chapter 4

137 14 0
                                    

Yohan's POV

Kanina ko pa siyang sinusundan ng palihim. Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin para sundan siya matapos ko siyang makitang umiiyak kanina sa class room.

Mabagal siyang naglalakad sa hallway na tila ba may malalim na iniisip. Ano man ang pinagdadaanan niya siguradong nahihirapan siya.

Malapit na siya sa pinto ng mapahinto ito ng tawagin ng isang babae.

Hindi ko ugali ang mag eavesdrop pero bahagya akong lumapit sa isang malaking poste malapit sa kinaroroonan nila at dun pasandal na nagkubli.

Tahimik kong pinakinggan ang pinag u usapan nila. Maging ako ay hindi makapaniwala sa naririnig kong pinaguusapan nila.

Bawat mabibigat na salitang binibitawan niya para dun sa babaeng kausap niya ay tila isang patalim na bumabaon sa aking dib dib. Ramdam ko ang pagpipigil nito ng emosyon. Maging ang pagluha ay hindi niya magawa sa kabila ng sakit na nadarama niya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.

Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit tila ilag ito sa mga tao at ayaw makipag usap. 

Nanatili ako sa pinagkukublian ko at patuloy na nakinig hanggang sa naramdaman ko na tila umalis na yung babaeng kausap niya kanina kasama ang lalaking kasama nito.

Dahan dahan akong lumingon sa gawi niya. Nakatalikod siya sa akin kaya siguradong hindi niya ako makikita. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin ito natitinag sa kinatatayuan niya.

Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin para lapitan ko ito at bigyan ng mahigpit na yakap mula sa likod.

Niyakap ko siya sa paraan na mararamdaman niya ang kapayapaan. Na pra bang sa pamamagitan ng yakap ko ay mababawasan ang sakit ng nararamdaman niya.

"Magiging maayos din ang lahat wag kang mag alala". Mahinang bulong ko dito na pilit iniiba ang timbre ng boses upang hindi niya ako mabosesan at makilala.
Hindi siya nagsalita.

Maya maya pa ay biglang yumug yog ang balikat nito tanda ng pag iyak nito. Hinayaan ko lang siyang umiyak. Hanggang sa maramdaman ko na tila pagod na pagod itong napasandal sa dibdib ko. Nanatili akong nakayakap sa kanya at mas hinigpitan ko pa ito.

"Sshh, dont look at me. Anas ko ng tinangka nitong lingunin ako."its much better this way para hindi ka mailang pag nakita mo ako".bulong ko malapit sa kanyang tenga.

"Who are you? Tanung niya.
"Why are you doing this? Tanung niya ulit.

"It doesn't matter who i am at the moment. I've heard everything and i know you need this. You badly need this. Bulong ko na ang tinutukoy ay ang yakap ko.  Hindi siya nagsalita.

Hinyaan ko siya ng ilang sandali bago muling nagsalita. Its getting late, you've got to get going. Sabi ko.

"Go home and take a rest" my love. Pero hindi ko na pinarinig yung huling sinabi ko.
Dahan dahan kong niluwagan ang yakap ko. "Go now and dont lookback. Ill follow you till you're home. Sabi ko pa.

"Ok, nag aalangan man pero pumayag din siya. "Thank you, i feel better now". She said it sincerely and it made my heart beats so fast. I smiled and gave a quick glance at her back.
Saka sinundan siya ng dahan dahan. Pero nagtaka ako ng sa halip na sa parking lot ang tungo niya ay deretso sa labas ng campus ang lakad niya.

"Tsk! Wala ba siyang sasakyan? Kaninis naman. Bulong ko sa sarili. Saka mabilis na nagtungo sa kotse ko at agad na lumabas ng parking lot. Natanaw ko pa siyang nag aabang ng masasakyan kaya napangiti ako. Inihinto ko ang kotse ko sa tabi ng kalsada na medyo malayo sa kanya para hindi niya ako mapansin.
At agad ding pinaandar ang sasakyan ng makita ko siyang sumakay ng taxi.

Sinundan ko ang taxi na sinakyan niya pero hindi ako masyadomg lumapit dito. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa taxi habang patuloy na nagda drive.

