TINA
"Kung gusto mo, ikaw na lang maghanap ng kahoy!" Sa bahay nga kahit na paghuhugas ng pinggan hindi ko magawa maghanap pa kaya ng kahoy para dw haligi ng tent namin. Just like, HELLO? I'm not your maid Mr. Lee!
"Ang tamad tamad mo talagang babae ka. Akala ko clumsy ka lang, tamad din pala!"
"Aba! Nagsalita ang masipag!" Opo sa tingin niyo ba eh hindi tamad ang naka-upo lang at utusan lahat ng kagrupo niya samantalang siya? Sitting pretty?!! Hindi makatarungan ito! My ghadd! Puputok na talaga ang ugat ko sa damuhong ito!
"Kahit na leader ka namin hindi naman ibig sabihin na uutusan mo na lang kaming lahat ng mga gagawin namin dito samantalang ikaw? Pa-upo upo lang? Ayos ka rin ano?"
"Sa tingin mo ba wala akong ginagaw?"
Heto na naman po tayo mga friends, walang katapusang bangayan!
"Pa-upo upo ka lang naman diyan a!" Omo! Parang galit na naman ata. Ang pikon niya talaga.
"Fine! Ikaw magplano ng itatayong tent at ikaw na rin mag ayos para sa grupo natin at ako maghahanap ng kahoy para gagamiting haligi!" Tumayo siya at naglakad palayo sa'kin.
Eh? Nagpaplano pala siya? Eh hindi niya man lang sinabi na may ginagawa pala siya.
"Uy teka!" Kailangan ba may ganitong anggulo? Hahabulin ko siya para maghingi ng sorry ? BIG NO WAY!
"Sandali lang!" Nakakainis ang lalaking ito!
"Ano?!" Ohgosh! Sinigawan niya ako?
"Ah eh.. A-ano k-kasi ..." Natatakot na ako. Halimaw pa naman ang lalaking iyan!
"Ano ba?!" inulit niya ang kanyang pagsigaw.
"Bakit mo ba ako sinisigawan?" Galit na rin ako. Nakakainis ang Ceasar na ito. Bakit hindi Ceasar ipinangalan sa kanya? kamukha niya kasi talaga si Ceasar kapag mapikon.
"Naghahanap ka talaga ng away no?" Ang yabang talaga ng lalaking ito. Hindi kita uurungan!
"Hinahamon mo ba akong bakulaw ka?!"
"WALANG MANGYAYARI SA ATIN KAPAG PALAGI KAYONG MAG AAWAY!!" sigaw ng isa naming kagrupo. Hindi ko to kilala e.
"Y-yung i-ibang g-grupo kasi naka umpisa na ng tent n-nila. Tayo wala pa." Nauutal ata siya? Hala! takot siya sa halimaw na katabi ko?
Nakita ko si Unggoy na ang sama ng tingin sa nagsalita. Luhh! Lagot ka!
"S-since a-andito na yung tasks na dapat nating gawin a-at para may unity tayo, mag-group na lang tayo into two. Since we are 48 in this group eh-"
Ay bastos na batang ito! Hinablot ba naman ang papel na hawak nung lalaking nauutal.
"Okay! Payag ako!" sigaw ng isa at nasundan ang pagsang ayon ng lahat. Then nagkanya kanya na silang pumili ng partner nila.
Teka! 48 kaming lahat? So even number at lahat sila may mga partner na. Ako at ang bakulaw na lang na ito ang walang partner? Oh pu-lease!
"Attention group 2!" Binasa ng damuhong lalaking ito ang papel na hawak hawak . "To have our unity, kailangan niyong pagtulungan ang mga task and these are the ff:
1. Make a tent of your group.
2. Hunt for your foods.
3. Each one of you should do the tasks that would be assigned to you and to your team. There is an envelope with your name. Inside of that is the task that is assigned to you and to your partner.
Bla. Bla. Bla. Blah....
Ang dami namang rules niyan. Nakakairita! Bakit pa kasi ako sumama eh.
"Okay everyone! Please cooperate!" sigaw ng damuho
****
After how many years...natapos din ang tent namin. Yehey! Ano ba nagawa ko? Naghanap ng kahoy! Siyempre nagtulungan kami ng mga kateam ko para naman may unity kami.
Halos gumagabi na ng matapos ang tent namin kaya kinonsider ng committee ang mga baon namin sa 1st night namin. Yes! Already is set! Ang ganda talaga ng feeling kapag may nakikita kang accomplishment diba? Kahit hindi masiyadong kagandahan ang tent namin atleast pinaghirapan at pinagtulungan namin ito.
Hayy! What a tired day! Mabuti naman at buong maghapon ay hindi kami nag imikan ng mayabang na lalaking iyon although utos ng utos pero di bali na. Tahimik ang buong hapon at hapunan ko.
Nagkita kami ng mga bff ko. Chika ng kaunti sa mga nangyari. Infairness ang ganda ng tent nila Gabby, naiinggit ako. Sana ka-grupo na lang kami.
Hindi nagtagal eh nakaramdam kami ng antok kaya nagpasiya kaming matulog na para may energy pa bukas.
Bago matulog ay nagdasal muna ako na sana hindi ang mayabang na damuhong gorillang iyon ang kapartner ko bukas sa mga challenges. Sana. Sana. Sana!
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...