chapter 41

81 11 1
                                    

KHEN'S POV

Halos manginig ang tuhod ko at nanlalatang napaupo sa bench na nadaanan namin ni Yohan sa isang bahagi ng school.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko kanina para harapin si Agnes ng ganoon. Ang alam ko lang, gusto kong ma protektahan si Yohan laban sa kanya.

"Okay ka lang prinsesa ko? Mahinang bulong ni Yohan na bahagyang nakaluhod sa aking paanan habang hawak ang nanginginig kong mga palad na nakapatong sa aking mga hita.

"Okay lang ako, ikaw okay ka lang ba? Nakangiting sagot ko.

"Honestly, anito na tumayo mula sa pagkakaluhod at naupo sa tabi ko. "Natatakot ako prinsesa ko. Natatakot ako kay Agnes at sa mga pwede niyang gawin sa'yo" mahinang anito.

"Wala ka namang dapat ikatakot, hindi niya ako sasaktan. Paniniguro ko. Kahit na sa loob ko ay takot din ang nararamdaman ko.

"Hindi mo kilala si Agnes prinsesa ko. Kaya niyang gawin kahit na anong gustohin niya. Malakas ang implowensiya ng pamilya niya at kaya niyang sirain ang buhay mo sa isang iglap lang". Aya-..

"Hindi rin niya ako kilala Yohan. Kaya ko ring gawin ang kahit na ano alang alang sa mga taong mahal ko. Alang alang sa'yo. So please Yohan, hayaan mo akong lumaban kasama mo....

"Prinsesa....

"I already told you before Yohan, let me handle this okay.  Seryosong sabi ko na deretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Agad naman itong nagbawi ng tingin.  Ibinaling nito ang atesyon sa  isang lata ng soda na nakakalat sa tabi ng bench. Nilaro laro niya ito ng kanyang mga paa na para bang sa pamamagitan noon ay mawawala ang mga problema nito.

Nanatili itong walang kibo at patuloy sa pag lalaro ng lata ng soda.

Ilang ulit ko na siyang tinawag sa pangalan niya pero parang wala siyang ano mang narinig.

"Yohan! Malakas na pag sambit ko sa pangalan nito kasabay ng mahinang tapik sa kanyang braso upang makuha ko ang kanyang atensyon.

Tumigil naman ito sa kanyang ginagawa ngunit nanatili itong nakatingin sa lata ng soda.

"S-si Agnes. Siya ang may pakana ng aksidente nung gabi ng ball. Siya rin ang nag utos na maglagay ng dugo sa sahig ng locker room. Mahinang anito habang hindi parin inaalis ang paningin sa lata ng soda na ngayon ay nayupi na matapos notong tapakan ng madiin.

Hindi agad ako nakahuma sa sinabi nito. At  pinakiramdaman kung tama ba ang narinig ko.  Nanatili itong walang kibo habang nakatungo parin.

"Anong ibig mong sabihin? Ano ba yang pinagsasabi mo?.  Naguguluhàng tànong ko. Noon pa man ay may hinala na ako na si Agnes  ang may gawa ng lahat ng iyon. Pero hindi ko naiisip na tama lahat ng hinala ko.

"I'm sorry. Sorry kung hindi kita magawang protektahan. Sorry  kung hindi sapat ang pagmamahal ko sa'yo para mailayo ka sa kapahamakan" sorry. Natatakot ako sa maari pa niyang gawin  kapag hindi ako sumang ayon sa lahat ng gusto niya. Mahinang anito kasabay ng pag garalgal ng boses nito.

"Yohan".....

"Sorry, sorry prinsesa ko,, i'm so sorry. Sorry kase wala akong magawa so-

"No, please, Wala kang kasalanan. Hindi ka dapat mag sorry para sa kasalanan na hindi naman ikaw ang may gawa. At Wag kang mag alala, dahil hindi ko na hahayaang maulit pa ang lahat ng ginawa niya sa akin noon. Hindi ako natatakot sa kanya. Ganting bulong ko kasunod ng pagyakap sa kanya.

Wala na akong pakialam marami man ang makakita sa amin. O kung pinagtitinginan man kami ng mga studyanteng nag daraan.

Awang awa ako sa sitwasyon ni Yohan. Hindi niya deserve ang mga nangyayareng ito sa kanya.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon