chapter 11

131 14 0
                                    

YOHAN'S POV

"Okay, ka lang, tanong ko kay Shey, ng mapansin kong tila pagod na pagod nitong isinandal ang kanyang ulo sa headrest ng kotse. Si Sky ang nagmamaneho kaya naman magkatabi kaming nakaupo ng prinsesa ko sa likuran.

"Yeah, napagod lang. Anito na hindi tumitingin sa akin saka ipinikit ang kanyang mga mata. Hinayaan ko nalang muna itong maidlip tutal malayo layo pa ang byahe, bukod dun naipit din kami sa matinding traffic.

Sinalat ko ang nuo nito para alamin kung may lagnat pa ito, at sa kasamaang palad inaapoy parin ito ng lagnat. Dala marahil ng pilay nito sa paa. Napayakap ito sa kanyang braso kaya naman, inilabas ko ang jacket ko mula sa bag at ginawa kong kumot nito para hindi masyadong ginawin.

Makalipas ang halos isang oras ay narating narin namin ang bahay ng prinsesa ko. napa nganga ako atHindi ako halos makapaniwala ng makita ang bahay ng mga ito. no! Mali hindi bahay kundi mansion. Isa talaga siyang litera na prinsesa.

Sa pag kaka alam ko, ang mansion na ito ang pinaka malaki sa buong subdivision.

Kombinasyon ng puti at itim ang kulay nito sa labas. May naglalakihang mga bintana ang mga silid na tanaw mo sa ibaba. Alin kaya sa mga kwartong iyan ang kanya? Tanung ko sa isip.

"Prinsesa, prinsesa ko". Mahinang Tawag ko dito kasabay ng mahinang tapik sa malambot nitong pisngi na ngayon ay pinkish dahil sa laganat nito. Pero mahinang ungol lang ang sagot nito. Mukang masama na talaga ang pakiramdam kaya nagpasya akong bumaba nalang at lumigid sa kabilang bahagi ng kotse kung saan siya naroon at binuhat na lamang ito.

"Good afternoon po, narinig kong bati ni Lander sa kung sino mang nagbukas ng gate

"Good afternoon naman ijo, anong maipaglilingkod ko? Tanung ng may edad ng babae.

"Ah, kaibigan po kami ni Khen, hinatid lang po namin siya.

"Hinatid? Tila nagugulihang tanong ng ale.

"Opo, natapilok po kase siya kanina sa school may naipit na ugat sa paa niya kaya hinatid nalang po namin siya" paliwanag ni Sky.

"Nasaan kung ganon si Khen?.

"Ayun po, sagot naman ni Lander Sabay turo sa akin na buhat buhat si Khen.

"Diyos ko mahabagin anong nangyare ijo"?. Tanong nito ng makalapit ako sa gate.

"Mataas po ang lagnat kaya nakatulog po sa byahe, pwede ko na po ba siyang ipasok sa loob? Magalang na tanong ko dito.

"A-abay oo, naku pasensiya na mga ijo. Hala sige pumasok na kayo sa loob. Dalhin mo nalang siya sa kwarto niya sumunod ka sa akin. Napapahiyang anyaya nito sa amin. Saka nagmamadaling nagpatiuna sa paglalakad.

"Shelly, shelly," tawag nito sa kasama.

"Bakit po nay?. Tugon naman ng tinawag nitong shelly na hindi ko malaman kung saan nagmumula sa laki ng bahay. At kung di ako nagkakamali ay kaedad lang namin yun.

"Kumuha ka ng palangganang maliit lagyan mo ng maligamgam na tubig at ipanhik mo sa kwarto ni Khendra bilisan mo!. Utos nito.

"Luz, tawag ulit nito sa isa pa habang patuloy sa paglalakad sa malawak na sala. Gumawa ka ng miryenda para sa tatlo ilagay mo sa sala". Utos ulit nito.

"Oho manang" tugon naman ng tinawag.

"Halika ijo ipasok mo siya dito. Pasensiya ka na naabala pa tuloy kayong magkakaibigan". Hinging paumanhin nito.

"Naku wala po yun". Hindi po abala sa akin si Shey. Nakangiting tugon ko dito.
Tsaka, diyan lang din po kami sa kabilang kanto".

"Ah, ganun ba? Mabuti naman. Ako nga pala si Manang Rosa, ako ang yaya ni Khendra simula pa ng ipanganak yan.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon