chapter 22

117 13 0
                                    

KHEN'S POV

Nagmamadali akong bumaba sa kotse ni mommy matapos niyang ihinto ang kotse sa tapat ng school. At halos liparin ko na ang papasok sa gate. Sa lahat ng ayaw ko ay yung nale late ako sa klase. Ilang minuto nalang ay late na ako sa first class ko. At kasalanan tong lahat ni Yohan. Kainis hmp!

Ang kutong lupa na yun! Sinanay sanay niya akong hinahatid at sinusundo araw araw tapos bigla nalang niya akong di sisiputin ng walang pasabi the nerve! Humanda talaga siya sa akin!.

Lakad takbo ang ginawa ko para hindi ako ma late.

"Miss miss sandali! Ikaw ba si Khen? Tawag sa akin ng isang babaeng studyante. Mukang freshmen palang ito.

"Yes, ako nga bakit? Nagtatakang tanong ko.

"Ah, may nagpapabigay po sa inyo sabi niya saka inabot ang isang nakatuping papel saka dali daling tumakbo.

"Problema nun? Bulong ko saka binuksan ang papel na iniabot nito sa akin.

Tiningnan ko ang papel na iniabot nito.

Isang candid photo ng likod ng isang babae na nakatayo sa harap ng dalawang building. Pamilyar sa akin ang lugar, maging ang likod ng babae sa picture, pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. Sa baba ng picture ang may nakasulat.

"Unang beses palang kitang nakita,
Alam ko tayo na ang "itinadhan"....

Napakunot ang nuo ko.

Kanino naman kaya nanggaling to. Tanong ko sa isip. Iiling iling nalang na isiniksik ko ito sa librong hawak ko saka nagpatuloy sa paglakad takbo papunta sa locker ko.

But even before i reach my locker, someone approach me again, and just like the other girl earlier, she gave me a folded paper and run.

onother candid photo of a girl is pasted inside the folded paper.
The girl was looking on the trees outside the window.

"At kapag sinabi kong ITINANDHANA" that means "tadhana" ang siyang gagawa ng paraan
upang muli tayong magkita"

Pinagmasdan ko ang picture. Bakit pamilyar sa akin ang babae sa picture na ito.
Parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan.
The picture was blur, But it looks good. Kung sino man ang kumuha ng picture na ito ang galing niya.

Inilagay ko ulit sa libro ang papel n may nakaipit na picture saka tumungo na sa locker.

Nang marating ko ang locker ko, ay isa nanamang babae ang lumapit sa akin. This time, bukod sa nakatuping papel, may iniabot din itong puting rose. At walang salitang basta nalang itong umalis.

Binuksan ko ang papel at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang larawang nakaipit dito. Gaya ng mga nauna, larawan ng likod ng isang babae,, but this time may kasama ito. Sabrina mahinang usal ko. Saka ko binasa ang nakasulat sa ibabang bahagi ng larawan.

"TADHANA" rin ang dahilan,
Kaya ang iyong nakaraan,
Ay aking natuklasan....

Kinilabutan ako,, malinaw na sa akin ang lahat. Alam ko na kung sino ang babae sa mga picture.

It was me. Kung ganun galing ang lahat ng ito sa lalaking yumakap sa akin pagkatapos namin mag usap ni Sabrina. Yung lalaking hindi na muling nagparamdam matapos akong ihatid ng tanaw.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, and excitement at the same time. But i cant figure out the reason why.

Naglakad na ako paalis sa locker at tinahak ang daan patungo sa hagdan paakyat sa classroom namin. Ngunit ganun nalang ang gulat at pagka mangha ko ng marating ko ang hagdan. It was covered with red carpet and rose petals on top of it.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon