chapter 17

105 12 0
                                    

YOHAN'S POV

Natapos na ang try out. At talagang ikinagulat ko ang nangyare.
Nabanggit na niya na nag ko compete na siya nuon sa dati nyang school. But i didnt expect that she's as good as what she has shown us earlier. I am really amaze and i feel so proud at the same time.
Imagine, yung babaeng napaka simple at tatahitahimik ay may nag uumapaw na talento.

She's a chef, singer,musician, and now a swimmer. I wonder what else she can do. Or is there something else that she can't do? Anyway, bukas na ang taekwondo. At hindi na ako magugulat kung pati dun magawa niyang makapasa.

"Ang tagal naman ni Khen, naiinip na tanong ni Rai.

"Oo nga ano bang ginagawa niya sa loob, nakalabas na halos lahat ng nag tryout ah. Si Dred.

"Teka nga tatawagin ko na. -si Rai

Pero hindi pa man nakakailang hakbang si Rai, ay nakarinig na kami ng malakas na sigaw mula sa loob ng locker.

"Ahhhhhhhhhh!

"Ano yun?! Tanong ni Sky.

"Si Khen ba yung sumigaw? -si Dred.

Bigla akong naalarma, agad akong tumayo at tinakbo ang locker, dumiretso ako sa loob at wala na akong pakialam kung may iba pang taong naroon para mag bihis

"Prinsesa! Sigaw ko nang makita ko itong nakatayo sa bandang dulong cubicle. Namumutla at tulala na nakatingin sa sahig na may kung anong pulang likido ang natapon.

Nang lapitan ko ito ay naamoy ko na agad ang malansang amoy ng dugo.
Napatingin ako kay Khen, tulala parin ito, at nanginginig hanggang sa unti unting tila nanghihinang natumba. Inilang hakbang ko ito at maagap na sinalo.

"Prinsesa,, Khen! Khen! Natatarantang tawag ko dito.

"Dugo! May dugo! Nanghihina at halos pabulong usal nito.  Bago tuluyang nawalan ng malay.

"Anong nangyare? Tanong ni Rai

"Ano yan? Dugo ba yan? Kaninong dugo yan? -si Sky

"Hindi ko alam! Tulungan nyo akong ma ilabas siya dito.

Inalalayan naman nila akong mailabas si Khen sa locker room.

Wala na kaming inaksayang oras. Agad namin siyang isinugod sa pinakamalapit na uspital.

Nang makarating kami sa uspital ay agad naman kaming in assist ng nurse na naka antabay sa emergency room.
Bawal kami sa loob kaya naghintay nalang kami sa labas ng E.R.

"Dre' natawagan mo na ba si tita para ipaalm ang nangyari? Tanung ni Sky.

"Oh shit! I forgot wait". Napamura ako ng maalala kong hindi ko pala naitawag kay tita Leonor  ang nangyare. Kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Tita.

"Hello"  sagot ni tita matapos lamang ang ilang ring.

"Hello po tita"

"Hi Yohan anak, napatawag ka?

Tanong nito. Nakaramdam ako ng kilig sa pag tawag niya sa akin ng anak, kung sa ibang pagkakataon siguro ito baka nagtatalon na ako sa sobrang tuwa, pero wrong timing eh.

"Ah, Tita si Khen po kase may nangyare po, panimula ko.

"Why? What happened?

"Nawalan po kase siya ng malay kanina sa school kaya sinugod po namin siya sa hospital".

"What? Saang uspital

Okay, nasa malapit lang ako. Thank you ijo.   paalam ni Tita matapos kong ibigay kung saang uspital namin dinala  ang prinsesa ko.

After few minutes of waiting, lumabas narin mula sa ER ang doktor na tumingin kay Khen.

"Sino ang kamag anak ng pasyente? Tanong nito.

"Ah, dok wala pa po yung mom niya, kaibigan po namin siya. Kumusta na po siya?.Sagot ni Dred.

For now stable na ang vitals niya. Nagsagawa narin kami ng ilang mga tests para malaman kung bakit siya nawalan ng malay. But base on my observation she is suffering from severe fear. Paliwanag ng doktor.

"Fear? Tanung ko.

"Yes ijo, or phobia".

"Yohan ijo, anong nangyare? Nasaan si Khen?. Dok ako po ang nanay ng pasyente kumusta na po ang lagay niya bakit siya hinimatay? Nag aalalang tanung ni tita.

"She's fine now, ililipat na siya sa private room niya para makapagpahinga. Kailangan lang niya ng pahinga para makabawi ng lakas.  At nag sagawa narin kami ng ilang tests para malaman kung bakit siya nawalan ng malay. Wala po kayong dapat ipag alala. Paliwanag ng doktor.

"Thank you dok.pwede na ba namin siyang makita? Tanung ni tita.

"Yes mam"

"Yohan ano bang nangyare? Tanung ni Tita nang makapasok kami sa ER kung saan nakahiga si Khen. Habang hinahanda pabang kwartong lilipatan niya.

"Wala din po kaming idea tita, basta narinig nalang po namin na sumigaw siya sa loob ng locker room tapos pag pasok ko namumutla  na siya at mukang takot na takot. Tapos nakatitig lang siya sa sahig na maraming dugo". Paliwanag ko.

"Dugo? Oh my God" ani tita habang sapo sapo ang kanyang ulo.

"Why tita?

"She has a severe fear of blood or hemophobia, kapag nakakakita siya ng dugo, bigla siyang nanghihina, at kinakapos ng hininga hanggang sa mawalan ng malay. Paliwanag ni Tita.

"Ngayon naintindihan ko na kung bakit ganun nalang ang panginginig ng katawan niya kanina habang nakatingin sa dugo sa sahig".

Pero palaisipan parin sa akin kung pano nagkaroon ng dugo sa loob ng Locker room. Wala namang lumabas na may sugat or kahit si Khen wala naman siyang sugat.

Isa lang ang naiisip ko sa mga oras na ito. Merong nakakaalam sa school ng tungkol sa phobia niya at sinadyang tapunan ng dugo ang tapat ng cubicle kung nasaan siya. Kung sino man ang may gawa nito, nasisiguro ko may matinding galit siya sa prinsesa ko. Pero bakit? Anong dahilan bakit kailangan niyang gawin ang bagay na ito.

Sa isip ko ay naka buo ako ng plano, aalamin ko kung sino man ang may pakana nito.

Nailipat na si Khen sa private room niya. At ilang oras na ang nakalipas pero hindi parin siya nagkakamalay. Hanggang ngayon nag aalala parin ako kahit na ilang ulit nang siniguro ng doktor at ni Tita na okay lang si Khen at kailangan lang ng pahinga. 

Ayon din sa doktor maari na itong lumabas sa oras na magising ito.

Nauna nang umalis si Lander dahil tinawagan na ito ni Tita Nesea, ganun din sina Rai at Dred, dahil may pasok pa sila sa trabaho. Si Sky naman nag prisintang ihatid sila at nangako na babalik nalang pagkatapos ihatid sina Rai at Dred.

"Yohan, wag ka ng mag alala, okay na si Khen, pwede ka ng umuwi para makapag pahinga ka narin. At saka baka hinahanap ka na sa inyo"

"Okay lang po ako Tita, tumawag na po ako kay Mommy sinabi ko po kung nasaan ako. Hintayin ko nalang po munang magising si Khen. 

"Ganun ba, okay sige ikaw ang bahala.nakangiting ani Tita.

"Kumusta na pala kayo ni Khen, sinusungitan ka pa ba niya? Maya maya ay tanung ni Tita.

"Minsan po, pero mas okay na iyon kesa hindi niya ako pinapansin haha" natatawang sagot ko sa kanya natawa naman ito.

"Habaan mo pa sana ang pasensiya mo sa anak ko,  hindi naman talaga masungit si Khen. Masayahing bata yan, palaging nakangiti. Malambing,  gusto niya lahat masaya. Ayaw niya ng away. Ni minsan hindi pa siya napapa away. Nag bago lang nag lahat nung niloko siya ni Dave. Simula nuon, palagi nalang siyang mag isa. Hindi na tumatawa. Palaging nagkukulong sa kwarto at walang kinakausap, kaya sobrang nagpapa salamat ako sa inyo ng mga kaibigan niyo dahil unti unti nyo siyang ibinabalik sa dating siya.

"Tita, hindi nyo po kailangan magpasalamat.   Masaya din po ako dahil dumating siya sa buhay ko. Sincere kong sabi dito.

"At wag po kayong mag alala, simula ngayon mas babantayan ko pa siya para hindi na maulit itong nangyari kanina.

~~~~~○~~~~~~○~~~~~~~

To be continued.....

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon