Sa previous chapter.. Pasensiya po sa mga wrong grammar at typos. Hindi ko po kasi binasa ulit before i.publish. Kayo na lang po ang bahalang umintindi. Tenkyu..
-------———————------------------------------
TINA'S POV
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Walang araw na hindi kami magkasama ni Hal ko. Siyempre kilala na siya nina Kuya at Eme bilang boyfriend ko.
Palagi niya akong dinadala sa seashore. Kung natatandaan niyo. Yun yung lugar kung saan gusto niyang gumawa ng bahay at bumuo ng pamilya niya.
At ako namang si kinikilig. Hindi ko maiwasang isipin na sana ako na babaeng iyon. Hayy.
Parang kailan lang naging kami ni Tristan. Masiyadong mabilis ang takbo ng oras at paglipas ng mga araw.
At dahil christmas vacation na..kailangan mas memorable ang christmas namin ng Hal ko. Pupunta kaming Zamboanga City sabi ni Kuya, doon daw kami mag-spend ng Christmas namin. Sa kapatid ni Daddy. Gusto kong ayain si Hal ko.
Nandito kami ngayon sa favorite place namin. Sa seashore.
Nakaupo siya sa likuran ko at nakasandal ako sa kanya. Naglatag kami ng tela at nagdala ng konting makakain. In short. Nagdedate na naman kami. Hehe.
Hindi kami nagsasawa sa isa't isa. Gusto namin palagi kaming magkasama. May mga pagkakataon ding nag-aaway kami sa konting bagay. Tulad ng pamimili ng damit namin.
FLASHBACK..
"Ayoko kasi ng ganyang kulay. Ang pangit." Pagrereklamo ko.
Andito kami sa Mall ngayon. Nagdate kaming dalawa kasi 3rd monthsary namin ngayon.
Katatapos lang naming manuod ng sine. No other woman ang title. Nakakatawa nga eh. Yung legal wife tsaka yung mga kabit naging magbestfriends. Ang weird nga eh. Haha! Pero na-enjoy namin ang movie.
Nasa Clothing station kami at namimili ng mga damit. Gusto niyang bumili ng couple shirt. Para siyang bata sa totoo lang.
Simula nung naging kami ni Tristan. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi siya makwentong tao pero ako lang talaga ang makulit at gusto kong magtanong ng magtanong hanggang sa mapapakwento na lang siya. Ang galing power ko e.Haha!
"Maganda naman ito a. Tsaka may heart pa oh." Pamimilit niya sakin.
Anong maganda diyan? Okay naman ang design. Ayoko lang ng kulay. Kulay orange tapos may design na heart. Ang pangit talaga. Promise!
"Ayoko nga ng kulay orange. Ang pangit nga kasi." Reklamo ko.
"Hayy.. Okay, hindi ko na iinsist. " Yan. Goodboy.
Sa di kalayuan may nakita akong nakausling jacket. Nilapitan ko habang siya naman busy sa pamimili ng ibang couple shirt. Ewan ko ba sa lalaking iyan. Minsan talaga ang OA niya.
Kinuha ko ang jacket at namangha ako. Wow! Ang ganda naman nito. Feeling ko couple jacket ito kasi may nakasulat na Ilovehim tapos may heart pang maliliit. May drawing pang girl and boy na naghoholding handa. Color Black siya at ang cute. Gusto ko nito.
Hinanap ko ang kapartner nito and yes! Nakita ko rin. Yung isang jacket ang nakasulat Iloveher. Ganun din ang design niya. Ang cute cute cute cute talaga.
Nilapitan ko siya at pinakita ang dalawang jacket.
"Hal, what do you think about this?" Nakapuppy eyes pa talaga para hindi niya hihindian.
Kinuha niya ang isa at tiningnan. Parang imbestigador na hinahanapan ng ebidensiya.
"Hmm.. Not bad." sabi niya.
"Really? Ang cute cute kasi. Eto na lang bilhin natin." Pamimilit ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Bakit? Akala ko not bad..
"Mas gusto ko yung T-shirt lang para hindi mainit." Mahinahon niyang sabi.
"Pero Hal..Gusto ko ito eh."
"Mah, mainit kasi yan kapag sinuot natin."
"Okay lang sakin mainit basta ito bilhin natin." Nagpout na talaga ako.
Hindi parin siya kumbinsido. Ang mahirap kasi saming dalawa. Pareha kaming iinsist sa gusto namin pero sa huli siya rin ang susuko.
"Mah.." Sambit niya sakin.
"Its Louise.." Galit na ako sa lagay nato.
"Here we are again. Okay sige na! Yan na bilhin natin. Happy?"
"Yehey!"
AT the end of the day, umuwi kaming nakasuot ng jacket.
END OF FLASHBACK..
Marami pa kaming naging pagtatampuhang dalawa. Sabi nila Ayana, ang sweet raw namin kasi para kaming aso't pusa. Sweer ba yun?
"Hal, sama ka samin sa Zamboanga City. Dun kami mag-spend ng christmas namin." Pag-uumpisa ko.
Binuksan niya ang chips at kumain. Kumuha rin ako.
"Gusto ko sana Hal pero darating ang ate ko. Alam mo naman yun. Gusto nga sana kitang ipakilala sa kanya kaso aalis pala kayo."
Nalungkot naman agad ako. Hindi siya makakasama, hindi ko rin makikilala ang ate niya.
Naikwento niya na sakin ang tungkol sa ate niya. Maldita raw yun. Katakot nga e. Pero kahit ganun siya, gusto ko parin siyang mameet. Malay mo maging best of friends pa kami diba. Hehe.
"Ay! Sayang naman."
"Maybe next time na lang. Basta mag-ingat ka dun ha. Ayokong may kausap kang mga lalaki dun na hindi related sa pamilya niyo." Nag-umpisa na naman siya.
Seloso masiyado ang boyfriend ko.
Niyakap niya ako. Niyakap niya akong napakahigpit.
Sana ganito kami palagi. Kung ano kami ngayon ganun din kami sa mga darating na araw.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...