chapter 12

145 14 0
                                    

KHEN'S POV

Nagising ako dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa muka ko.

Dahan dahan akong  nagmulat  ng mga mata. Sigurado akong si yaya Rosa ang nagbukas ng mga kurtina ko.

"Gising ka na pala, good morning" nakangiting bati sa akin ng kapapasok lang na si ate Shelly. May dala itong tray na kung hindi ako nagkakamali ay pagkain ang laman.

Anak ito ni Yaya Rosa. Matanda lamang ito sa akin ng dalawang taon. Sina Mommy ang nagpapa aral sa kanya kaya dito narin siya tumira.

"Good morning", ganting bati ko dito

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Tanong nito matapos mailapag ang tray ng pagkain sa mesa, saka sinalat ang nuo ko para tingnan kung may lagnat pa ako.

"Hay salamat wala ka ng lagnat. Kaya mo na bang tumayo, para maka kain ka na, ipinagluto ka ni nanay ng sopas. Anito.

"Oo kaya ko na, medyo makirot lang ng konte ang  paa ko pero okay naman na hindi na masyadong masakit".

"Mabuti naman, halika na, anito saka ako tinulungan tumayo.

"Siya nga pala, dumaan ulit dito kanina bago pumasok sa school yung mga kaibigan mo na naghatid sa iyo kahapon. Eto, pinabinigay nung Yohan sabay abot ng tumbler. 

"Milk tea para sa prinsesa ko😊 magpagaling ka na, para hindi mo ako masyadong mamiss"

Bahagya akong napangiti sa note niya, kahit kelan talaga. Pero nawala din agad ang ngiti ko ng may maalala ako.

"Ate Shelly, pano ako nakarating sa kwarto ko wala akong maalala? Naguguluhang tanong ko kay ate Shelly.

"Ahh, binuhat ka ni Yohan, hindi ka kase magising sa sasakyan kaya binuhat ka nalang niya at siya  nagdala sayo dito sa kwarto mo. Nakangiting sagot nito. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi nito. Halos hindi ako makapaniwala na binuhat ako ng kutong lupa na yon hanggang dito sa kwarto ko.

"In fairness ha, gwapo na mabaet at magalang pa si mayor, gusto ko siya para sayo. Dagdag pa nito na ikinapula ng muka ko.

"Ate,

"Hahahaha, namumula ka, wag ka ng mahiya, tayotayo lang naman ang nakakaalam.  Napaka thoughtful niya, bumalik pa siya dito kagabi para kumustahin ka, tapos bago sila pumasok sa school kanina dumaan pa ulit dito. Kelan kaya ako makakahanap ng katulad niya". Kinikilig na kwento nito.

Lihim naman akong napangiti. Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga ipinapakita niya sa akin. At hindi ko man maamin sa sarili ko pero feeling ko, nagugustuhan ko narin talaga siya.

Tiningnan ko ulit ang tumbler at ang note na nakalagay dito. Saka nagsimula ng kumain.

Nang matapos akong kumain  at uminom ng gamot ay muli akong nahiga dahil pakiramdam ko lalagnatin nanaman ako. Kailangan kong magpahinga para gumaling agad. Kailangan kong makapasok ka agad.

Yung pag pasok nga ba sa school or namimiss mo lang si YohanBulong ng kabilang bahagi ng utak ko. "Haist ano baaa!. Hindi yun hindi hindi!.

"Pero, nakakamiss din pala ang kakulitan niya". Mahinang bulong ko.

Hindi ko alam kung gaano pa ako katagal na nagmuni muni bago nakatulog ulit. At nang magising ako ay alas tres na ng hapon. And thank God mabuting mabuti na ang pakiramdam ko maliban sa kaunting kirot sa paa ko.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon