Chapter 15: Stalker!

2.5K 70 22
                                    

Hindi ko talaga maintindihan ang damuhong lalaking iyon. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin mawaglit sa pag-iisip ko ang mga sinabi niya. Paano ba naman kasi may 'Lets be friends' pa siyang nalalaman. Neknek niya.

Para na nga akong baliw kasi sabog ako sa kakaisip ng katagang iyon. Hello? Alam niya ba ang ibig sabihin nun? Wee?


Ayokong makipagkaibigan sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Baka maging unggoy din akong tulad niya. A big NO WAY!

Kakapasok ko pa lang sa classroom at pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Namiss ba nila ako? May dumi ba ako sa mukha? Luhh? Baka kita na naman undies ko?

Tiningnan ko ang palda ko, okay naman. Kumuha ako ng salamin at tiningnan ang mukha ko, okay naman. Eh anong problema?

Ahh.. Alam ko na.! Alam ko namang hindi maka-move on ang mga babaeng ito dahil sa halik namin ni Pervert na 'yun. 'Yan tuloy, Isa akong dakilang malandi sa school namin. Bahala nga sila. Naglakad na lamang ako papunta sa upua ko, sakto ring dumating ang prof namin.

Pagkatapos ng klase namin ay nagkita kami nina Yana at Gabby. Grabe! Namiss ko ata ang dalawang ito. Ilang araw rin kaming hindi nakapagbonding dahil sa mga reports and demo nila. Kawawang future teachers.

Sabay kaming naglunch. Nag-usap sa mga nangyari. Si Yana panay kwento sa crush niyang si Sir Blake. Si Gabby naman hindi papatalo, kinuwento din ang bago niya Papable. Ano pa bang bago sa baklitang ito?

Naikwento ko rin sa kanila si Future Husband ko. Naks! Kinilig ang lola mo. Daig pa ang ate ko. Baliw na talaga ang dalawa kong kaibigan. That' what about I love them kasi kuntodo suporta ang mga ito sa 'kin.

So far walang pagagambala ni Ceasar the monkey monster ngayon kaya tahimik ang araw ko.

"Ohmyghad! Hindi na talaga nahiya. She is so desperate, look at her. Hindi naman kagandahan ang looks niya a." Teka? Maarte? Alagad yun ni Maureen. Si Danica Maarte. Ano na naman kailangan nila?

"Hmp! Yah!.. Hindi siya maganda. Sino siya para pagnasaan si Tristan.!" Si Patricia. Ang babaeng palaging naka-pony tail at sandamakmak din ang kulay sa pagmumukha nito.

"Oopss! I smell something fishy." Komento ni Ayana.

"Gaga! Baka naman bunganga mo lang 'yang smell fishy. Remember, malapit lang ang ilong sa bunganga!" pang-aasar ni Gabby. May batok pang kasama galing kay Yana.

"She don't deserve to treat well. Kailangan sa kanya itapon sa Planet Mars. Like duhh.. A lunatic." nag-iinarteng sabi naman ni Danica.

Nagbubulungan ba sila? O nagpaparinig? Which is which? Seems they are planning something horrible.

Ilang sandali pa ay tama nga ang hinala ko. Tumayo si Maureen at papunta sa direksyon namin. Anong gusto ng piranhang ito?

"Opss..." Umarte siyang natapilok at ibinuhos sa ulo ni Gabby ang dala niyang Juice. Nasisiraan na ba siya? Gabby is her cousin for Pete's sake!

"What the!" bulalas ni Gabby na galit na galit. Napatayo siya at hinarap si Maureen the Maldita. "What do you think you're doing Maureen?" Hello World War G. G as in Gabby.

"I'm sorry Couz. I didn't mean it. Natapilok ako that's why nabuhos sa 'yo. I'm sorry." Arte niyang sabi. Sinong niloloko niya? Lelang niya!

Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ni Maureen na naghahagikhikan. Mga bruha! Sinadya talaga ni Maureen iyon. She is indeed a demon. At dahil pinsan niya si Gabby, war Freak din ang baklitang ito. Nasa lahi ata nila yan e.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon