Monday,, ito ang unang araw na muli akong papasok sa paaralan matapos ang isang buwang absent dahil sa aksedente na iyon.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang bumaba mula sa sasakyan na minamaneho ni Yohan. Isang buwan lang akong nawala pero pakiramdam ko isang taon na ang lumipas. Hindi ko maintindihan kung bakit pero nakakaramdam ako ng bahagyang kaba at takot. Takot na baka sinadya at hindi aksidentente ang nangyare isang buwan na ang nakakaraan. At ano mang araw ay muling may mag tatangka sa buhay ko.
"Hey! are you okay prinsesa ko?.
"H-huh? Ahm, oo, okay lang ako. Medyo kinakabahan lang. Pakiramdam ko first day of school nanaman ngayon". Ang dami ko ring na missed na klase at lessons na kailangang habulin. But im okay. Really. Nakangiting aniko.
"Okay sinabi mo eh. Lets go?. Anito sabay lahad ng palad at magkahawak kamay kaming naglakad papasok sa campus.
Maaga pa kaya medyo kakaunti pa lang ang mga studyande. Bagay na ipinagpapasalamat ko. Dahil sa totoo lang, naiilang na ako sa tingin ng iilang mga studyanteng nadadaanan namin paano pa kaya kapag dumami na sila, baka hindi ko na magawa pang maglakad dahil sa kaba. Although ang iba ay bumabati at nangungumusta, still nakakaramdam parin ako ng pagka ilang.
"Don't mind them,lets go. Ani Yohan sabay muling humawak sa kamay ko saka nagmadali na sa paglalakad patungo sa locker. Pero sadya yatang pinaglalaruan yata ako ng tadhana dahil kababalik ko lang sa school pero heto at sinasalubong na ako ng mga masasamang elemento.
"Oww! Girls, look who's back! Maarteng sigaw ng babaeng kararating lang upang maglagay din ng gamit sa locker. Ang babae na ni sa panaginip ay ayaw kong makasalubong ng landas. Walang iba kundi ang babaeng dinaig pa ang modelo ng foundation sa kapal ng foundation nito sa muka.
"OMG! She's back! Anang isa sa mga alipores ni Brigitte. Pero hindi ko ito pinansin sa halip ay itinuon ko ang atensyon ko sa paglalagay ng mga gamit sa locker.
Pero dahil si Brigitte ay si Brigitte, gagawa at gagawa ito ng eksena mapansin lang.
"Actually, i'm glad your back,, ang boring ng school kapag wala ka eh hahaha.
"Brigitte! Please, leave Khen alone. Sabat ni Yohan.
"Ooppps! Muntik ko nang makalimutan, andito nga pala ang prince charming mo hahaha. Nanguuyam na anito.
"Anyway, i came here just to make sure na tama ang nakita ko kanina at hindi ako namamalikmata lang. Sorry but i cant help it. I got really excited. Thanks God the boring days are over hahaha. Dagdag pa nito saka tumatawang umalis sa lugarna iyon kasama ang mga alipores nito. Habang ako ay naiwang wala paring kibo.
"Are you okay? Bulong ni Yohan, saka ako hinawakan sa kamay at inakay na paalis.
"Yeah, nagulat lang ako.
"Wag mo na silang intindihin. Just focus on your studies okay.
"I know, dont worry. Salamat Yohan. Nakangiting aniko.
"Your very much welcome. Lets go, baka malate na tayo sa klase. Anito at agad naman akong nag patianod.
"Khendraaaaaa!!! Oh my God! You are so back!!! Eksaheradang sigaw ni Mildred na akala mo eh hindi kami nagkikita. Well sabagay hindi naman kasi nila alam na ngayon na ang balik ko sa school.
"Hahaha ang OA mo, kala mo naman hindi ka nagpupunta sa bahay araw araw". Natatawang pigil ko dito nang magtangka itong yakapin ako.
"Eh kase naman! Hindi mo sinabi na ngayon ka na papasok. Gosh! Namiss ko talaga yung mga araw na sabay tayong nag i snack, nag la lunch, nag aaral.

BINABASA MO ANG
Stone Heart
Fiksi PenggemarBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...