chapter 30

129 14 0
                                    


Someone's P.O.V.

"Excuse me, guys i'll just go to the rest room". Paalam ko sa mga kaibigan ko na siya ring kasama ko sa table. Saka dahan dahan naglakad  ngunit hindi sa rest room gaya ng paalam ko sa mga kaibigan ko, kundi sa back stage upang alamin at siguruhin na nasa ayos ang lahat.

Nang masigurong  nakahanda na ang lahat,  ay pasimple akong sumilip sa kurtinang nagsisilbing tabing sa stage. Mula roon ay tanaw na tanaw ko ang grupo nina Khen,ng babaeng labis na kinamumuhian ko.

"Laugh all you want for now Khen, dahil mamaya lang, sisiguraduhin ko na iyak mo na ang maririnig ko at hindi ang halakhak mo". Mahinang usal ko habang kuyom ang kamao. Saka ako umalis sa gilid ng intablado.

Ilang minuto pa, nagsimula na ang program.  Kasunod  pagbibigay ng award para sa mga hihirangin bilang face of the night at couple of the night.

Napangiti ako ng malapad ng banggitin ang pangalan nito at pinarangalan bilang face of the night. Mukang umaayon sa akin ang tadhana. Eto na ang hinihintay kong pagkakataon.

Pinagmasdan ko siya mula sa kinauupuan niya,hanggang sa tumayo ito at lumapit sa bahagi ng entablado kung saan naroon ang hagdan at umakyat duon.

Ilang saglit pa ay nasa gitna na ito ng entablado. Upang tanggapin ang trophy bilang parangal dito.

Iginala ko ang aking paningin sa  paligid. Saka pasimpleng sumenyas sa isa sa mga tao ko na nakabantay sa isang bahagi ng entablado. Hudyat upang  simulan na ang plano.

"Thank you so much.  Hindi ko po inaasahan ang award na ito. At ang totoo hindi ko rin alam kung anong sas-

Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang umingay ang paligid at mag hiyawan ang mga tao.

Dinig na dinig ko  ang  hiyawan  ng mga taong nakakasaksi  sa unti unting  pagbagsak ng LED screen sa kinatatayuan mismo ni Khen. Ang iba ay napatakip na lamang sa kanilang mga bibig at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Habang ang iba ay panay ang sigaw at pilit pinapaalis si Khen sa gitna ng stage. Pero hindi na n ito magawa pang makakilos ng dahil sa labis na pag ka bigla. At bilis ng pangyayare.

"KHEN!

Dinig ko pang halos sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan nito, saka halos sabay sabay din na patakbong lumapit sa stage kung saan tulalang nakatayo si Khen upang sagipin ito. Pero huli na ang lahat, dahil bago pa man sila makalapit ay bumagsak na ang LED screen sa  babaeng labis kong kinamumuhian.

"Tumawag kayo ng ambulansiya bilisss"!! Sigaw ni Sky na ngayon ay hindi alam kung ano ang gagawin.

"Prinsesa! Prinsesa ko! Wake up! Oh, God please,Khen! Gising!. Sigaw ni Yohan habang kalong kalong ang duguan at walang malay na si Khen. Matapos tanggalin  nito ang ilang bahagi ng LED screen na bumagsak dito.

"Come on Yohan lets bring her to the Hospital! Baka maubusan na siya ng dugo! Sigaw ni Lander. Agad naman tumalima si Yohan at binuhat si Khen papunta sa sasakyan nito saka isinakay sa likod ng sasakyan ni Lander.

Ng makaalis ang grupo nila ay saka lamang ako umalis sa pinagkukublian ko at pasimpleng nagtungo sa sasakyan ko at nakangiting pinihit ang susi saka paharurot na umalis.

Nag sisimula palang ako Khen. Marami pang susunod. Hindi ako titigil, hindi kita titigilan hanggat hindi ka nawawala sa landas ko. At hanggat hindi napapasa akin ang pinakamamahal ko!.

Galit na galit ako. Galit na galit ako kay Khen. Galit ako dahil inagaw niya sa akin si Yohan. At mas lalong galit na galit ako dahil sa reaksyon ng pinakamamahal ko.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Basta ang alam ko lang masaya ako sa tagumpay ng plano ko.

Makalipas ang mahigit isang oras na pagmamaneho ay narating ko ang lugar na madalas kong tambayan sa twing nakakaramdam ako ng lungkot at pag iisa. Ang lugar kung saan ko unang nasulyapan ang gwapong muka ni Yohan.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon