chapter 24

133 14 1
                                    

Mildred's  POV

"Oh kay tagal kitang hinanap,
Oh kay tagal ko ring nangarap,
Na makapiling ka
Oh aking mahal...." 

"Mukang lumulutang sa alapaap ang pakner mo ah Mildred. Puna ni mamita sa kanina pang kanta ng kanta na si Rai.

"Hay naku mamita,, pag bigyan mo na at may nautong maging date yan sa founding anniversary ng school.

"Hooyy anong nauto ka dyan!? For your information, nag propose siya sa akin huh! Sa akin! Gets mo kaya ako ang D-A-T-E niya as in date hmp!

"Makapag diwang wagas,,  date ka lang niya di ka pa niya jo jowain oyy bwahahaha.

"Tseee ang sabihin mo inggit ka lang kase wala ka pang date. Sino nga ulit yung nag hahanap ng tutukan ng shot Gun para magka roon ng da-- oraouch!  Binatukan ko lang naman hehe

"Mamita,, gnun ba talaga kapag walang date nagiging bayolente wahahahha" baling nito kay mamita.

"Sige sige! Oo na sige na ikaw na, kayo na ang may date ako na ang wala. Tandaan mo pag ako nagkaroon ng date hu u kayo sa akin hmp!.

"Ases ases!,, pano ka naman magkakaroon ng date niyan eh mas lalaki ka pa kung kumilos kesa kina Yohan,Sky,At Lander hahahaha. singit ni Khen na kalalabas lang ng kusina bitbit ang tray ng pagkain na niluto nito para sa costumer.

"Eto dalhin mo nalang sa table number 1, baka sakaling makaisip ka ng paraan para makahanap ka ng date hahaha. Pshh isa tong si Khendra na ito eh kontra bulate rin ng taon.

"Ang sarap nyo pong tirisin, sabi ko sabay pabirong irap sa mga ito  bago ko ihatid ang order sa table number one. At gaya ng dati, tinawanan lang nila ako.

Matapos kong maihatid ang order sa table number one ay bumalik narin ako sa pwesto ko malapit sa counter. Kaming dalawa ni Rai ang assign sa counter. Taga abot ng order slip at tagabigay sa costumer ng mga kailangan nila.

Akala ko ay tapos na ang pang aasar sa akin ng bumalik ako sa counter. Pero nagkamali ako, dahil nag uumpisa palang pala sila at heto na nga, si mamita bumabanat na ng kakulitan.

"Kung ako sayo Dred, ikaw na ang mag propose baka sakaling may mapa payag ka hahaha.

Mamita ang tawag namin sa kanya kase yun ang gusto niya. Malapit siya sa amin ni Rai kaya at parang anak narin angvturin sa amin kahit na hindi pa naman ito ganun katanda para magkaanak ng kasing edad namin.

"Hmn, binigyan mo ako ng idea mamita, why not? Nakangising sagot ko rito.

"Seryoso"?
"Talaga"?
"Seriously?

Sabay sabay nilang sagot.

"Wow ang galing, ang ganda ng blending! Hahaha kailangan talaga sabay sabay?  Natatawang tanong ko sa kanila.

"Pero seryoso, bakit nga ba hindi?.

"Seryoso ka nga hahaha. Natatawang sang ayon ni mamita.

"Oo nga kase, seryoso ako. Ano  tutulungan nyo ba ako o pagtatawanan nyo lang ako? Seryosong tanong ko.

Nagkatinginan naman silang tatlo at saka sabay sabay na tumango.

Bigla akong nabuhayan ng loob hahahaha. Ang prospect ko si Sky!

"So sino ang kawawang bibiktimahin natin Dred, -si mamita.

"Hahhaha grabe ka sa bibiktimahin mamita. Tutukan lang ng konte -si Khen.

"Shhh wag nga kayong ano dyan. Wag nyong inaano tong si Mildred. So sino nga ang kawawang biktima? Arayyyyy!

"Puro ka kalokohan eh, okay na eh akala ko kakampi na eh. bumubwelo lang pala"

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon