ko.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon