Chapter 46: Her heartbreak 2

1.5K 51 13
                                    

AYANA'S POV

"Girl, marami ka ng nainom. Tama na yan." agaw ni Gabby sa baso.

"No! I need thissshh! I want to forget Trisshhtan!" Lasing na sabi niya.

Marami na siyang nainom ng dumating kami dito sa bar. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita si Tina na ganyan ka-depressed. Siguro nung bata pa siya, oo! Pero ngayon, iba eh.

Kinuha niya ang isang baso at tinungga iyon.

"He isshh a coward. Iniwan niya akooo." Pagewang gewang niyang sabi.

I sighed. Hindi pa man naming ang buong pangyagari pero Gabby and I knew that it was Tristan.

"Tina girl? Enough na ha? Too much na nainom mo.." Sabi ni Gabby sa kanya ngunit matigas ang ulo ng babaeng ito.

"No! Sasayaw akoooo! I want to enjoy..!" Tumayo siya at pumunta sa dance floor. Marami pa namang manyak dito.

Sinundan namin siya ni Gab para akayin pabalik sa upuan namin. Impossible. Para kaming nag-aalaga ng batang pasaway.

"Bessy, tama na.. okay?" Agaw ko sa baso niya.

"Ano baaaa Yanaa! I can handleee myshelfff.. Ohkeeessshh?" Napakamot ako ng ulo.

Tumayo na naman siya para pumuntang dance floor nang mabangga siya sa usang lalaki.

Nagmadali kaming ilayo si Tina. Leche Plan na babaeng ito oh. Ganito ba talaga siya kapag brokenhearted?

"Chuuurrryyy... I didn't mean itttt." She apologized.

Lumingon amg lalaki sa kanya at kumunot ang nuo.

"Im sorry. Hindi sinasadya ng kaibigan namin. Lasing lang masiyado. Sorry." Paghingi ko ng dispensa sa lalaki.

"Christina?" Bulalas ng lalaki.

Ako naman ang napakunot ang nuo. Kilala niya si Tina?

"Do you know her?" Gabby asked him. Napansin niya rin ata.

"Umm.. I guess? I'm her fiancee."

Halos lumuwa yung mga mata namin ni Gabby sa narinig. Ano daw? Fiancee?

Nasa state kami ng shock ng sumuka si Tina sa harapan ng lalaki.

"Oh sh*t!" Sigaw niya. Fiancee pala ha.. Ayan. Buti nga sayo.

TINA'S POV

Aww. Aww. Ang sakit ng ulo ko. Nagising ako mula sa sikat ng araw. Naalala ko na. Nalasing ako kagabi.

Bigla na namang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko na naman siya. Kahapon lang nagyari yun bakit parang feeling ko, kanina lang yun.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa si Mommy na may dalang breakfast. Hanggat maaari ayoko sanang kausapin siya. I sighed.

"Hinatid ka ng mga kaibigan mo at ni JE kagabi." Napatingin ako kay mom na ang mga mata ay nagtatanong. JE?

"Si JE. Ang fiancee mo." Dagdag pa niya.

Kailangan ba talagang ipangalandakan na fiancee ko ang lalaking iyon? At JE? Parang hindi naman yun ang pangalan niya.

Hindi ako sumagot. Hinigop ko ang mainit na sabaw at uminom ng kape. Medjo nahimas himasan na ako.

Tiningnan ko ang side tableclock ko at malapit na mag-start ang klase ko. Naalala ko, may long quiz kami ngayon sa isang subject ko.

Tumakbo ako papuntang banyo. Iniwan ko si mom na nagtataka. Kahit hang over pa ako, papasok ako.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon