chapter 40

142 11 4
                                    

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa prinsesa ko. Gaya ng sinabi nito sa kotse niya ako sumakay at siya ang nagmaneho.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan hanggang sa marating namin ang parking lot ng school. Natigilan ako sa akmang pagbukas ng pinto ng kotse nang mula sa tinted na salamin nito ay matanaw ko si Agnes na nakatayo sa gilid ng sariling kotse nito na tila may hinihintay.

Nabalot ng kaba ang dib dib ko at hindi ko malaman ang gagawin kung paano ko maiiwasan si Agnes. Base sa ayos nito, alam kong ako ang hinihintay nito. Kaya naman hindi na ako mapakali sa upuan ko.

Ayaw kong makita niya kami ng prinsesa ko na magkasama.

Natatakot ako sa maaring gawin niya sa prinsesa ko. Pero talagang pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Dahil kahit pilit ko mang iwasan ang ganiton pangyayare,tadhana ang gumagawa ng paraan para magtagpo ang mga landas namin.

Napalingon ako sa gawi ni Khen nang maramdaman ko ang marahang paghawak nito sa kamay kong nakahawak sa pinto ng kotse.

"K-khen!.

"Lets go. Nakangiting anito saka akmang bababa ng kotse niya ngunit pinigilan ko ito at inihawan ang isang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa isa ko pang kamay. Ngunit hindi ito natinag, sa halip dinukwang niya ang pagitan namin at siya mismo ang nagbukas ng pinto sa gawi ko saka siya tuloy tuloy na bumaba mula sa kotse niya. Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod narin dito.

Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Agnes tanda ng galit nito ng makita nitong sa iisang sasakyan lang kami lumabas ni Khen. Nanlilisik ang mga mata nitong nagpalit palit ng tingin sa amin.

Nakaramdam ako ng kaba ng mas lalong magsalubong ang mga kilay nito nang lumapit sa akin ang prinsesa ko at ikinawit ang kamay sa braso ko saka ako giniya papasok sa school. Ngunit natigilan ito ng maramdaman na hindi ako sumunod sa kanya.

"Yohan? Makahulugang tawag nito sa pangalan ko. Gusto kong maiyak sa nakikita kong pagsusumamo sa kanyang maamong muka. Ngunit pinigilan ko ang sarili. Alam ko na katulad ko ay nahihirapan din siya sa sitwasyon namin pero pinipilit niyang tatagan ang loob niya. Parang sirang plakang
Muling nagpaulit ulit sa isipan ko ang mga binitawan niyang salita sa akin kanina lang nang mapatitig ako sa kamay niyang ngayon ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"I will not let go of this hand, not until you ask me to"

"I will not let go of this hand, not until you ask me to"

"I will not let go of this hand, not until you ask me to".

Ako dapat. Ako dapat at hindi siya ang nangangako.
Ako dapat at hindi siya ang lumalaban para sa aming dalawa. Mahal ko siya, at alam kong mahal niya rin ako. Ngunit anong silbi ng pagmamahal ko kung hindi ko naman magawang maipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko.

Mula sa pagkakatingin ko sa aming mga kamay ay lumipat ang paningin ko sa nagsusumamo niyang mga mata. At doon kitang kita ko ang sensiridad sa mga mata niyang humihingi ng pang unawa. Mga matang nangungusap at tila ba nangangako na gagawin ang lahat para ipaglaban ako. Para sa aming dalawa.

"Lets go? Nakangiting muling yaya nito sa akin. Na mas humigpit pa ang pagkaka kapit sa aking kamay.

Pasimple akong sumulyap sa kinaroroonan ni Agnes. Walang kasing sama ang mga tingin na ipinupukol nito sa aming dalawa ni Khen. Dahilan upang mas lalo pang tumindi ang takot at kabang nararamdaman ko. Nakaka bading man pakinggan, pero pakiramdam ko habang lumilipas ang araw, habang lumalapit sa akin si Khen, mas lalo pang tumitindi ang pinaghalong galit at takot na nararamdaman ko para may Agnes. Takot sa mga maari pang gawin nito kay Khen.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon