chapter 25

126 18 0
                                    

Mildred's P.O.V.

"Singkamas,
Hindi man kasing tamis ng ubas at mansanas,
Ngunit katas ay sapat
Upang pagaka uhaw moy magwakas.

Hindi katulad niya,
Binusog ka ng matatamis na salita,
Ngunit sa huli,
Iniwang luhaan, tulala, at "UHAW"
sa pagmamahal niya.

"Jusme,, ano ba itong ginagawa ko,hehe pero nasimulan ko na eh, kailangan tapusin kahit na pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko" bulong ko sa isip saka muling nagpatuloy.

Talong, 
para kang
Talong na kahit araw araw  namumunga, hindi parin sapat para sa kanya, kaya sa huli maghahanap parin ng iba.

Pero Wag kang mangamba,
Sa akin ay lumapit ka, dahil
Handa akong bakuran ka,
Wag ka lang makuha ng iba.

"Mani,
Pampatalino,pampatalas ng isip ang
Sabi nila,
Nunit nasaan ang talino mo ng siya ang pinili mo at hindi ako.

Ang daming gulay sa bahay kubo.
May sitaw, bataw, patani,kondol patola, upo at kalabasa.

Pero kalabasa ang talagang gusto ko.
Gustong ipakain sayo,para luminaw ang mga mata mo,
At ng makita mo,
Ang tunay na halaga ko.

Nauubusan na ako ng banat. Bigla nalang na blanko ang isip ko.
Napatingin  ako kay Sky, nakangiti siya habang nakatingin sa akin. At kinakabahan na ako. Jusme, kakayanin ko pa ba?.

"Ang haba pala ng bahay kubo no? Ngayon ko lang na realise, sabi ko at nagtawanan naman ang mga parokyano ng Sheyli's.

"Pero wala akong pake kahit gaano pa kahaba, makita lang ang iyong matamis na ngiti" sabi ko habang nakatitig kay Sky.

Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob at kapal ng muka para masabi ko ang mga nasabi ko. Basta isa lang ang naiisip ko. Ang mapa oo si Sky sa plano ko.

"Yowwwnnn! Sabay sabay halos na sigaw ng mga nanonood at tumingin kung saan ako nakatingin. Habang si Sky naman ay tila hinog na hinog na kamatis sa sobrang pamumula ng muka. At hindi malaman kung saan ipapaling ang paningin.

At ngayon para sa pinale. Bulong ko sa isip.

Nagsimulang muling tipain ni Khen ang piano. Kasunod non ay ang aking makabagbag damdaming pag awit charot hehe. Hindi kagandahan ang boses ko pero masasabi kong hindi naman masakit sa tenga.

"AKIN KA NALANG"

"🎶Bakit hindi mo maramdaman?
Ikaw sa akin ay mahalaga,
Ako sayo'y kaibigan lamang,
Pano nga ba't di ko matanggap.🎶

🎶At ako pa ba'y iibigin pa,
Ang dinadasal
Makikiusap nalang,
Akin ka nalang,
Akin ka nalang,🎶

🎶Ang dinadasal sa araw araw
Akin ka nalang
Akin ka nalang🎶

🎶At maghihintay
Hanggang akin ka na giliw..🎶

Napapikit ako. Damang dama ko ang bawat lyrics ng kanta. Pakiramdam ko yun talaga ang gusto kong sabihin kay Sky dati pa. Pero natatakot ako. Natatakot ako dahil nagmula siya sa napakayamang angkan at ako isa lamang mahirap. Pero kahit ganun, umasa ako. Umaasa ako na sana lahat ng ipinaparamdam niya sa akin totoo at hindi lang dahil kaibigan niya ako.

🎶Sa panaginip na lamang,,
Mahahagka't
Mayakap ka..🎶

Tama sa panaginip. Sa panaginip ko lamang siya pwedeng mayakap at mahagkan. Dun lang ako may kakayahan na gawin ang mga bagay na gusto kong gawin para sa kanya.

🎶At ako pa ba'y iibigin ka,
Ang dinadasal makikiusap nalng
Akin ka nalang,
Akin ka nalang,🎶

🎶Ang dinadasal sa araw araw,
Akin ka nalang
Akin ka nalang🎶

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon