chapter 29

134 14 0
                                    

KHEN'S P.O.V.

Malapit na kami sa school.
Hindi ko alam kung bakit pero habang papalapit nang papalapit kami sa school palakas ng palakas ang kaba na nararamdaman ko. Masama ang kutob ko. Pakiramdam ko may masamang mangyayare.

"Hey, okay ka lang ba prinsesa ko? Tanong ni Yohan, marahil ay napansin nito ang biglang pananahimik ko.

"H-ha,,, o-oo naman,, bakit naman hindi,, medyo kinakabahan lang. Nakangiting tugon ko dito.

"Pakiramdam ko, may masamang mangyayare ngayong gabi" dagdag ko pa.

"Ano ka ba?, wag kang mag alala, nandito ako hindi ako lalayo sa tabi mo, kaya relax ka lang okay" anito na bahagyang pinisil ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng hita ko.

At ayun nanaman ang tila kuryenteng pakiramdam na nararamdaman ko sa tuwing hahawakan nito ang kamay ko.

"Thank you Yohan".

"You're always welcome prinsesa ko". Anito sabay ngiti.

Ilang sandali pa ay narating na namin ni Yohan ang paaralan.

Matapos nitong maipark ang sasakyan ay nagtuloy na kami sa paglalakad patungo sa auditorium/gymnasium kung saan gaganapin ang ball.

Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ang magarbong dekorasyong bulaklak mula sa hallway hanggang sa bungad ng auditorium. Napaka ganda ng paligid. Halatang pinaghandaan at pinagkagastusan ang okasyong ito. Napakaraming makukulay na pailaw at kung ano ano pang mga nag gagandahan palamuti. Maging ang bawat lamesa ay napapalamutian ng sariwang mga bulaklak.

Pakiramdam ko ay nabawasan ang kabang naramdaman ko ng makita ko ang napaka gandang paligid.

"Khen! Tawag sa akin ng isang babae at hindi ko na kailangsan pang lingunin. Sa lakas ng boses nito na akala mo ay gumamit ng megaphone, nasisiguro kong si Mildred iyon.

"Dred! Hi, sagot ko kasunud ng pagyakap nito sa akin.

"Grabe! Ang ganda ganda mo pag simple at wala kang make up, mas gumanda ka pa ngayon. Muntik na kitang hindi makilala kung hindi mo lang kasama tong prinsipe mo eh".

"Naku Mildred Garcia, masyado pang maaga ang gabi para bolahin mo ako" anyway ang ganda mo ngayon muka ka ng babae hahaha"

"Tse! Babae naman talaga ako eh,,

"Oh, nandito na pala ang couple of the night" hi Khen, bati ni Rai kasama si Lander, na gwapong gwapo sa suot nitong tuxedo. Pero syempre mas gwapo parin si Yohan sa paningin ko. Hehe

"Couple of the night? Hello, ang labo naman na ata ng mata mo Rai, pasalamin ka na kaya hahaha" biro ko.

"Asus! Sa ganda at gwapo nyo nasisiguro ko na kayo ang mapipiling face of the night" ani Mildred.

"Aba syempre, at hindi lang face of the night, couple of the night din hahaha. Kompyansang ani Yohan.

"Ay wow! Grabe nahiya naman ako sa taas ng confidence level mo Yohan,, alam mo gutom lang yan. Halina nga kayo sa table natin at ikain nalang yang gutom mo. Kung ano ano ang pumapasok da isip mo eh hahaha. Pangaasar pa ni Mildred at nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa naka reserbang table para sa amin.

"Mabuti naman at naisip mo yan,, kanina pa nakatayo itong prinsesa ko oh. Alam nyo naman na ayaw na ayaw kong napapagod ito eh" ani Yohan na agad ikinawit ang kanyang kamay sa aking beywang at inalalayan ako patungo sa mesa habang ang isang kamay nito ang may bit bit ng munting purse na kinuha na nito kanina pa pagkababa palang ng kanyang sadakyan.

Pakiramdam ko tuloy sa mga oras na ito, isa akong totoong prinsesa na inaalalayan at iniingatan ng aking prinsipe.

"Ay hala grabe! Dito po tayo mahal na prinsepe at prinsesa,narito po ang inyong lam- aray! Ano ba? Kailangan talaga batukan? Reklamo Dred na sapo sapo ang noo na bahagyang hinampas ni Rai. Bahahya naman nahtawanan ang lahat.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon