chapter 32

128 13 2
                                    

"Anong nakakahiya prinsesa ko?

"Ay! Kabayong nakakahiya! Ano ba bakit ba bigla  ka nalang sumu sulpot. Para kang kabuti! Bulalas ko ng biglang magsalita mula sa pinto si Yohan.

"Hey! Are you okay? Masyado ka naman atang magugulatin ngayon?.

"Okay lang ako! Okay na okay! Pero sana lang kase no hindi ka bigla nalang sumu sulpot at nanggugulat!. Ano bang kailangan mo? Bulyaw ko dito upang maitago ang hiyang nararamdaman ko.

"Hey! Kalma ka nga, nakangiting anito, saka lumapit sa akin ng dahan dahan at hinawakan ako sa mgakabilang balikat. Bago tinitigan ang kabuuan ng aking mukha  saka unti unting bumaba ang tingin sa mga labi ko, bago muling ibinalik ang tingin sa mga mata ko.  Saka mabilis na kinintalan ng halik ang nuo ko sabay sabing....

"Change your clothes now, masyadong maraming naagaw na atensyon yang legs mo" anito saka mabilis pa sa kidlat na lumabas ng locker room.

Habang ako naman ay naiwang naka maang. Bago nag pasyang buksan ang locker ko at kinuha ang spare jeans and blouse ko doon saka nag mamadaling nagpalit ng damit at inayos ang pagkakatali ng buhok ko bago lumabas upang puntahan ang mga magulang ni  Yohan na hindi ko manlang nagawang batiin kanina nung dumating ako.  Pero laking gulat ko ng sa paglabas ko ng locker room ay tumambad sa akin ang naka simangot na mukha ng boyfriend ko.

"Anong klaseng muka iyan? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa ah  natatawag sabi ko dito. Pero sa halip na sumagot ay pinagtaasan lamang ako nito ng kilay, saka kinuha ang kamay ko at magka hawak kamay kaming naglakad.

"Hey! May problema  ba? Nag aalalang tanong ko.

"Wala naman".

"Wala? Eh bakit sambakol iyang muka  mo?

"Wala nga, don't mind me, bilisan na natin kanina ka  pa hinihintay nila Daddy. 

"Oh my! Oo nga pala, sorry halika na bilisan na natin". Sabi ko sabay hila dito.

MOMENTS LATER......

"Wow! Ikaw ba lahat ang nagluto nito anak? Tanong nga mommy ni Yohan na halatang hindi maitago ang excitement at paghanga nito sa mga niluto ko.

"Ay hindi po. Yung iba po diyan luto ni chief Rizza, at chief Adelyn. Pero nasisiguro ko po na masarap ang lahat ng iyan" nakangiting sagot ko.

"Aww of course naman iha, may tiwala ako sa lahat ng staff mo dito. So pano tikman na natin dalii!

Ngiti lang ang tanging isinagot ko dito saka pinag masdan ito habang isa isang tinitikman ang bawat pagkaing nakahain sa mahabang mesa.

" so ano po sa tingin ninyo tita" kinakabahang tanong ko sa mommy ni Yohan.

"Masasarap lahat ng nakahain sa mesa, kaya ang hirap mag deside kung ano ang  pipiliin namin iha" Yohan anak, ano sa tingin mo?

"Mom, pati ako nahihirapan mamili. But i have an idea, since si ate ang mahilig sa pagkain dito, bakit di nalang siya ang tanungin natin, diba ate? Nakangiting baling ni Yohan sa ate niya.

"Ako? Seryoso?

"Yes! Why not? Ikaw tong mahilig mag foodtrip.

"Hmp! Okay fine! Kunwaring protesta ng ate nito saka muling lumapit sa mga pagkain na nakahain sa mesa.  Pero napangiwi ito ng makita ang mga pagkain sa mesa.

"Hmmn,, ang hirap mag decide eh,, mahilig lang ako kumain pero hindi ako familiar sa mga pangalan ng pagkain. So i suggest, si Khen nalang siguro ang bahalang mag decide kung anong pagkain ang ihahanda".


"Hahahaha! Gaya ng inaasahan, singit ni mamita sa usapan".

"Actually, hindi na bago sa amin ang ganitong eksena. Sa tuwing magkakaroon kami ng taste test para sa catering services palaging nauuwi sa choice ni Khen". Dagdag pa ni mamita.

"So its settled then, bahala na si Khen na mag decide kung anong pagkain ang ihahanda. Besides may tiwala naman kami sayo Khen". -Yohan's mom.

"Kung yun po ang gusto ninyo, kami na po ang bahala. Salamat po sa pagtitiwala.

"Syempre naman iha, ikaw pa ba. So paano, tutuloy na kami. Kailangan ko pang bumalik sa opisina" -Yohan's dad.

"Ah, sige po, maraming salamat po."

"Ahm, Dad. Magpapaiwan po ako, may lakad po kami ng prinsesa ko". Paalam ni Yohan.

"Ganun ba? Oh, sige ikaw ang bahala. Mag iingat sa pag uwi huh?

"Opo Dad, paalam ni Yohan saka sumabay sa paglalakad ng mga ito papalabas ng resto upang ihatid sa sasakyan. Habang ako naman ay nagtungo sa kitchen upang magbilin kay Mamita. Matapos iyon ay sumunod na ako kay Yohan sa labas ng resto.

"Hoy ikaw! Anong lakad ang sinasabi mo dyan? Wala naman tayong napagusapan ah!  Singhal ko kay Yohan nang matanaw ko ang papalayong sasakyan ng magulang ni Yohan.

"Hey! Kalma ka lang prinsesa ko. Wala nga tayong usapan, pero kase gusto kong samantalahin ang pagkakataon. Magiging busy ka na sa mga susunod na araw dahil papasok ka na ulit sa school. Kailangan mong makahabol sa mga lessons at alam ko naman na hindi ka papipigil. Bukod dun, magiging busy karin sa preparation para sa wedding anniversary ng parents ko kaya malamang mawawala ka ng oras sa akin. Kaya sulitin na natin ang araw na ito okay. Mahabang paliwanag ni Yohan sabay kabig sa akin at inakay na ako palapit sa kotse kong nakaparada sa harap ng Sheyli.

"Kotse mo muna gamitin natin ngayon ah hehe".

"Bahagya lamang akong ngumiti saka pumasok sa nakabukas na pinto ng kotse ko.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon