Naalimpungatan ako sa mga boses na nagtatawanan. Minulat ko ang mga mata ko. Pinakiramdaman kong mabuti ang nangyari.
Naalala kong may humarang sa'kin na van at lumabas ang tatlong lalaki at pwersahan akong inilabas. Hanggang sa tinakpan ng panyo ang ilong ko at nawalan ako ng malay.
Sino ba ang mga taong ito? Anong kailangan nila sa'kin?
Naramdaman kong nakatali pala ang mga kamay at paa ko. Nakahiga ako sa sahig. Ang sakit ng katawan ko.
"Gising ka na pala.." Tinig ng isang lalaki.
Hindi ko maaninag ang pagmumukha niya dahil sa ilaw na nakakasilaw.
"S-sino ka?" Nabubulol kong tanong sa kanya. Bakit feeling ko narinig ko na ang boses niya noon. Hindi ko lang matandaan kung saan.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong niya..
"S-sino ka ba?" Tanong kong muli.
Tumawa siya ng malakas.
"Wa jud ka kahinumdum naku Tina?" Hindi mo ba talaga ako naalala Tina? Bisaya? Hindi kaya..
"A-andrew?" Pilit kong inaaninag ang pagmumukha niya pero hindi ko magawa dahil sa ilaw.
Tumawa ulit ang nagmamay-ari ng boses.
"Tina.. Tina.. Tina.." Bigkas niya sa mga pangalan ko na parang kumakanta ng nursery rhyme.
"Akala ko nakalimutan mo na ako.." Boses niya na parang nagtatampo.
Siya nga! Hindi ako makapaniwala. Siya ang scholar nina Tito Francis sa Zamboanga. Bakit niya nagawa to sa'kin?
"A-anong kailangan mo s-sa'kin?" Pinipilit kong makaupo ng maayos mula sa pagkakadapa. Nanghihina ang katawan ko.
"Hahaha! Kawawa ka naman. Gusto mo tulungan kita?" He said mockingly. Bahagya siyang nag-squat para mapantayan ako.
Ngayon naaaninag ko ng mabuti ang mukha niya. Ngumisi siya sa'kin ng mala-demonyo. Hindi ko lubos akalain na kaya niyang gawin ang kasamaang ito.
"On the other thought, wag na lang pala. Bakit naman kita tutulungan." Tumayo siya at naglakad palayo sa'kin habang tumatawa ng malakas.
Lumabas si Andrew. Tanging ako na lang ang nandito dahil nagsilabasan din ang mga alipures niya.
Naghanap ako ng pwedeng magamit gamit ang mata ko para kalasin ang tali sa kamay at paa ko.
Sa hindi kalayuan may naaaninag akong bangko. Lalapitan ko sana ng may marinig akong ungol.
Kinabahan ako. Hindi kaya may kasama ako dito na hindi nakikita? Diyos ko po!
Narinig ko namang umungol siya ulit. Pinakiramdaman ko lang siya.
"N-nasan a-ako?" Satinig niya. Boses iyon ni Janna.
"J-janna?"
TRISTAN'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Louise pero hindi pa rin sinasagot. Ano bang nangyari sa kanya?
Pumunta na ako sa condo niya para icheck kung nandun siya pero wala parin.
I dialed Gabby's number. Sila ang magkasama buong araw.
"Hello Tristan?" Sagot sa kabilang linya.
"Magkasama kayo ni Louise ngayon?" Tanong ko agad-agad.
"Hindi. Nandito ako sa office. Magkasama kami kanina pero iniwan ko rin siya kasi they need me here. Bakit? Anong problema Tristan?"
"Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sumasagot. I also checked her condo pero wala siya." Kinakabahan na ako.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Novela JuvenilIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...