Chapter 54: His Heartbreak

1.1K 32 8
                                    

Dahil lumabas na si Tristan, bigyan naman natin siya ng pagkakataon na isiwalat ang nangyari sa kanya.. AHahhaa! Ready na ba kayo? Here it is.....

TRISTAN'S POV

"I want you to meet my boyfriend, Tristan Lee. Hon, meet my cousin John Edward and his fiance Christina Louise ."

Para akong naistatwa sa nakikita ko ngayon? Is this Louise? Hindi ako maaaring magkamali. Kinulayan lang ng blonde ang buhok niya.

"Nice to meet you dude.." Agaw pansin ng lalaking pinsan ni Aliyah na si John Edward at inilahad ang kamay niya.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Yeah! Nice to meet you too.." Tiningnan ko ang babaeng kasama niya na halatang nagulat based on her reaction. Hindi ko alam na siya pala ang fiance ng pinsan ni Aliyah. I never thought na siya ang Tina na tinutukoy ni Aliyah.

Napansin ata ni John Edward na nakatitig ako sa fiance niya kaya tumikhim siya.

"Fiance ko nga pala. Si Christina." Pakilala niya sa katabi niya. Natauhan siya at alanganing ngumiti.

"H-hi.." Bulol niyang sabi.

"Wow!" Bulalas ni Aliyah ang nakaagaw ng pansin namin. "This is very beautiful Tina. Thank you so much for this." Masayang sabi niya sa hawak niyang bracelet na kagagaling sa isang box.

Tiningnan ko si Louise ngayon na nakangiti kay Aliyah.

"Don't mention it. I'm happy you've love it." She said.

Ang boses niya. Siya pa rin ang babaeng minahal ko 2 years ago. Siya rin ang babaeng niloko ako. Sa totoo lang, galit ako sa kanya. Ayaw na ayaw ko siyang makita. Ang kapal siguro ng pagmumukha niya kung magpapakita pa siya sa'kin.

Biglang bumangon ang galit ko at inalala ang nakaraan.

2 years ago..

"May sulat ka bro," Sigaw ni Tiffany sa'kin. Kagagaling ko lang sa practice namin ng basketball.

"Sulat? Para sa'kin?" Lumapit ako sa kanya para makita ang sulat.

"I guess so, ikaw lang naman ang Tristan dito sa bahay ah!" Pilosopong sagot ng kapatid ko. Nagtaka ako sa sulat kaya kinuha ko at binasa.

Tristan,

       Sa mga oras na'to, bumabiyahe na ako papunta sa lugar kung saan magiging okay ang lahat. I'm sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ng personal. I'm sorry kong hindi ko naipaalam sa'yo na ikakasal na ako.. Hindi kita kayang makitang nasasaktan kaya mas minabuti ko na lang na sa sulat ko na lang ipahiwatig ang lahat. Mahal kita Tristan pero please forgive me. Mas mahal ko siya kesa sa'yo..Patawarin mo ako kung napaglaruan ko ang puso mo. Sana'y makahanap ng babaeng deserving of your love. I'm so sorry.

                                           C. Louise

Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko. Kinuyom ko ang kamao ko at sinuntok ang cabinet na nasa likod ko.

"Tristan, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Tiffany sa'kin.

Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko. Gusto kong makita si Louise. Gusto kong makompirma ang tungkol sa sulat.

Nakarating ako sa bahay nila after a couple of minutes.. Nagdoorbell ako ngunit walang sumasagot. Hindi ko tinigilan ang pagdodorbell. Halos masira na ito sa kakapindot ko.

Damn! This can't be happening. Gusto kong sumigaw! Ngunit parang wala talagang tao sa bahay nila. Totoo nga siguro ang sulat.

Laylay ang balikat kong pumasok ng sasakyan at nagmaneho. Nagmaneho ako ng nagmaneho! Gusto ko ng matapos ang buhay ko. Paano niya nagawa sa akin ito. May pangako kami sa isa't isa pero bakit nagkaganito. Louise, Anong nangyari?

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon