chapter 36

56 4 0
                                    

Inihatid ko lang ang prinsesa ko sa Resto. Hindi na ako nagtagal dahil tumawag sa akin si mama, may importante daw kaming pupuntahan. Kaya naman nagmamadali akong umuwi.

"I'm hooooooome! Masayang bati ko sa lahat ng makapasok ako sa bahay namin. Ngunit agad ding natigilan nang makitang namumugto ang mga mata no mama at ate. Natataranta kong nilapitan ang dalawa sa tatlong pinaka importanteng babae sa buhay ko.

"Ma'? Anong nangyare? Ate, bakit ganyan ang mga mata nyo? Umiyak ba kayo? Sunod sunod nsa tanong ko ngunit wala ni isa mang sumagot sa kanila.

''Pa? Anong nangyayare? Baling ko kay papa.

"Magbihis ka na Yohan anak, may pupuntahan ta'yo sige na.

''Pero papa?

''Wag nang matigas ang ulo mo anak. Magbihis ka na male late na tayo sa lakad natin".

Wala na akong nagawa kundi ang sundin si Papa. Masyado itong seryoso para suwayin ko at nasisiguro kong magagalit na ito kapag nangulit pa ako.

Pinukol ko ng nagtatakang tingin sina Mama na ngayon ay umiiyak nanaman at si ate na tahimik parin pero nakasuporta sa likod ni Mama. Saka ako nagtuloy sa kwarto. Nagulat pa ako ng madatnan ang nakahandang damit sa ibabaw nang kama mo. Naisip ko na inihanda ito ni Mama kaya naman nagtuloy na ako sa banyo at naligo at inayos ang sarili.

Pag baba ko ay wala na si Papa ang sabi ni Yaya ay nasa kotse na daw ito at tanging si mama nalang ang sumalubong sa akin sa baba. Nagtaka nanaman ako ng salubungin ako nito ng mahigpit na yakap  at nang kumalas ay pasimpleng pinunasan ang luha sa mga mata niya.

''Ma, ano po ba talaga ang nangyayari? Bakit ka umiiyak? At saan tayo pupunta?

"Wag ka na magtanong anak ko. Basta wag mong kalilimutan ha, kahit anong mangyare mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita at lahat ng ginagawa namin ng papa mo ay para sa ikabubuti at kinabukasan mo".

"Ma hindi po kita maintindihan. Alam ko naman po na lahat ng ginagawa niyo ay para sa amin ni ate pero naguguluhan po ako sa mga ikinikilos n'yo ngayon.

''Halika na anak. Ma le late na tayo nakakahiya sa nag imbita sa atin kung ma lelate tayo ng dating.  Anito saka ako inakay palabas patungo sa family van namin.

Nagtataka man ay wala na akong nagawa kundi ang magpatianod dito.

Makalipas ang halos isang oras na byahe ay narating narin namin ang ang isang may kalakihang bahay. Sa ayos at itsura pa lamang nito sa labas ay nagsusumigaw na ang karangyaan. Hindi maikakailang ubod ng yaman ang nag mamay ari ng napaka garang bahay na ito.

Inihimpil ni Papa ang van sa gilid ng kalsada at saka nag doorbell sa doorbell na nada gilid ng maliit na gate. Nuon ko lng napansin ang mga dala dala ni mama at ate at yaya. Tig iisang katamtamang lalagyan na kung hindi ako nagkakamali ay pagkain ang laman.

Ilang sandali lamang ay bumukas na ang gate at sunod sunod na pumasok sina mama, papa, ate at si Yaya. Sinadya kong magpahuli. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
Sinikap kong kalmahin ang sarili ko hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay.

''Pag pasensiyahan nyo na kummpadre kumadre kung medyo nahuli kami ng dating. Hinging paumanhin ni Papa. 

''Wala iyon kumpadre. At isa pa alam ko naman na mahirap hanapin itong lukasyon namin hahahha. Halina na kayo sa dining area nakahanda na ang hapunan.

''Okay then, but before that let me introduce to you my family, my wife Elizabeth, my daughter Eliza and my son Yohan sean. Meet mr. Minandro Aquino and his wife Amalia Aquino. Pakilala ni Papa sa amin.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon