chapter 23

117 13 0
                                    

Lander's POV

Successful ang naging proposal ni Yohan para sa foundation ball. Ngayon, sisimulan naman namin ang plano kong proposal para kay Raichan, sana magtagumpay din ako. Excited na ako hihi.

Classmate  na namin si Rai simula pa nung first year. Pero hindi kami close dahil wala itong ibang kinakausap at sinasamahan maliban kay Mildred. Although hindi naman siya snab. Kakausapin ka lang niya kapag kinausap mo siya.

Mabait si Rai. Matulungin, matalino. Kahit na nagmula siya sa mahirap na angkan hindi siya kailan man nagpatalo sa mga mayayamang bully ng school na nambubully sa kanya. Palaban, yung tipong tahimik pero pag nagalit mabangis, yung ang isa sa mga katangian na nagustuhan ko sa kanya.

Kaya naman halos magtata talon ako sa tuwa ng malaman ko na magiging ka grupo namin sila ni Mildred sa group project namin. Kaya naman hindi na ako nag aksaya ng panahon na makipag lapit sa kanya.

Alam kong first priority niya ang studies niya kaya naman kontento na ako na maging magkaibigan lang muna kami. Handa naman akong maghintay hanggang sa dumating ang araw na handa na siyang pumasok sa isang relasyon.

Sa ngayon i enjoy ko muna ang pagkakaibigan namin.

Alas kwatro na ng hapon, at ngayon ang oras na napag usapan namin para gawin ang proposal ko. Nakahanda na ang lahat pati ang mga kasabwat namin. Kung si Yohan, dinaan sa romantikong paraan ang proposal ako naman idadaan ko sa kakaibang paraan hehe. Excited na ako sa magiging reaction niya pero sana hindi siya magalit.

Naka pwesto na ang lahat. Hinihintay nalamang namin na lumabas mula sa Glee club si Rai, kasama nito syempre sina Khen at Dred na kasabwat ko rin. 

Raichan's POV

"Excuse me po, excuse me padaan kami, padaan lang,, tabi po muna ,ayan,,, salamat po. kunwaring pagpapatabi ni Mildred sa mga tao sa loob ng glee club habang akay akay nito si Khen na kanina pang namumula ang muka dahil sa pagpipigil na mapabunghalit ng tawa dahil sa mga kalokohan ni Mildred.

"Ano ba, Dred itigil mo na nga yan nakakahiya ka! Singhal nito kay Dred.

"Pssh! Wag kang magulo, at wag kang malikot baka mag buhol yang buhok mo ang haba masyado eh, oh, hahaha

"Baliw ka talaga!

"Ano ka ba naman Khen, iniingatan ko lang yung buhok mo baka mabuhol at pumulupot sa silya baliw agad, hindi ba pwedeng kinikilig lang  ayieeee dalaga na si Khen hahahha

"Ewan ko sayo Mildred Garcia!

"Huwaw! Hindi mo naman mahal na mahal pangalan ko ano? kailangan talaga buong buo, Khendra Shey Lopez?

"Natatawa at napapailing nalang ako sa kakulitan ni Mildred. Hindi ko magawang makasabay sa kakulitan niya ngayon. Ewan ko ba pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko.

Bigla akong nainggit kay Khen.
Buti pa siya may date na eh ako nganga. Bakit ba kase nauso pa ang ball ball na yan Hmp!.

"Hoy parang ang tahimik mo ata ngayon? Untag ni Khen sa pananahimik ko.

"Dati naman na akong tahimik. sagot ko.

"Asus, hindi kaya dati naman sumasabay ka sa kakulitan ni Mildred" pangungulit pa nito.

"Naku Khen, hayaan mo muna siya,, nagiisip yan kung sino ang tutu tukan niya ng shot gun para maging date sa Ball hahahhaha. - si mildred.

"Nakakatawa Mildred Garcia, sabi ko sabay irap dito. Na tinawanan lang naman nito. Baliw din talaga eh.

"Tara na nga may trabho pa ako" yaya ko sa kanila at agad din naman tumalima.

Nauna na akong maglakad sa kanila at nagpaalam na mag ba banyo muna. Tumango naman ang mga ito.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon