chapter 38

46 7 1
                                    

Lumipas ang mga araw. At hanggang ngayon, hindi parin nawawala sa isip ko ang mga pinag usapan nila Yohan at Agnes nung araw na magkaharap harap kami sa school ground. Lalo na ang binitawang salita ni Yohan na sasabihin niya sa akin lahat. Hindi ko maintindihan. Ano ang kailangan niyang sabihin sa akin? At bakit ganun nalang kung kausapin niya si Agnes, na dati naman ay hindi niya ginagawa.

Napapansin ko rin na nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman ko na unti unting dumidistansiya sa akin si Yohan. Hindi rin nito tinupad ang sinabi niya na sasabihin niya sa akin ang lahat.

Madalas itong nauuna sa pag uwi. Hindi narin ito halos sumasabay sa amin sa pagkain. At bihira narin ako nitong sunduin sa umaga at ihatid pagkatapos ng  klase tuloy ay napilitan na akong gamitin ang sarili kong kotse. Ayaw na akong payagan pa ng magulang ko na mag commute dahil sa takot na baka muling may mag banta sa buhay ko.

''Psst! Huy! Pukaw sa akin ni Mildred nang maabutan ako nitong tulala sa munting opisina ko sa Sheyli's.

'Huh? B- bakit?  Utal na tanong ko.

''Ang sabi ko, may problema ba kayo ni Yohan?. Napapansin ko nitong mga naka raang araw  parang umiiwas siya sa'tin. Madalas mag isa lang siya. Pati nga sina Sky at Lander nagtataka narin sa mga ikinikilos niya eh". Nag iwas ako ng tingin at ibinaling ko ang paningin ko sa mga mumunting goldfish na nagsisipag languyan kasama ng ibang isda sa aquarium na hindi ko matandaan kung kailan pa ito naroon. Saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

''Hindi mo sinasagot ang tanong ko Khendra. May problema ba kayo ni Yohan? Muling tanong nito and this time i looked straight into her eyes.

''Honestly? I don't know. I don't have any idea kung bakit iniiwasan niya ako. Mahinang sagot ko. Muli kong naramdaman ang munting kirot sa pagka alala kung paanong unti unting umiiwas si Yohan sa akin. Hindi alam ni Mildred o ng kahit na sino sa mga kaibigan ko ang nangyare sa amin ni yohan few days ago. Wala akong lakas ng loob para mag kwento.

''Khen,,,, malungkot na tawag ni Mildred sa pangalan ko.

''Actually,,, dagdag pa nito na bahagyang binitin ang sinasabi saka tumingin ng deretso sa aking mga mata. Tila may gusto itong sabihin ngunit hindi alam kung pano sisimulan.

''Say it. Kinakabahang utos ko. Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita.

''I saw Yohan the other day sa mall  and he's with someone.  ani Mildred na agad kong ikinalingon.

''With whom? Kunot nuong tanong ko ngunit nanatiling tahimik si Mildred. Tila tinatantya kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sasabihin nito.

''Mildred please. Pakiusap ko dito.

''With Agnes. Anito sabay buga ng malakas na buntong hininga.  ''Look, i don't know kung magkasama nga sila na nagpunta sa mall or nagkasalubong lang sila. Kaya wag ka munang mag isip ng kung ano ano okay?. Alam ko na hindi ka magagawang lokohin ni Yohan. Alam ko kung gaaano ka niya ka mahal at alam kong hindi ka niya bibitawan ng basta ganun nalang.
Kaya lang kase,,

''Kaya lang ano?

''Agnes is acting so sweet to Yohan. Though, walang emosyon si Yohan i can feel that there is something going on between them''.  Anito pa.

Wala akong masabi. Of all people bakit si Agnes pa. Bakit siya pa. Sana nagkakamali lang ako ng iniisip. Sana mali ang nakita ni Mildred sa mall.

Ilang minuto nang nakaalis si Mildred sa opisina ko pero hindi ko parin makuhang kumilos. Hindi parin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Mildred.  Bumuntong hininga ako bago nagpasyang tumayo mula sa swivel chair na kinauupuan ko at saka lumabas ng opisina.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon