Chapter 40: Possessive Girlfriend

1.8K 35 11
                                    

Ilang weeks na ring nadito sila Mommy at Daddy. Sa tingin ko, wala akong dapat ikabahala. Nakakausap ko naman si Mommy ng matino. Hindi yung parang galit siya sakin palagi. Si dad naman, masayahin parin. Parang walang problema.

Nagcelebrate kami ng New Year na masaya. Happy Family. Balik-skwela na naman ako nito.

Alam narin nila na may boyfriend ako although hindi pa nila namimeet si Tristan. Akala ko nga magagalit sila sakin. Hindi naman pala. Pero sa tuwing mag-uusap kami ni Mommy, may lungkot sa mga mata niya. Bakit kaya?

Hindi na sila tulad ng dati na iba ang pakikitungo sakin. Sana ganito kami palagi. Yung walang gap.

"Anak.." Tawag ni Mommy sakin. Ang sarap pakinggan na tawagin niya akong anak.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni mommy.

"Did I disturb you?" Tanong ni mommy sakin habang naglalakad palapit sakin.

"No mom." Sabi ko.

Umupo siya sa kama ko. Nalilito ako sa kinikilos niya.

"Sana anak, napatawad mo na ako sa mga nagawa ko sa'yo dati. Masiyado lang akong nabulag sa pagkawala ng kapatid mo." Panimula ni mommy. Hindi ako makapaniwala.

"Im very sorry Tina." Hinawaka niya ang kamay ko. "I was wrong.." Hinayaan ko lang siyang magsalita.

Bigla na lang tumulo ang mga luha ni mommy. She is sincere. Napaiyak na rin ako.

Sa tanang buhay ko, ito ang hinihintay kong pagkakataon. Ang magkaayos kami ni mommy.

"I know kung ano yung mga pinagdaanan mo. Sa school." Nagulat ako sa sinabi niya. "Lahat ng iyon alam ko anak. Ang mga paghihirap mo pero masiyado akong bulag para magalit sayo at pabayaan ka." Humagulgol siya

Niyakap ko si mommy. Yun lang ang alam kong makakapag-comfort sa kanya. Ang yakap ko.

"Its okay mom.. Ang importante okay na tayo." I said. Ang emotional namin ni mommy. Ang saya ko lang.

"Thank you anak. Kahit hindi kita napalaki ng maayos. Lumaki kang mabait. Nagpapasalamat ako kay Clint at napalaki niya kayong dalawa ni Eme. Ang laki ng pagkukulang ko sa inyo anak." Pagpapatuloy ni mommy.

"Huwag na po nating isip iyon mom. Nandito na kayo and I believe that you stay here for good. Am I right mom?" Pinunasan ko ang mga luha niya.

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"I love you mom.."

"I love you too anak." At nagyakapan kami.

Ang saya ko lang talaga! Sana tuloy tuloy na ito. Wala na akong mahihiling pa.

* * * * * * * * * * * * * * * *

"Tina beybi!!!" Sigaw ni Gabb sakin. Kung makasigaw talaga. Wagas!

"Besssyyyyy!!" Seriously? Plano na naman ba nila ito or nagkataon lang. Wagas sila kung makasigaw eh.

"Namiss ka namin eh." Sabi ni Yana habang nakayakap sakin. Naglalambing.

"Namiss ko rin kayo guys. Kumusta ang vacation niyo?" Tanong ko sa kanila ng makarating kami sa cafeteria.

"Ay! Hindi man lang ako nakakita ng Fafa." Pagmamaktol ni Gabby.

Napansin kong naka-chinesse outfit siya. Ano na namang nasa kukute ng baklitang ito?

"Yeah! Ako bessy, wala talaga. Boring ang Christmas ko. pati New Year. Hayy! Kailan ba kasi mapapasakin si Sir Blake." Nagpapantasya na naman si Yana.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon