chapter 42

167 6 0
                                    

Agnes's POV

''Damn that Khen! Mariing mura ko matapos kong sipain ang sarili kong kotse sa parking lot ng school. May araw karin sa akin!! Dagdag ko pa bago ko tuluyang buksan ang kotse ko.

"Mukang palpak nanaman ang plano mo Agnes. Anang tinig na nagmumula sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon upang alamin kung sino ito. At sa tumbre palang ng boses nito hindi maikakailang galit ito dahil hindi ko nagawang mapasunod si Yohan.

"What are you doing here? Tanong ko rito saka bahagyang humarap sa kanya.

"Hmmn' well i am here to remind you, na nauubusan ka na ng oras. Remember  you only have two months Agnes  or else malalantad sa buong campus kung ano at sino ka talaga. 

"Oh come on please! Wag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sa'yo! Seryosong aniko..

"Really? Hahahaha! Kaya ba namumutla ka na ngayon? Anyway, hindi kita tinatakot. But I am warning you Agnes, kung gusto mong matahimik ang buhay mo. At kung gusto mong manatili ang pwesto mo sa buhay ng mga Aquino sundin mo ang lahat ng pinapagawa ko sa'yo kung ayaw mong pulutin ka sa lansangan!

Hindi ako agad nakahuma sa sinabi nito. At pilit kong itinago ang kabang nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay Hindi ako makapaniwala na sa likod ng kanyang mala anghel na muka ay may demonyong naka kubli. Nsgbuga ako ng malalim na buntong hininga bago muling nagsalita.

"Bakit ba ganun nalang ang galit mo kay Khen? Bakit ba gustong gusto mo siyang nakikitang nasasaktan? Mabuting tao si Khen. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ka kapursigido na pahirapan siya?!. Lakas loob na tanong ko dahil hanggang ngayon, hindi ko parin maintundihan kung bakit ganoon nalamang ang galit niya kay Khen.  At kung bakit kailangan niyang gamitin si Yohan para lang masaktan si Khen.  Oo gusto ko si Yohan. At oo gustong gusto kong maging akin siya pero hindi sa ganitong paraan. Ngayon pinagsisisihan ko ang pag payag ko sa deal ng babaeng ito. 

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Sundin mo ang lahat ng pinapagawa ko sa'yo at ipinapangako ko na tutupad ako sa pangako ko sayo. Anito saka walang babalang tumalikod at iniwan akong  mag isa.

Nanlulumong sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon hanggang sa makarating ako sa mansion.

"You're  late, where have you been? Bungad na Tanong ni dad na nadatnan kong prenteng nakaupo sa mahabang sofa hawak sa kamay ang kopita ng alak. Marahan akong lumapit dito at kinuha ang kopita ng alak mula sa akmang pag inum nito.

"Enough  of this dad. Alam mong bawal sa iyo ang alak. Mahinang saway ko dito at inilapag amg kopita sa ibabaw ng mesa.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko saan ka nanggaling at  bakit ngayon ka lang?

"I'm  sorry dad, may tinapos lang po ako sa school. Akyat na po ako. .

"Sit down Agnes we are still talking. Mariing utos nito ng akmang hahakbang ako paakyat sa kwarto ko. Kapag ganito na ang tono ni Dad at binanggit na niya ang pangalan ko alam kong seryoso ang kailangan naming pag usapan kaya naman wala na akong nagawa kundi ang maupo.

"Y-yes dad. Nauutal na tugon ko saka naupo sa couch sa harap nito.

"Alam mo naman siguro ang sitwasyong kinakaharap ng kumpanya hindi ba? Alam mong nanganganib na mawala ang buong kumpanya sa atin sa oras na malaman ng mga Lim  na ako ang dahilan ng samot saring kasong isinampa sa kanila ng kumpanya hindi ba?

"Yes Dad.

"At alam mo rin na ikaw, at ang engagement nyo lng ng bunsong anak nila ang paraan para mawala ang kaso hindi ba?

"Yes dad. Kinakabahang sagot ko.

"Kung ganon bakit wala paring progress? Bakit hanggang ngayon ay hindi mo parin napapa amo ang batang Lim? Hindi kita pinalaking inutil Eliza Agnes!

