chapter 44

32 3 0
                                    

A.N.

sorry po kung ngayon lang ulit naka pag UD, medyo na busy ang inday. Lam nyo na buhay OFW.😅 but anyway, pagtyagaan nyo na muna itong UD ko. Di ko sure if makakaya kong mag UD ulit next week but ill try po.. thanks you for waiting po🥰😘😘😘

YOHAN'S P.O.V

"Ma labas lang po ako sandali. Paalam ko kay mama ng madatnan ko siya sa sala kausap si papa.

"Ah, sige anak. Saan ba ang punta mo?"

"Ah, may bibilhin lang po ako, babalik din po ako kaagad"

"Ganun ba? Sige mag iingat ka anak".

"Opo mama".

Ang totoo, wala naman akong kailangan bilhin. Pakiramdam ko lang masyado na akong na su suffocate sa loob ng kwarto ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng sulusyon  kung paano ko malulusutan si Agnes ng hindi nadadamay ang pamilya ko.
Saktong kakalabas ko lang ng garahe ng bahay namin ng tumunog ang telepono ko.

"Tumatawag ang prinsesa mo! Yohan tumatawag ang prinsesa mo! Tumatwag ang prinsesa mo!"  (Ringtone yan wag kayong ano😂)

"Kumusta aking prinsesa? Masiglang bati ko ng sagutin ko ang tawag ng prinsesa ko.

"Hmn, eto namimis ka, busy ka ba?

"Hindi, hindi prinsesa ko. At isa pa kahit gaano pa ako ka busy, basta para sayo maglalaan ako ng oras ko".

"Hmmn puro ka biro. Ahm, anyway naisip ko lang kasi, simula ng maging tayo, hindi pa tayo nag de date".

Napaisip ako. At Tama nga siya. Simula ng maging kami hindi ko pa siya nayaya na lumabas. Masyadong occupied ang isip ko dahil sa problema  ng pamilya ko. Kaya hindi ko na nakuha pang magyayang mag date. Nakaramdam tuloy ako ng hiya

"Oo nga pala. Sorry prinsesa ko, masyado rin kase akong busy this past few days".

"Haha its okay Yohan. I understand. Ah, ano kase,, sunday naman bukas naisip ko kase mag out of town. Punta tayo somewhere. Ahm, sa beach ganun. Yung tayong dalawa lang"

"Seryoso? Gulat na tanong ko. Hindi ko akalain na siya pa mismo ang mag yayaya sa akin na mag date at out of town pa.  "O-okay sige. Gawin natin yan bukas. San mo gustong pumunta? Susunduin nalang kita".  Medyo nauutal pang tanong ko. Ang totoo, balak ko rin talagang yayain siya bukas naunahan lang niya ako hehe.

"Hmn, kahit saang beach basta kasama ka masaya na ako. Gusto kong panoorin ang pag lubog ng araw kasama ka Yohan"
Malambing na sabi pa niya. At natuwa naman ako.

Ilang sandali pa kaming nagusap ng  prinsesa ko. Hindi na ako tumuloy sa mall. Sa halip ay huminto ako sa gilid ng kalsada at nakipag kwentuhan nalang sa kanya na akala mo ay nasa bahay lang ako.

Matapos naming mag usap ay bumalik narin ako  agad sa bahay para makapag handa ng mga dadalhin at gagamitin ko  sa date namin. At saka maagang natulog. Excited na ako para bukas. Ang isipin ko palang na  Maghapon ko siyang makakasama ay sobrang nakakapag pabilis na ng tibok ng puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon