Tahimik akong naglakad at tinungo ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang aming classroom.
Alam kong nakasunod parin siya sa akin, sila ng mga kaibigan niya pero hindi ko nalang pinansin total isa lang naman ang pupuntahan namin.Nang makapasok sa classroom ay agad na akong dumiretso at naupo sa upuan ko. humarap ako sa bintana at duon nangalumbaba akong tumanaw sa mga matatayog na puno ng narra na tila isinasayaw ang mga dahon at sanga dahil sa may kalakasang hangin.
First day palang pero heto at may nakabanga na kaagad ako. Mukang hindi magiging madali ang pag aaral ko dito.
Haayy napabuntung hininga nalang ako. Hindi ako sanay ng may kaaway. Hindi ako marunong makipag away. Lumaki ako sa pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ko. Lumaki ako na mulat sa maraming bagay. At hindi ko alam kung paano ko palilipasin ang buong taon ko dito ng tahimik ngayong may taong mukang kinulang sa pagmamahal kaya ganun ang ugali. Sa itsurang yun ni spasol alam kong hindi niya ako titigilan. At alam ko hahanap at hahanap siya ng tyempo para mabully ulit ako.Sa tanang buhay ko hindi ko pa naranasan ang ma bully. Hindi ko naranasan dahil palagi kong kasama ang best friend ko.
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang best friend ko. Ang best friend ko na siyang dahilan kung bakit ako nagkaganito, kung bakit ayaw ko ng makipagkaibigan. Kung bakit nakalimutan ko na ang tumawa o ngumiti manlang. Ang taong sumira sa tiwala ko, ang taong umagaw ng kaligayahan ko.
Biglang umusbong ang galit sa dibdib ko ng maalala ang taong yun. Ang taong nanloko sa akin. Ang taong itinurin kong kapatid pero ginago lang ako.
Biglang nag init ang sulok ng aking mga mata kasunod nito ay naramdaman ko ang pag sungaw ng mainit na likidong nagmumula rito at naramdaman ko ang mabilis nitong paglandas sa aking pisngi. Pasimple ko itong pinunasan. Ayaw kong may mkakita sa akin na umiiyak. Kailangan kong maging matatag at matapang, lalo na ngayon na wala ng mag tatangol sa akin.
Bakit kase ikaw pa? Bulong ko sa sarili ko. Sa dami ng taong pwedeng manloko sa akin bakit ikaw pa. Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga tanong sa isip ko na hanggang ngayon ay hindi ko parim mahanapan ng sagot.
Hangang ngayon hindi ko parin matanggap na kung sino pa yung taong itinurin kong kapatid siya pa yung manloloko at mananakit ng sobra sa akin.
"Here, use this.
Nagulat ako ng may mag abot sa akin ng kulay asul na panyo. Ngunit tiningnan ko lang ito.
"Kunin mo na, malinis yan don't worry. Pero hindi parin ako natinag.
"Please", pakiusap nito."malapit ng dumating yung adviser natin,ayaw mo naman sigurong makita niya na may natuyong luha diyan sa muka mo. Mamaya niyan isipin pa nila pinaiyak kita. Dugtong pa nito.
"Thanks,sabi ko. Wala na akong nagawa kundi tanggapin ito dahil may punto naman siya nakakahiya kung madatnan ako ng adviser namin na may natuyong luha sa muka. Kaya napapahiyang kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mga luhang malapit ng matuyo sa aking muka. "Bukas ko nalang ibabalik, lalabhan ko muna".
"Nah! Its ok. You can have it. Mukang mas kakailanganin mo "iyakin" nakangiting sabi niya.
Alam kong nagbibiro lang siya pero binalewala ko yun at walang emosyong tumingin sa kanya.
"Hey chill tatawa tawang anito, im just kidding" hahaha ang seryoso mo naman. Sabi pa niya pero tingin lang din ang sagot ko sa kanya. Anyway, wag ka ng umiyak ha. Malambing na bulong pa nito. Wag mo nalang isipin yung nangyare. Hayaan mo nalang si Bridgit".
"Tsk! Asa, hindi ko pag aaksayahan ng panahon para isipin ang tulad niya". Mayabang na sabi ko.
"At isa pa, Hindi naman siya ang iniisip ko. Wala akong pakialam kahit ano pang gawin ng spasol na yun"!

BINABASA MO ANG
Stone Heart
FanfictionBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...