"What?! Ikakasal ka na?!" Sigaw sa kabilang linya. Halos mabasag ang eardrums ko sa tinis ng boses niya.
"Ano ba naman bessy. Ang tinis ng boses mo, pwede pakihinaan naman." Nakangiting sabi ko sa kanya habang nagpipinta. Pinipaint ko ngayon ang magiging bahay namin.
"Bakit biglaan? Kailan nga ba yang kasalan na yan?" Natatawa talaga ako sa reaction ng babaeng ito.
"Sa susunod na buwan pa." Inipit ko ang cellphone sa balikat ko para madikit sa tenga ko.
"Naku naman bessy. Alam mo namang nasa Macau pa ako ng mga panahong iyan. Masiyadong busy ang linya ko. Huhu." Pag-eemote niya sa kabilang linya.
"Luhh. Kapag di ka pumunta. Hindi na tayo bati." Haha! Para lang akong bata.
"Haaayy.. Matitiis ba kita? Mahal kita e. Alam na ba ito ni Gabby?"
"Updated yun palagi sa'kin. Nagkita na kami nung isang araw. Siya raw wedding planner ko." Tumayo ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitcher. Isinalin ko sa baso ang tubig at ininom.
"Kaloka naman kayo. Ang sasama niyo." Pagmamaktol niya.
"Haha! Ikaw ba sa floral arrangement? Sabi kasi ni Gabb, ikaw raw bahala sa flowers." Haha! Kung nakikita ko lang ang babaeng ito ngayon sigurado ako, nakanganga ito.
"Ohh.. Baka pasukan ng langaw yang bibig mo." Biro ko sa kanya.
"Tse! Sige.. Ako bahala sa flowers. Just send me the date and yung motif niyo para mabagay ko ang mga arrangement ko sa kasal mo."
Narinig kong may sasakyang pumarada sa harapan ng condo ko.
"Sure! I have to hang up na. Nandito na kasi fiance ko." Sabi ko habang kinikilig.
"Tse! Ikaw na may lablayp. Bye bessy."
Natawa ako sa inasal niya. "Bye bessy. Ingat ka diyan, ay mali! Sila pala dapat mag-ingat sa'yo!" Tumawa ako ng malakas.
"Ewan ko sa'yo Tina.. Sige na. Babay!" At pinutol niya ang tawag.
Mabilis kong inilapag ang cellphone ko at dali-daling tumakbo sa taong dumating.
Nakatalikod siya ngayon at hinahakot ang mga inutos kong grocery sa kanya.
Tumakbo ako at sumampa sa likod niya.
"Shit!" Rinig kong mura niya.
Nagsilaglagan kasi ang mga dala niyang supot. Napahagikgik ako.
"Oooppsss! Wag ka ngang magmura. Nakakabadvibes ka eh." Sabi ko at bumaba mula sa likod niya.
Humarap siya sa'kin na iritable ang mukha. Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.
"Bakit ba ang cute cute cute cute ng magiging asawa ko. Wag na yang kunot noo, pumapangit ka." Inayos ko ang pagkakakunot ng noo niya.
"I'm not cute. I'm handsome." Sabi niya.
I kissed him on his lips. Nakakaadik talaga ang lalaking ito.
"Nagiging hobby mo na yang paghalik mo ha." Humagikgik ako sa sinabi niya.
Nakakakilig pati boses niya. Ako na talaga ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.
Hinampas ko siya sa balikat.
"Nagiging hobby mo na rin yang paghampas sa balikat ko. Pwerket maganda yung katawan ko, hahampas hampasin mo na ako." Sabi niya.
Humagikgik na naman ako.
"Hal naman kasi eh. Nakakaadik ka." Sabi ko sa kanya sabay hampas muli.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...