Khen's P.O.V.
Kakatapos ko lang maligo at naghahanda sa sa pagtulog ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama ko.
''YOHAN CALLING
''Hello"
''Hi''
''Napatawag ka, late na ah?
''Wala naman, gusto ko lang sanang marinig ang boses mo bago ako matulog. Ilaw bakit gising ka pa? Anito ngunit may napansin ako.
''Ahh, halos kauuwi ko lang galing da Sheyli's kakaligo ko lang matutulog narin. Kumusta nga pala ang family dinner nyo?. Tanong ko.
''O-okay naman. Masaya. Hayy! Sige na magpahinga ka na. Susunduin kita ng maaga bukas sabay tayo mag breakfast okay lang ba? Anito na halatang pilit pinasisigla ang boses. Gusto ko pa sanang mag usisa ngunit hindi ko na ginawa. Bukas ko nalang siya kakausapin.
''Sige, hihintayin kita bukas ng umaga. Sagot ko.
''Okay see you tomorrow, goodnight. Paalam nito. Ibababa ko na sana ang tawag ng marinig kong tawagin nitong muli ang pangalan ko.
''Ahm, Khen wait!. Tawag nito na ipinagtaka ko. Never pa niya akong tinawag na Khen kahit isang beses. ''Prinsesa ang tawag niya sa akin o kung hindi ay Shey para siya lang daw ang tumatawag ng ganun sa akin.
''Ano yun? Tanong ko.
''Ahm, wala. G-gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita. Walang sinumang babae ang pwedeng pumalit sa'yo sa puso ko. Mas gugustuhin kong mawala nalang sa mundo kesa mapunta sa taong hindi ko gusto". Anito na bahagya pang gumaralgal ang boses. Lalo akong nagtaka kasabay ng kaba.
''Yohan, may problema ka ba? May nangyare ba? Nag aalalang tanong ko.
''Wala prinsesa ko. Anito na pilit pinasigla ang boses. Sige na magpahinga ka na. Alam kong pagod ka rin. Good night. I love you prinsesa ko.
Iyon lang at agad na niyang pinutol ang linya.
''Bakit siya umiiyak? Wala sa loob na usal ko habang makatitig sa telepono na hawak ko.
Nagbuga ako ng malalim na buntong hininga bago ko muling inilapag ang telepono sa sidetable at saka nahiga. Pinilit makatulog kahit na hindi mawala wala sa isipan ko ang mga sinabi ni Yohan at ang pagtataka kung bakit tila umiiyak ito.
Kagaya ng ipinangako ko ay maaga akong nagising kinabukasan. At bago pa man dumating si Yohan ay handa na ako.
Kasabay ng pagbaba ko ng hagdan ay ang pag tunog ng doorbell. Napangiti ako at mabalot ng tuwa at excitement ang puso ko. Nasisiguro ko na si Yohan na iyon. Kaya naman binilisan ko ang pag baba at nag prisinta kay Yaya na ako na ang magbubukas ng pinto.
''Good morning prinsesa ko. Nakangiting bati ni Yohan ng buksan ko ang pinto. Naka suot ito ng itim na shades na nakadagdag sa lakas ng dating nito. Napakagwapo talaga nitong tingnan sa suot niyang uniform. Napakalinis.
''Hm. Morning, tuloy ka muna. Ganting bati ko at agad itong pinatuloy. Sinalubong naman ito ni Mommy na kaba-baba lang mula sa kanilang silid.
''Good morning Yohan hijo. Bati ni mommy saka himalik sa kanyang pisngi. Nakasanayan ko na ang ganitong eksena dahil sa araw araw na pag sundo ni Yohan sa akin ay hindi na bago ito. Ganoon sila ka close ng parents ko. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil hindi pa man ay tanggap na tanggap na nila si Yohan.
''Ano ba yan! Ang aga aga naka shades baby boy! Reklamo ni mommy nh mapansin ang suot na shades ni Yohan.
''Hahaha tita mama, ganun po talaga pandag dag pogi points sa inyo para hindi nyo kami hadlangan ng prinsesa ko.

BINABASA MO ANG
Stone Heart
Hayran KurguBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...