Hindi naman nag tagal at nakita ko ng huminto ang taxi sa tapat ng isang restaurant. "SheyLi's Grill ang pangalan ng resto. Napaisip pa ako. Bakit dito siya nagpunta. Natawa pa ako sa srili kong naisip."tanga! Malamang kakain,resto nga diba?. Tatawa tawa kong saway sa sarili ko.

Nang makita ko siyang pumasok sa loob ay saka ko pinark ang kotse ko sa parking space na nasa gilid ng resto at saka pumasok din sa loob niyon.

"Good afternoon sir table for two po ba? Tanung sa akin ng waitress na sumalubong sa akin pagkapasok ko.

"Ah no, im alone as you can see,. Masungit na sagot ko.

"Ay ganun po ba, sorry po, akala ko po kase may dadating pa kayong kasama. Dito po tayo sir. Hinging paumanhin naman nito saka ako iginiya sa bandang likuran kung san naroon ang mga pang dlawahang mesa. 

Inilibot ko ang aking paningin  sa kabuuan ng resto. Infairness maganda ang ambiance, maaliwalas at nakakarelax.

"Sir,here's our menu. Untag sakin ng waitress saka iniabot ang menu na nagpapa cute pa.

Namangha ako. Napaka romantic ng lugar pero puro filipino food ang si ni serve nila. Bahagya akong napangiti. Habang sinisipat ang menu. "Ah miss Special sinigang, fruit sallad and mango juice. Sabay abot ko ng menu sa waitress na knina pa naghihintay.

"Special sinigang, fruit sallad and mango juice is that all sir?

Yeah, thank you.
Muli kong inilibot ang aking paningin.
"Nasan ka na ba? Bakit di kita makita?. Naiinip na tanung ko sa sarili.  Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa dumating na ang order ko. Ay hindi ko parin siya nakita.

"Masarap". Wala sa loob na usal ko. Kakaiba ang hindi ko maipaliwanag na lasa ng pagkaing nakahain sa harap ko. Sinigang oo pero parang may kakaibang timpla ito na ngayon ko lang nalasahan at masarap iyon.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Hanggang sa nakalimutan ko na ang totoo kong pakay kung bakit ako narito sa lugar na ito. Maya maya pa ay may narinig akong nagsalita sa microphone na nasa stage.

"Good evening, ladies ang gentle man! Bati nito sa mga kumakain. Madilim sa gawi niya kaya hindi ko makita ang muka niya bagamat alam ko na babae ito at pamilyar sa akin ang boses. "Namiss nyo ba ako? Birong tanong nito at nagsigawan naman ang karamihan sa mga naroon ng bumukas ang spotlight at itutok sa taong nasa stage.

Halos mapanganga ako ng makita ko kung sino ang babaeng nakatayo sa gitna ng maliit na stage at nakangiting nakatingin sa aming lahat.

"Nakangiti siya", hindi makapaniwalang usal ko. At ang ganda niya. Simpleng white fitted blouse na tenernohan ng itim na maong na pantalon. Nakasalamin parin pero inilugay nito ang kanyang tuwid na  mahabang buhok.

"Lag lag ang panga, at napatulala ako nang magsimula itong tipain ang grand piano sa harap niya. Lalo na nang magsimula itong kumanta.

"Brocken Vow"

🎶"Tell me her name i want to know,
The way she looks and where you go,
I need to see her face,
I need to understand,
Why you and i came to an end?🎶

Ang lamig ng boses, pero
Bawat lyrics  ng kantang kinakanta niya ay mararamdaman mo ang lungkot.

🎶Tell me again i want to hear,
Who broke my faith in all this years,
Who lays with you at night,
When im here all alone,
Remembering when i was your own,🎶

Tahimik lahat ng kumakain. Maging ang tunog ng mga kubyertos ay wala kang maririnig. Tanging ang pag awit at pag tunog ng piano at boses ng mang aawit lamang ang maririnig mo.

Mapapansin mo pa ang pag singhot ng ilan, tanda na dalang dala sila ng awitin at napapaluha pa.
Hindi ko sila masi sisi maging ako ay tila ramdam ang bigat ng kanta. Tila ramdam ko ang sakit na dinadala ng kumakanta.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

🎶I let you go,
I let you fly,
Why do i keep on asking why?,
I let you go, now that i found,
A way to keep somehow,
More than a broken vow,🎶

********

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon