Chapter 60: Acceptance

1.3K 31 4
                                    

Nasa airport ako ngayon. Pabalik na ako ng England. Ito ba talaga ang dapat mangyari sa'min?

Hawak-hawak ko na ngayon ang ticket ko at hinihintay ang oras ng  flight ko.

"Are you sure about this anak?"  Tanong ni dad sa'kin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sigurado nga ba talaga ako?

Tiningnan ko si kuya. Alam kong malungkot siya. Naging okay na rin sila ni Tiffany. Nagkausap na rin kami at humingi siya ng tawad.

"Bessy naman eh, hindi tayo nagkabonding. Nung isang araw lang namin nalaman na umuwi ka pala dito tapos tatawag kang aalis ka na naman papuntang England.. Unfair ka masiyado. Huhu." Hagulgol ni Ayanna habang nakapulupot ang kamay niya sa beywang ko. Natawa ako sa kanya.

"Prend naman eh. Wag ka na kasing umalis. Bukas na lang. Bonding muna tayo. Alam mo namang miss ka namin. Huhu. Ang sama sama mo." Todo emote naman si Gabby.

"Sumama na lang kayo sa'kin. Ipapasok ko kayo sa maleta ko." Biro ko sa kanila.

"Waaaaahhh! Hindi ako kasiya diyan bessy. Kung si Gabby siguro, pwede pa." Reklamo ni Yanna.

Natatawa ako sa kanila. Parang yung dati lang. Tumaba ng konti si Ayanna. Ikaw ba naman magkaroon ng boyfriend na chef, hindi kaya mabubusog? Hindi pinalad ang buhay pag-ibig niya kay Sir Blake kaya ayun, naghanap ng chef. Haha! Si Gabby naman pumayat. Kung saan saan kasi nakarating sa kahahanap ng papable niya.

Natatawa na lang sila mom and dad sa'min. Pati si Eme nakukisabay sa kalokohan nila. Pinipilit nilang ipasok si Gabby sa maleta ko.

"Anak.." Si mom.

"Bumalik ka agad ha? Mamimiss ka namin." Sabay yakap sa'kin ni mom. I hug her back. How I missed mom. Hindi kami masiyado nagkausap simula nung nalaman ko ang lahat.

"Take care, okay? Kung ano man ang magiging decision mo, tatanggapin namin. Kung magpapakasal ka man kay JE..Siguraduhin mong yun ang makakapagpasaya sa'yo." Sabi ni dad. I hug him. Napaiyak ako.

"I will dad. Magiging masaya ako." Sabi ko while hugging him.

"Princess.." boses ni kuya ang nakapagpakalas ng yakap ko kay dad.

Kuya hugs me. Yung yakap na relax na relax. Umagos na naman ang luha ko.

"Be happy. Sana maging masaya ka sa magiging decision mo. Mahal na mahal ka namin Tina." Sabi ni kuya habang yakap yakap pa rin ako. Umiyak na rin ako.

"Mahal na mahal ko rin kayo kuya." Kalas ko sa kanya at pinunasan ang luha ko.

Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan na patuloy ang punas ng mga luha. Hinanap ng mga mata ko si Eme.

Nakita ko siyang nakaupo sa waiting area. Nakayuko at hawak hawak ang maliit teddy bear. Naglakad papunta sa kanya.

"Ems.." Sambit ko..

Umangat ang ulo niya sa'kin.

"Ate.." Tumayo siya at niyakap ako habang umiiyak.

"Ate. Huhu.. Isama mo ako." Habang yakap yakap pa rin ako.

"Baliw ka ba? Hindi pwede. Nag-aaral ka pa dito." Sabi ko sa kanya.

"Ate naman eehh.. Huhuhu.." Sabay padyak ng paa niya. "Hindi kasi ako baliw. Huhuhu.." Lalong lumakas ang iyak niya.

"Ssshh.. Wag mong masiyadong lakasan ang iyak mo. Baka hulihin nila tayo. Sabihin nila eh may mga baliw dito.." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Huhuhu.. Mag-ingat ka dun ate ah. Pagkatapos ko ng high school, dun ako mag-aaral ng college."

"Oo naman. Basta be good ha. Wag muna lumablayp." Ginulo ko ang buhok niya.

"Waaaahh! Bessyyy!" Sigaw naman ni Ayanna papalapit sa'kin. Sumunod rin si Gabby at niyakap ako mula sa likod ko. Kaloka talaga ang mga to.

Nahagip ng mga mata ko ang katabi ni kuya. Wala naman siya diyan kanina a. Lumapit ako.

"Tina.." Sambit niya sa pangalan ko. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

Niyakap ko rin siya.

"Sana mapatawad mo ako. At sana maging masaya ka sa magiging decision mo."

"Ate.." Sambit kong nag-aalangan. Ngumiti siya.

"Hindi ko alam kung pwede ba kitang tawaging ate." 

Hindi nawawala ang ngiti niya.

"Oo naman. Pwedeng pwede." Niyakap ko siyang muli.

"Kalimutan na natin ang nakaraan. Ang importante ang ngayon." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Si Tristan. Gusto ko sanang isama pero ayaw niya." Sabi niya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.

Ngumiti ako. "Mabuti na rin yun ate, kasi masasaktan lang kami."

"Kung nasasaktan ka, ibig sabihin may nararamdaman ka pa para sa kanya. Hindi ka naman masasaktan kung wala na talaga diba?" Paliwanag niya.

Narinig kong tinatawag na ang mga pasahero papuntang England.

"Makakalimutan rin namin ang lahat. Ang lahat lahat." Naglakad ako sa mga gamit ko.

Hawak hawak ko pa rin ang ticket ko. Ready na akong umalis. Ready na akong kalimutan ang lahat.

Sa huling pagkakataon, nagyakapan kami at nag-iyakan bago naglakad papunta sa eroplanong sasakyan ko.

"Gaano man kasakit ang dala dala ko ngayon sa aking dibdib. Lilipas at lilipas din ito." Sabi ko sa aking isipan sabay palis ng aking luha.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon