Chapter 45: Her Heartbreak

1.2K 33 9
                                    

Nakayakap parin si Kuya sakin. Ako naman iyak ng iyak. Hindi ako makapaniwala sa nilalaman ng sulat. No! Its not true! Kailangan kong puntahan si Tristan. I need to talk to him.

Kinuha ko ang sulat at nagmadaling lumabas ng kwarto ko. I checked my wrist watch at maaga pa. 6pm.. Nasa bahay na siya nila ngayon.

"Tina! Where are you going?" Rinig kong sigaw ni kuya. Hindi ko na siya sinagot. Ang alam ko lang kailangan kong makausap si Tristan.

Sa pagmamadali ko, nabangga ko si Eme at tumilapon ang tablet niya.

"Darn! ATeeeee!"Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa labas at nag-abang ng taxi. Patuloy parin sa pagtawag sakin si Kuya pero hindi ko siya nililingon.

Sumakay ako ng may dumaang kotse. I need to go there! Bahala na kung magkita man kami ng ate niya.

I'm still crying habang tinuturo ko ang daan papunta sa bahay nila Tristan. Hindi naman talaga ganun kalayo ang subdivision nila.

Bumaba ako ng taxi at nasa labas na ako ng subdivision. Nagmadali akong maglakad nang hinarangan ako ng guard.

"I'm sorry Maam Tina pero hindi po kayo pwedeng pumasok." Kilala ako ng guard dito madalas ako sa bahay nila Tristan nung wala pa ang ate niya.

"Anong hindi ako pwedeng pumasok?! I need to talk to Tristan! Let me in!" Galit na galit kong sigaw sa guard.

"I'm sorry talaga Ma'am Tina. Hindi po talaga pwede!" Pagpipigil niya.

Nainis na ako. Pinilit kong makapasok. Kinagat ko ang guard sa braso at tumakbo patungo sa bahay ni Tristan.

Malapit na ako sa bahay nila ng may lumabas na sasakyan. Hindi kay Tristan ang sasakyan na yun.

Tumigil ako sa pagtakbo at inaninag kong mabuti ang laman ng kotse ngunit dinaanan lang ako. Tinted ang sasakyan kaya di ko masiyado makita ang tao sa loob.

Pinahid ko ang luha ko ng mapansing huminto di kalayuan ang sasakyan.

"You must be Christina?" Boses ng isang babae ang narinig ko. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Isang magandang babae ang nasa harap ko ngayon at lahat ng suot niya ay pula. Pula ang cocktail dress niya, may heels na pula rin. Basta pula lahat sa kanya.

"Christina Santos.. Am I right?" Ulit niya.

Natauhan ako sa boses niya. Paano niya ako nakilala? At sino siya?

"I'm Tiffany Lee, Tristan's sister." Pagpapakilala niya.

EME'S POV

"Darn! Ateeee!" Sigaw ko kay ate ng tumilapon ang tablet ko. Nakita kong dumiretso lang siya. Umiiyak ata?

"Tinaaa!" Sigaw naman ni kuya. Anong nangyayari? Dinaanan lang din ako ni kuya.

Tiningnan ko ang nakakalat na pyesa ng tablet ko. May napansin akong lukot na papel. Kinuha ko iyon at binasa.

Louise,

I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sayo ng personal. Sa mga nangyari satin. Hindi ko inaasahan na darating tayo sa ganitong punto. Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol sa kasal mo? You made me blind for all of this Louise, I'm not expecting that you can do this to me. I thought you love me that much pero hindi pala.

Wishing you on your wedding day. Sana maging masaya ka sa pinili mong buhay. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo masabi sakin. Because you don't want to hurt me. Instead seeing me hurt, aalis na lang ako. Ayokong guluhin ka pa.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon