chapter: 7

136 13 0
                                    

🎶eto ka, bagong nagmamahal,
Nangangako na tayo ay magtatagal,
Pano nga bang dapat kong gawin,
Sana ay pagbigyan ang aking hiling,🎶

Ang paraan niya ng pag kanta. Tumatagos hanggang sa kaibuturan mo na para bang siya mismo ang sumulat at  kumanta niyon.

🎶Wag ka lang mawawala,
Kapag nariyan ka akoy sumisigla,
Kahit hindi ko pa kaya ang magmahal,
Sana sa akin ay hindi mag sasawa,🎶

Bawat nota, bawat lyrics ng kanta, para bang sinasabi niya ito sa kung sino mang nagugustuhan niya. Para bang sinasabi niya na wag siyang sukuan kahit na mahirap siyang mahalin. Sana ako nalang, sana ako yung tinutukoy niya.

🎶pusoy ibibigay sa'yo,
Sa oras na maghilum ang sugat nito,
Panahon lamang ang hinihiling sa'yo,
Sana ay pagbigyan mo ako,🎶

Hindi ko maipaliwanag, pero isipin ko palang na may nagugustuhan na siya nasasaktan na ako. Isipin ko palang na hindi ako ang inaalayan niya ng kantang to parang dinudurog na ang puso ko. Sana para sa akin to. Sana ako nalang. Sana ako nalang ang mahalin mo pag na ka move on ka na.

🎶Wag ka lang mawawala,
Kapag nariyan ka akoy sumisigla,
Kahit hindi ko pa kaya ang magmahal,
Sana sa akin ay hindi magsasawa,🎶

Oo tama,! Hindi man para sa akin ang kantang ito, hindi ako susuko. Hindi ako mag sasawa na mahalin ka hanggang sa dumating ang araw na handa ka na.

🎶pusoy ibibigay sayo,
Sa oras na maghilum ang sugat nito,
Panahon lamang ang hinihiling sa'yo,
Sana ay pagbigyan mo ako,,
Wag ka lang mawawala..........

Hindi ako mawawala sa'yo.
Kahit pa araw araw pa akong magmukang tanga mapansin  mo lang gagawin ko. Makita ka lang na masaya.

At akala ko matatapos ang gabi na may lungkot ang puso ko pero nabigla ako sa huli niyang sinabi.

"And thats it! Yan na po ang huling piesa ko para sa gabing ito. Sana nag enjoy kayo thank you. Paalam niya matapos ang kanta pero may biglang nagsalita at pinigilan siya.

"Wait lang chef Khen, pwede bang malaman kung para kanino ang kinanta mo hehe,, kung pwede lng naman. Hahaha

"Hahaha ikaw ma'am ah, pero sige, itago nalang natin siya sa pangalang YSL. Yung lang, thank you po ulit.

YSL
YSL
YSL
YSL

Nanlaki ang mga mata ko! Ang kaninang lungkot at sama ng loob ko ngayon napalitan ng sobra sobrang saya!! Gusto kong sumigaw! Gusto kong tumalon! Gusto kong sumayaw wohoooo!! Heart kalma ka lang !!! Hahahaha baka bigla kang tumalon pa labas pano naman ako hahaha.. ang saya saya ko!! Para akong timang. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Lahat ng naiisip kong gawin sa isip ko lang talaga pwedeng gawin dahil baka isipin ng mga tao dito nababaliw na ako.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang pinagmamasdan siyang palapit sa lamesa namin. Anung gagawin ko. Self kalma wag kang pahalata. Tangna! Pano ba kase kumalma. Hingang malalim! Hoo,hoo,hoo,. Hanggang sa eto na nga!

"Hi, good evening po mam, sir." Im chief Khen. Gusto nyo raw po akong makausap"?.

Hanep talaga, ang lambing ng boses ng prinsesa ko. Hindi ako nag angat ng tingin. Kaya hindi pa niya makita ang muka ko. Pero napansin ko pasimple niyang sinisilip ang muka ko.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon