Nakatayo ako ngayon sa harap ng bagong school na papasukan ko.
New school,
New ambiance
New people,,
but "NO" to new friends. Sabi ko sa isip.Muli akong bumuntong hininga at saka sinimulang maglakad ng marahan papasok sa campus.
Malaki ang school na ito. Mahahalatang karamihan sa mga mag aaral nito ay nagmula sa mga pinakamayayamang angkan sa buong probinsya ng Cebu.
Nahahati ang campus sa dalawang bahagi. Meroon itong high school at college. Sa bandang kanan ay naroon ang tatlong nagtataasang building ng sa High school. Habang sa kaliwang bahagi naman matatagpuan ang tatlo pang nagtataasan ding gusali para naman sa koleheyo. Sa pagitan ng gusali ng building A ng high school department at building A ng college department ng campus ay naron ang malaking Gymnasium. Ito ng nagsisilbing harang sa pagitan ng high school at college. At sa harapan naman nito ay ang malawak na soccer field. May mga puno din sa palibot ng campus kaya naman kahit mainit ang panahon ay medyo malamig naman ang hanging dala ng mga punong nakatanim sa paligid. Maaliwalas.Sa bandang likurang bahagi ay naroon ang swimming pool para sa swimming club. Sa kanang bahagi nito ay ang dance hall at sa kaliwa naman ay ang music club.
Iilan palang ang studyante na nkikita ko dahil siguro maaga pa. Sinadya kong pumasok ng maag para hindi ako gahulin sa oras ng pag hahanap sa magiging classroom ko. Bitbit ang mapa ng school nagtuloy tuloy ako sa,marahang paglalakad upang hanapin ang magiging classroom ko. Ayon sa mapa nsa ikalawang palapag mg main building ang classroom ko kaya naman agad na akong nagtuloy duon.
Habang naglalakad ay kapansin pansin ang ilang mga studyante na nagmamasid sa akin. Marahil ay nagtataka dahil ngayon lamang nila ako nakita dito sa campus nila.
Ang iba ay nagbubulong bulungan pa, habang ang iba ay tila nandidiri pang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Pero hindi ko nalamang sila pinansin at nagpatuloy ako sa pag akyat upang hanapin ang pakay ko.Building A room 1 Gumamela" mahinang basa ko sa,hawak kong index card kung sa nakasulat kung saang building at pangalan ng classroom ko.
Bahagya pa akong napangiti habang binabasa ang pangalan ng bawat silid na aking nadadaanan. Lahat kase ay pangalan ng bulaklak. Hangang sa wakas ay nakita ko na ang pakay ko.
Nakabukas na ito kaya naman nagtuloy na akong pumasok sa loob.May mangilan ngilan naring studyanteng nagkukwentuhan sa loob. Iginala ko ang aking paningin upang maghanap ng upuan, marami pang bakante dahil iilan pa lng kami, kaya hindi na ako nahirapanf maghabap ng maaliwalas na pwesto. Pinili ko ay yung upuan sa tabi ng bintana kung saan natatanaw ang mga puno sa labas. Malapit rin ito sa likurang bahagi ng silid kaya sigurado akong hindi agad ako mapapnsin kung dun ako mauupo.
Nang makaupo ay inilabas ko muna ang mga libro ko at nagbasa habang wala pa ang adviser namin.
Nasa kalgitnaan na ako ng pagbabasa ng biglang umingay sa labas ng silid. Nang lingunin ko ay may grupo lng pala ng mga studyanteng papasok sa silid. Hindi ko nalang sila pinansin at itinuloy ang pag babasa pero.......
Hi, is this seat taken? Tanung ng isang cute na lalaking nkangiting nakatingin sa akin habang nakaturo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko sana siya papansinin pero ng luminga ako sa paligid napansin ko na wala ng ibang bakanteng silya kundi yung nasa tabi ko nlng kaya dinampot ko ang bag ko na nakapatung duon at iminwestra n maupo na siya roon.
"Thanks" sabi pa niya na tinanguan ko lng at saka muling nagpatuloy sa pagbabasa. Pero mukang ang mokong na ito ay wala yatang balak na patahimikin ako dahil muli itong nagsalita. Ahm,im Yohan nga pala and you are? Anito habang nakalahad ang palad sa akin upang makipagkamay.
"Khen" maikling tugon ko na hindi na nag abala pang abutin ang kamay niya, sa halip ay nagpatuloy na ako sa,pagbabasa.
"Yawa! Snab ka dre! Hindi umubra ang charm mo hahahaha. Sabi nung isang lalaking nasa bandang likuran namin na kung hindi ako nag kakamali ay kaibigan ng katabi ko na nag pakilalang Yohan.
BINABASA MO ANG
Stone Heart
Fiksi PenggemarBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...