3RD PERSON'S POV
Umaga pa lang plinano niya na ang mga gagawin niya. Ayaw na ayaw niya talaga sa babaeng iyon. Makita niya pa lang pagmumukha nito ay gusto niya ng magwala.
Gusto niya lang namang maging masaya pero ayaw ng kapalaran. Kahit na nasa kanya na ang lahat hindi parin siya masaya.
Galit na galit siya kay Christina Louise Santos. Dahil sa kanya nawala ang mga bagay na gusto niya ang mga taong mahal niya. Kaya andito siya ngayon at gustong pasakitan ang babaeng iyon.
Pumasok siya ng maaga para ilagay ang kapirasong papel sa locker ni Christina. Hindi na siya makapaghintay pa sa gagawin niya.
Nagulat siya nang makita niya si Christina na papasok ng library. Mabuti na lang inagahan niya ang pagpasok.
Sinundan niya ang naturang babae. May kausap itong lalaki at sabay silang umalis.
Naglagay ulit siya ng sulat sa locker ng babaeng iyon. Gusto niyang pumunta ito ng gym. Plano niyang ikulong ang babaeng ito sa gym.
"Ngayon pa lang tayo mag-uumpisa Christina. Kaya matakot ka na." Sabi ng babaeng may galit.
Ilang oras din siyang naghintay. Sa wakas ay papunta na si Christina sa gym. Inobserbahan niya ito. Para itong tangang pumunta ng back stage at C.R.
Nakalabas na ang naturang babae sa CR at dali dali niyang inilock ang pintuan ng gym. Nagtagumpay siya. Nagtagumpay siyang maikulong si Christina.
Naghihintay sa labas ang kanyang mga kaibigan na kanina pa nagtatawanan. Plano nilang ikulong si Christina.
"May tao ba diyan? Please help me! Im stuck in here!" Para lang silang mga bingi.
Nagtawanan sila na parang mga baliw.
"Help! Help!" Sigaw ng babaeng ikinulong.
"Wag kayong masiyadong maingay baka marinig niya tayo." Sabi nung isang babae.
"Haha. She deserve that!" Sabi naman ng isa.
"Lalamukin siya diyan. Manigas siya. Haha. Lets go girls, lets celebrate this!" Sigaw ng leader nila na siya ang may pakana ng lahat.
Pumunta sila sa BAr at nagsaya. Nagcelebrate sila sa pagkakakulong nila kay Christina.
"Pero girls, what if may mangyaring bad sa kanya?" Tanong ng maarteng babae.
"Dapat lang sa kanya yun. Binangga niya tayo so she deserve that." Sabi ng isang babae.
"Don't worry girls, makawala man siya dun, Okay lang. Let she taste our sweet plan. But sa susunod na gagawin natin sa kanya, she might not forget it kasi boom.. Mawawala na siya sa landas natin! Haha!" Sabi ng Leader na kinuha ang isang baso at tinungga ang lamang na iyon.
"What will you do?" Tanong ng isa.
Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Something that she wouldnt forget." Sabay tungga ulit ng alak st nagsindi ng sigarilyo.
"I like that idea Maureen." Tili ng babaeng nakaponytail na si Patricia.
"Oh yeah! Lets party!" Sigaw naman ng maarteng babae na si Danica.
Nagpatuloy sila sa pagsasaya. Wala silang pakialam sa paligid nila. May mga lalaking lumapit sa kanila at nakipagsayaw. Dahil gusto nilang ma-entertain, pinatulan nila.
Sila ang mga babaeng gagawin ang lahat ng gusto nila. Kukunin ang gusto nilang kunin.
Sa ngayon, gusto nilang pahirapan si Christina. Si Christina na umagaw ng mga kasiyahan ni Maureen.
"Humanda ka sakin Christina. Pagbabayaran mo ang lahat ito.!" Sigaw niya habang umiinom at nakikipagsayaw sa mga kaibigan at ilang lalaki.
"Oh! I Love her Plan." Sagot ni Danica.
*****------****
Pasensiya na po kung mababa lang ang chapter na'to. Wala po kasi akong masiyadong idea sa bad evil plan. Hehe.. Anyway, Sana po nagustuhan niyo.
Enjoy reading ♥
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...