chapter 5 friends

156 13 0
                                    

Khen's POV

🎶Tell me her words i never said,
Show me the tears you never shed,
Give me the touch that one you
Promise to be mine,
All has it vanished for all time,🎶

Pinipigilan kong umiyak pero bigo ako. Dahil habang inaawit ko ang kantang ito naalala ko bawat masasayang sandali na magkasama kami.

Naalala ko ang lahat ng ipinangako niya sa akin. Ang lahat lahat,
Ginawa ko ang lahat para ipakita at iparamdam sa kanya ang pag mamahal ko pero kulang parin.
Nagawa parin niya akong lokohin.

🎶I let you go
I let you fly,
Why do i keep on asking why?,🎶

San ba ako nagkulang?.
Ano pa ang hindi ko naibigay para gawin mo sa akin ito. Ibinuhos ko sa yo ang pag mamahal ko pero bakit? Bakit nakuha mo parin akong ipag palit sa iba, at ang masakit sa best friend ko pa.

🎶I let you go
But now ive found,
A way to keep somehow,
More than a broken vow,.🎶

Pero siguro nga, siguro nga hindi pa ako sapat para sa'yo para saktan mo ako ng ganito. At siguro din, tama lang na palayain nga kita at hayaan ka na sa piling niya kung sa kanya ka mas magiging masaya.

🎶I close my eyes,
And dream of you and I
And then i realise,
Theres more to life than only bitterness and lies,
I closed my eyes,🎶

Napangiti ako sa mga huling lyrics.
Oo nga naman.
Marami pang mas magagandang bagay dito sa mundo ang dapat kong pagtuunan ng pansin.

Gano na nga ba katagal?
Isang taon, isang taon narin pala ang lumipas. Pero hanggang ngayon nakakulong parin ako sa masakit na kahapon. Hanggang ngayon hindi ko parin magawang buksan ang harang na inilagay ko sa paligid ko.
At siguro nga, ito na ang tamang panahon upang mag simula muli.
Simulang buksan ang sarili kong mundo para sa iba.

🎶 I give away my soul to hold you once again,
Ill never let this promise end,
I'll let you go
I'll let you fly,
Now that i know I'm asking why?

Ill let you go
Now that I've found,
A way to keep somehow,
More than a broken vow..🎶

Alam kong hindi ganun kadali ang makalimot. Pero pipilitin ko.
Pipilitin kong kalimutan ka.
At muling buksan ang puso ko para sa iba.

Nang matapos ang kanta ko ay agad akong bumaba ng munting entablado at nagtungo sa kusina. Nakapag tataka dahil pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Tila nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

"Wala ka paring kupas! Salubong sa akin ni chef Lyn, isa sa mga chef ng SheyLi's. "Iba tumatagos, napaiyak mo nanaman ang mga costumer natin".

Thank's, nakangiting sabi ko.

Matapos nun ay nag sunod sunod na ang order kaya naman naging abala na ako at nakalimutan ko na ang mga nangyare sa school kanina.

Naalala ko nanaman yung stranghero na yumakap sa akin kanina. Hindi ko makalimutan yung yakap niya. At ang pabango niya na kay sarap sa ilong. Parang pamilyar sa akin ang amoy hindi ko lang alam kung saan ko naamoy. Pero hindi na importante yun. Ang importantante napagaan niya ang pakiramdam ko. Alam kong awkward dahil nagpayakap ako sa taong hindi ko kilala. Pero hindi ko rin talaga maintindihan eh.

Kinabukasan:

"Oh, ang aga naman ata ngayon ng baby ko, bungad sa akin ni Mommy sabay halik sa pisngi nang makita niya akong pababa ng hagdan na nakabihis na at bit bit na ang bag. 6:30 palang kc kaya nagtaka siya na maaga ako ngayon.

"Gusto ko po kase ako ang mauna sa room pagdadahilan ko.

"Asus anak kahit ano pa yang dahilan mo ayos lang sa akin. Ang mahalaga nakikita kitang masigla ngayon. Thank God, you look okey now. Anito sabay yakap ng mahigpit sa akin.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon