MILDRED'S POV
"Woww! Ang ganda naman dito! Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng resto kung saan kami dinala ni Khen. Sheyli's Grill ang pangalan na nakita ko sa labas.
Napaka aliwalas ng loob ng resto. Malinis. Hindi kalakihan pero hindi naman siya masikip.
Dinala kami ni Khen sa second floor. At mas nakakamangha ang theme nito.
Merong man made water falls sa mag kabilang gilid ng ding ding na ang babagsakan ay isang minnie fish pond na mayroong coi fish. Napaka refreshing ng ambiance. Nahahalatang mahilig sa nature ang may ari nito."Hindi ko alam na meron palang ganitong lugar ang Sheyli's" ani Yohan.
"Hindi naman kase open for public itong second floor, not unless may mag rent para sa mga special events tulad ng anniversary or proposals . Sagot ni Khen. "Maupo muna kayo, mag papahanda lang ako ng miryenda natin. Dagdag pa nito habang itinuturo ang isang sala set sa isang bahagi ng palapag na iyon sa tabi mismo ng water falls.
"Kung hindi open for public ito, bakit dinala mo kami dito baka mapagalitan ka? Nagtatakang Tanong ko bago ito bumaba. bahagya naman itong natawa bago sumagot.
"Dont worry akong bahala sa may ari haha".
'
"Ang prinsesa ko ang may ari nito" may pag mamalaking singit ni Yohan."Seryoso dre? Hindi makapaniwalang tanong ni Sky. Alam kong mayaman ang pamilya ni Khen pero wow as in wow, napaka bata pa niya para mag karoon ng ganitong klaseng business!
"Wag mo nga kaming pinagloloko dre! Hahaha lakas ng trip mo ah. -si Lander na hindi rin naniniwala.
"Regalo to sa akin ni Mommy at Daddy nung 16th birthday ko".Biglang sabat naman ni Khen.
"Seryoso? Hindi rin halos makapaniwalang tanong ni Rai.
At maging ako hindi rin makapaniwala. Habang si Yohan naman ay panay lang ang ngiti habang nakatingin kay Khen.
"Oo, pero since nag aaral pa ako, may katulong ako sa pag mamanage nito. Kaya hindi ganun kahirap para sa akin ang i manage ito". Wait lang, ipapahanda ko na ang miryenda natin.
"Isa rin siya sa pinaka magaling na chef dito" pag mamayabang pa ni Yohan.
"Talaga? Isa ka ring chef? Tanong ko at
Lalo akong humanga kay Khen. Magkaedad lang kami pero, meron na siyang sariling resto, at sa napaka batang edad isa na siyang chef. Grabe ang hirap paniwalaan. Sabagay, mayaman ang pamilya niya, kaya hindi na kataka taka na kayang ibigay sa kanya ng magulang niya ang lahat."Ang daldal mo talagang kutong lupa ka! Saway nito kay Yohan na hanggang ngayon ay hindi mawala wala ang nagmamalaking ngiti nito.
Nakaramdam ako ng konting inggit. Sana ako rin ipinanganak ng mayaman para hindi na nahihirapan ang magulang ko sa gastusin."Totoo naman eh, ang sarap mo kaya magluto. Diba nga pati sina Mom and Dad, pati ate ko gustong gusto ka". I mean yung luto mo. -si Yohan
"Yohan! :/
"Ikaw naman kase isang araw palang tayong mag kakasama, masyado mo kaming ginugulat. Sabi ko saka inilabas isa isa ang mga notes ko at sinimulang sagutan ang mga assignment. Naisip kong unahin muna ang mga ito bago simulan ang project. Ginaya naman nila ang ginawa ko at nag kanya kanya na kami sa pagsasagot kaya natahimik na ang lahat.
Pero hindi ako maka pag focus ng maayos dahil sa katabi kong parang kitikiti sa sobrang likot. Panay pa ang tanong ng kung ano ano.
"Ano ba wag ka ngang malikot Dyan nahihilo na ako sayo ah! Saway ko dito. Pero ngiti lang ang sinagot nito at saka muling humarap sa laptop niya. Pacute pa talaga eh, kurutin kita sa pisnge dyan eh!
BINABASA MO ANG
Stone Heart
FanfictionBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...