chapter 35

80 9 0
                                    

YOHAN'S P.O.V.

Kapwa kami tahimik ng prinsesa ko habang papunta sa cafeteria. Alam kong iniisip parin niya ang mga nangyayare. Maging ako ay ganun din. 

"Are you okay?

"Yeah,i'm just hungry. I guess, haha". Anitong  pilit ang tawa. Wait i'll call Mildred and Chan. Dag dag niya pa.

"I already called them, and they're on thier way". Nakangiting Singit ni Sky at nauna nang naglakad papunta sa cafeteria. Siya narin ang nag order ng food para sa aming lahat. Habang kami ay naupo sa pwesto namin at hinintay sina Mildred at Rai bago magsimulang kumain.

"Ay grabe ano ito fiesta? Dami ng food ah. Good morning honey". Puna ni mildred sa mga pagkaing naka hain saka binati si Sky at humalik sa pisngi nito.

''wait?! Anito na salubong ang kilay habang nakatingin ng deretso sa mukha ni Khen."What happened to your face Khendra? Ang aga aga namumugto ang mga mata mo. Pinaiyak ka ba ng kutong lupa na ito". Dagdag pa nito habang nakahawak sa beywang ang kaliwang kamay at ang kanang hintuturo ay nakaturo sa akin.

"Tsk! Kumalma ka nga honey ko! Saway  naman ni Sky sa kanya. "Maupo ka na at kumain. I'm sure hindi ka nanaman nag breakfast kaya dinamihan ko ang pagkain. May himig ng pag aalalang dag dag pa nito.
Agad naman sumunod si Mildred at tahimik na naupo pero hindi parin inaalis ang masamang tingin sa akin.

"What? Angil ko ng hindi parin ako nilulubayan nito ng masamang tingin.

"Why did you make her cry?

"I did what? Of course not!

"Kung ganun bakit mugto ang mata niya ng ganitong kaaga?

"Hindi nga kasi ganun iyon! Hindi ko siya pinaiyak! Hindi ko magagawa iyon!. Pag namumugto ang mata agad agad kasalanan ko na hindi ba pwedeng may pinagdadaanan lang??

"Whatever! Yohan Sean Lim! Angil pa nito habang pinapaikot ang mga eyeballs niya.

"Khen, are you okay bakit ang tamlay mo? May sakit ka ba? -si Chan.

"Ah- huh? A'm wala. Wala naman okay lang ako. Kumain na tayo baka malate na tayo. Nakangiting tangi ng prinsesa ko. Nilingon ko ito at saka ginanap ang palad na naka patong sa hita niya sa ilalim ng lamesa at marahang pinisil iyon. Dahilan upang mapalingon ito sa akin. Nginitian ko naman siya bago bumaling sa pagkain at nag simulang lantakan ang sandwich na binili ni Sky ng hindi binibitawan ang kamay ng Prinsesa ko.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad patungo sa classroom namin ng mapansin kong muli ang babaeng iyon  sa di kalayuan. Ang mga kamay ay mag ka krus sa dibdib nito at nakatayo ito sa kabilang dulo ng hallway paharap sa gawi namin. Gaya ng dati ay nakasuot ito na kap na tumatakip sa kabuuan ng mukha nito. Ngunit nasisiguro ko na sa grupo namin ito nakatingin.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon