chapter 26

126 13 2
                                    

Khen's P.O.V.

Gaya ng nakasanayan sinusundo ako ni Yohan tuwing umaga. At hinahatid kapag uwian na. Kaya naman matyaga akong naghihintay ngayon sa pagdating niya. 

Kung dati isang sasakyan lang kami nina Yohan, Sky at Lander ngayon hindi na. Si Sky bilang girlfriend  na niya si Mildred araw araw na niya itong sinusundo  at hinahatid kahit na ayaw nito dahil nahihiya siya na makita nito ang lugar nila.

Si Lander naman ay hatid sundo narin si Raichan kahit na madalas parin silang parang aso at pusa.

At masaya ako na nagkaka mabutihan na sila.  Masaya ako na masaya ang mga bago kong kaibigan. Masaya ako sa nabuo naming samahan. Sa sandaling panahon nang pagkakaibigan namin, masasabi ko na totoo silang kaibigan. At masaya ako dahil doon.

Nalulungkot parin ako sa nasirang pagkakaibigan namin ni Sabrina, pero ganun siguro talaga. Hindi lahat ng taong minamahal mo mananatili sa tabi mo. Hindi na ako galit sa kanya. Pero kahit pilitin ko, hindi ko na kayang makasama siya. At lalong hindi ko na kayang maibalik sa dati ang lahat. Nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin.

Beep!beep! Beep!

Tatlong sunod sunod busina ang nag pabalik sa akin sa riyalidad. Napangiti ako, alam ko si Yohan na iyon kaya dali dali akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko saka nag tungo sa pinto.

Hawak ko na ang door knob at Akmang pipihitin iyon ng biglang bumukas  at  iniluwa ang nakangiting si Yohan.

"Good morning my lovely princess" nakangiting bati nito.

"G-good morning, naiilang na ganting bati ko dito. Pakiramdam ko sobrang pula na ng muka ko dahil sa pagkailang.  Halos mahalikan na niya ako sa labi dahil sa sobramg lapit ng muka nito sa muka ko.

"lumayo ka nga! Pabulong na  Singhal ko pa dito.

"Prinsesa naman, kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan hindi kita lalayuan" anito  na mas lalo pang inilapit ang kanyang muka sa muka ko.

Pakiramdam ko biglang nanlambot ang mga tuhod ko ng maamoy ko ang hininga nitong  amoy mint.

At tuluyan na akong nawalan ng balanse at akmang tutumba ngunit maagap nitong hinapit  ang beywang ko at napigilan ang tuluyang pag bagsak sa marmol na sahig ng bahay.

Jusko Lord! Ang aga aga nagpapasabog ng kilig ang kutong lupa na to!.

"Hey are you okay? Tanong nito na nakahawak parin sa beywang ko. Habang ang isang kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Kung titingnan ay muka kaming   nagsasayaw ng waltz. Hehe

"Y-yeah im okay lets go! Mahinang sabi ko saka tila napapasong binaklas ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
At nagpatiuna na sa pag lalakad papalabas ng bahay.

Habang siya naman ay dumiretso pa sa garden para mag paalam kina mommy at Daddy na ngayon ay kasalukuyang nag aalmusal pa.

Nanatili akong nakatayo sa tabi  pintuan kung saan tanaw at dinig ko sila mula sa garden ng bahay. At dun hinintay si Yohan.

"Good morning tita Mommy, good morning tito Daddy" bati nito sa mga magulang ko. Tuwang tuwa naman itong sinalubong ng bati nila mommy at daddy.

Kung meron man akong isang bagay na labis na hinangaan kay Yohan,yun ay ang kung pano niya irespeto at igalang  ang mga magulang ko. Kaya naman hindi maikakaila na giliw na giliw sa kanya sina mommy at daddy.

"Good morning son, ani daddy habang tinatapik ang balikat nito.

"Good morning baby boy" -si mommy kasunod ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi nito.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon