Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isipan ng Ceasar na iyon. Kailangan ba talagang puntahan ako sa bahay para lang asarin? To the highest level na ata ang pagka.unggoy ng lalaking ito. Napakabipolar.
Kasama ko ang dalawa kong bestfriend at sinisermunan. Papunta kaming Cafeteria. Ano ba ang nakain nila at binigay nila ang number ko sa bakulaw na lalaking iyon. Anong klaseng kaibigan ba merun ako? Oh pu-lease!
"Wag ka na kasing magalit. Sabi niya kasi may kailangan daw siya sa'yo. Hindi na kami nagtanong kung ano yung kailangan niya no. Baka naman masiyadong private." Hagikhik ni Yana.
"Eh? Anong klaseng mga kaibigan kayo? Binubugaw niyo talaga ako eh," pagmamaktol ko.
"Sorry na Tina Bear.."Si Gabby na bonggang bongga ang make up today. Saang party ba punta nito?
"Pati address sa bahay binigay niyo. Wala talaga kayong kwentang kaibigan." Hussshhh.. Nagdadrama lang ako. Mukhang effective ah!Evil laugh!
"Hayy naku! Itigil mo nga yang kaekekan mo Christina Louise Santos. Halika. Tumayo ka diyan at alam kong gutom lang yang pinagdadrama mo." Ay? akala ko effective ang drama ko. Panira talaga ng moment ang baklitang ito.
Pumila kami ni Gabby para umorder ng makakain namin.
"Ang haba naman ng pila dito. Nagugutom na ako a." Bakit kasi ngayon pa humaba ang pila dito sa cafeteria. Nananadya ba sila ng gutom?
"Tiis-tiis din kapag may time prend." Gabby
Nangangawit na ang paa ko. Pinauna ko sa pila si Gabby para makaorder agad siya. Lecheng pila to. Nakakadagdag pa ng inis ang mga nasa unahan paano ba naman kasi nagtutulakan. Seriously? Elementary ba ang mga to?
Dahil sa pagtutulakan nila, napaatras ako at na-out balance. Oh no! Clumsiness Attack!
Ohno. Ohno! Matutumba na ako.
"Ahhh-" napasigaw ako, expected ko namang matutumba ako pero bakit parang hindi ako lumanding sa sahig? Am I flying? or Superman saves me? Nyaa!
Then I realized, may sumalo sa 'kin. Ramdam ko ang matitipunong dibdib niya sa likod ko. At ang bango. Sino ba ang mabangong ito?
Lumingon ako sa taong sumalo sa 'kin at gano'n na lang pamimilog ng mga mata ko.
"Are you okey?" Ang boses niya? Ang boses niya na kahit sa panaginip ko ay naririnig ko.
Si FUTURE HUSBAND!
Sana ganito na lang ang posisyon namin forever. Kumusta kaya ang paglalakad namin? Ang bango. Naiinlove talaga ako lalo. Lord, Thank you sa grasiyang ito.
"Christina? Are you okay?" ulit niya.
"Ahh Ehh." Nahiya naman ako.
"Prend, okey ka lang? Naku!" nag aalalang tanong ni Gabby.
"Y-yeah I'm fine P-Pao. Sorry ha."
"No, okay lang. Masiyadong mahaba naman kasi ng pila. Ako na lang ang oorder for you. Just go in your sit. Wait me there, okay?" Luhh? Nabibingi ata ako? Siya daw ang oorder for me? Ayyeee.. Kinikilig ako.
"o-okay. Thank You ha." sabi kong kinikilig. Mabuti na lang clumsy ako.
"How about me? I'm Tina's bestfriend." Nakalimutan kong andito pala ang bakla kong bestfriend at take note.. Naglalandi sa FUTURE HUSBAND KO.
"Okay, I'll order you too," he said while smiling.
Parang musika ang tawa niya. Goodness! Hindi na talaga ako makakapaghintay na mapangasawa ka Pao. Eh?
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...