chapter 2: trouble

205 19 0
                                    

Yohan's POV

"I dont need a friend" mariing sabi sa akin ni Khen pagkatapos ay umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero may napansin akong lungkot sa mga mata niya nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung bakit pero may bahagi ng pagkatao ko ang gusto siyang yakapin hanggang sa mawala ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit pero may bigat akong naramdaman sa mga salitang binitawan niya.

"Grabe ka naman? Ayaw mo akong maging kaibigan? Eto etong gwapo kong to? Pangungulit ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siyang naglakad na parang walang naririnig, kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad para malampasan ko siya at huminto sa harapan niya at pumitik sa ere. Tila nagising siya sa isang panaginip at bumalik sa riyalidad matapos ang ginawa ko.

"Ano ba umalis ka nga diyan sa harapan ko"

"Ayaw"! Sabi ko sabay matamis na ngiti.

"Pwede ba please lang tantanan mo ako wala akong oras para makipag asaran sa'yo"!

"Eh, hindi naman kase ako nakikipag asaran sa'yo, ikaw lng tong naasar wala naman akong ginagawa".

Just please leave me alone, i want to be alone!.

"Fine,di nalang ako magsasalita basta sabay nalang tayo papunta sa canteen, gaya ng sabi ko first day palang ngayon and im sure you dont know where the canteen is so let me accompany you, promise i wont talk" mahabang sabi ko na sinabayan ng mgandang ngiti. Nag Salubong naman ang kilay niya  at walang lingon likod na nagpatuloy sa pag lalakad.

Tahimik akong umagapay  sa mabagal na paglalakad niya at palihim na pinagmamasdan ang labuuan niya.
Dahil transfery ay hindi pa ito naka uniform. Npaka simple lang ng ayos niya kung tutuusin pero naagaw niya ang pansin ko mula pa kanina nung unang beses ko siyang nakita. Nakasalamin siya na hindi naman kakapalan kaya kitang kita mo parin ang magaganda at medyo singkit niyang mga mata. Walang bahid ng kahit na anong make up, hindi katulad ng mga schoolmates namin na halos hindi mo na makilala dahil sa kapal ng make up. Natural na pink ang kulay ng labi niya alam kong natural yun dahil makailang ulit ko na siyang nakitang kinakagat ang labi niya pero ganun parin ang kulay nito. Maging ang kanyang pisngi ay natural na mamula mula at lalo pang namumula kapag naiirita na siya sa kakulitan ko. Mahaba ang buhok niya na nakatirintas. At kitang kita ang makinis na braso niyang nakahantad. Naka plain black shirt lang ito na bahagyang naka tupi ang laylayan ng manggas at loose maong pants at sneakers.

"Tapos ka na bang pag aralan ang kabuuan ko?"

"H-ha ah a-no kase hehe", wala akong masabe! Damn Yohan mag isip ka!!
Sabi ko sa sarili ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"What? Kanina mo pa akong pinagmamasdan at sa totoo lang hindi ako natutuwa.

"Sorry i can't help it your beautiful." Bulong ko na lalong nagpasimangot sa kanya. "Lets go,bilisan na natin matatapos na ang lunch break! At nagugutom narin ako hehe." Nakangiting baling ko sa kanya at hinawakan siya sa braso at saka marahang hinila papunta sa canteen, thank God hindi na siya nag protesta at nagpahila nalang.

Malapit na kami sa canteen ng alisin niya ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya naman nagtatakang nilingon ko siya. At nakita ko nanaman ang emotionless niyang muka habang nakatingin sa akin. "I can manage hindi mo na ako kailangan hawakan. Anito.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon