"AAAHHHHH!!!" Hindi ako makatulog. Bwisit kasi ang lalaking iyon. Ginugulo niya pag-iisip ko. Sabihin ba namang gusto niya ako. At hindi lang gusto, gustung gusto pa talaga. Leche!
FLASHBACK..
Naglapat ang aming mga labi. Ohno! 2nd kiss na namin ito. Nakakainis.
"Naniniwala ka na?" Tanong niya..
"Hindi mo naman kailangang halikan ako para maniwala. Manyak ka talaga! Manyak!" Sagot ko sa kanya. Nakakainis eh. Magnanakaw ng kiss!
"Yan ka na naman Louise eh. Kaya ako nainlove sayo kasi ganyan ka." Nahihiya niyang sabi.
"Anong ganito ako? Sipain ko kaya yang mukha mo." Ilang oras na lang magiging super sayan na ako. Waahhhhh!!
"Sadista ka talaga! Tara na nga ihahatid na kita sa inyo. Basta gusto kita. Period. Walang erase!" Okay lang ba siya? Para siyang bata.
"Baliw ka talaga! At anong ihahatid samin? Hello? Class hours ngayon. Bwisit ka talaga. Bad influence ka!"
"Ikaw kaya ang bad influence. Kasi naging impluwensiya ka para mahalin kita." Ayyeehhhh.. Pinapakilig niya ba ako?
"Ewan ko sayo!" Tumalikod ako at naglakad papunta sa kotse.
Hindi na ako papasok. Sa bahay na lang ako nagpahatid. Wala nang ganang i.attend ng klase eh.
Nasa harap na kami ng bahay at ni isa samin walang gustong magsalita. Bahala siya!
Bumaba ako. Papasok na ako ng gate nang tinawag niya ako.
"Bakit?"..
"W-wala. S-sige ingat ka ha?" Sabi niya. Nahihiya ba siya? Matapos niya pakapalan ang pagmumukha niya ngayon pa siya mahihiya?
Tiningnan ko lang siya sa sinabi niya. Maya maya'y pinaharurot na niya ang kotse palayo.
END OF FLASHBACK..
Bwisit ang lalaking iyon. Bwisit talaga ang unggoy na yun.
Tiningnan ko ang table clock ko. Its already 12mn.. I really need to sleep. Waahhh! Ayokong malaki ang eyebags ko sa date namin ni Paolo my future husband bukas.
Tik tak tik tak tik tak..
"Ang ingay mo namang orasan ka!" Matutulog na ako. Promise!
Tik.Tak.Tik.Tak.
Ano ba! Patulugin niyo ako kalikasan! Huhu..
1..
2..
3..
4..
Pero hindi parin ako makatulog. Buhay nga naman oh!
Mapapansin mo ba..
Kaya ang tulad ko..
Kahit na sa sulok lang..
May tumatawag? Nang ganitong oras? Anobeyen!
Ng iyong mga mata..
"Hello?" Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hindi ka makatulog no?" Napabalikwas ako sa boses sa kabilang linya. Si Ceasar the great monkey.
"Hanggang sa pagtulog ko ba, kukulitin mo ako? Or aasarin? Parang awa mo na. Gustong gusto ko nang matulog." Ano ba kasi itong napasok ko.
"Okay. Goodnight my VAJDNNDIFM." Wala akong naintindihan sa huli niyang sinabi kasi nakatulog na nga ako.
Kinabukasan tinanghali ako ng gising. Ang sarap kaya matulog. Mabuti at walang pasok ngayon.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...