"Dad i'm sorry.  Ginagawa mo naman ang lahat eh, kaso may girlfriend si Yohan dad at palaging nakabantay sa kanya  yung Khen na yun! Palagi nalang siyang humahadlang sa mga plano ko"

"Khen?

"Yes Dad, she's  Yohan's girlfriend.  Isang hamak na hampaslupa na nagta trabaho bilang parttime waitress sa  restaurant.

"What? Tinatalo ka ng isang hamak na hampaslupa lang? Ikaw na halos nasa iyo na ang lahat walang magawa sa isang hampaslupa?.

.

"No! Hindi sa ganun  dad!. Its j-just that, t-they both l-love each other. Nauutal kong sagot. Tila may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko ng banggitin ko ang mga salitang iyon. Kahit ako mismo ay hindi maikaka ila ang nakikita kong kakaibang ningning sa mga mata ni Yohan sa tuwing palihim nitong tatanawin si Khen. Bagay  na kina iingitan ko.

"Then do something about them! Gawin mo ang lahat ng paraan  na alam mo para mapag hiwalay sila at makasal kayong dalawa!.  Bulyaw ni Dad sa akin.

"Pero dad, hindi po ganon kadali iyon!

"Wala akong pakialam! Gawin mo ang pinapagawa ko sa'yo or tatanggalan kita ng karapatan sa pamamahay na ito at sa lahat ng meron ang pamilyang ito. Galit na bulyaw nito sa akin saka ito tumayo at walang lingon likod na umalis sa sala at tinahak ang hagdan paakyat sa kanilang silid. Habang ako ay naiwang mag isa at luhaan.

"Wala sa sariling tumayo ako at tinungo ang silid ko saka ibinagsak ang pagal na katawan sa malambot na kama ng silid ko.

Ilang minuto na akong nasa ganoong posisyon. Pinipilit na pumikit upang makatulog ngunit sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay ang galit na muka ni Dad at ng babaeng iyon ang nakikita ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit ganito ang nangyayare. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ka gusto ng babaeng iyon na sirain ang buhay ni Khen. Alam kong mabuting tao si Khendra at kung hindi lng dahil sa selos ay baka kinaibigan ko na siya.

"Hayyy!

Wala sa loob na buntong hininga ko saka tumagilid at at ipinikit ang mga mata ngunit kahit anong gawin ko ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hanggang naisipan kong kunin ang cellphone ko sa side table at binuksan ang facebook app ko. Doon sinubukan kong i search ang pangalan ni Khen ngunit bigo akong makita ito. Maging sa iba pang mga social  medea apps ay wala akong nakitang Khendra or Khen.

"Napaka mysterious  naman ata niya", wala manlang social medea account ".Bulong ko pa saka  tinype  ang pangalan ni  Yohan sa search box at agad klinik ng makita ito. Nakangiti at sabik na sabik kong inistalk ang time line nito. Ngunit naagaw ng isang larawan na ipinost nito ang atensyon ko.

"I WONT LET GO OF YOUR  HAND, NOT UNTIL YOU ASK ME TO"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I WONT LET GO OF YOUR  HAND, NOT UNTIL YOU ASK ME TO"

Tila biglang kumirot ang dibdib ko. Hindi man niya pinangalanan alam kong si Khen ang nagmamay ari ng kamay na hawak niya sa larawan.

Bigla akong nakaramdam ng inggit.
Ang tagal kong pinangarap si Yohan, ang tagal kong inasam na sana isang araw magawa kong hawakan ang kanyang mga kamay at sabay na maglalakad. Ang tagal kong pinangarap na sana isang araw magawa kong maipagsigawan sa mundo na akin siya. Akin lang siya. Pero naglaho ang lahat ng pangarap ko. Sa isang iglap, napunta siya sa iba. At kailan man ay hindi na  siya mapapasa akin.

Ano pa bang kulang sa akin. Nasa akin na lahat,  ganda, talino, talento at yaman. Pero  hindi ko makuha ang lalaking gustong gusto ko.

Inis na pinatay ko ang telepono  ko kasabay ng pag punas sa mga luhang ni hindi ko manlang namalayan na bumuhos mula sa mga mata ko. Saka hinagis sa bedside table ang telepono ko at pabagsak na muling nahiga sa kama at sinikap na makatulog habang sa isip ko ay  may binubuo akong plano.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon