Yohan's P.O.V.
Matapos kong magpaalam kay Khen ay dali dali akong nagtungo sa sasakyan ko na nasa parking lot ng school at kinuha mula sa loob ng dashboard ang kahon na nag lalaman ng regalo ko kay Khen.
Wala namang okasyon pero nang nakita ko ang bagay na yun ay siya agad ang pumasok sa isipan ko.
Nakita ko ito ng minsang nag gala kami nila Sky at Lander sa mall. Isa itong white gold necklace with an airplane pendant. Simple but i know she'l love it. Hindi mahilig sa mamahaling bagay ang prinsesa ko. Isa pa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya materyosa.
Kung tutuusin she can buy anything kahit gaano pa ito kamahal.
Pero nananatili siyang lowkey. Hindi mayabang kahit may maipagyaybang naman.Nang makuha ko ang kwintas ay agad akong bumalik kung saan ko iniwan ang prinsesa ko.
Nakayuko akong naglalakad habang nakatingin sa jewelry box na dala ko. Ngunit di sinasadyang nasagi ako ng isang nagmamadaling studyante kaya muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong box.
Sinundan ko ng tingin ang studyanteng tila nagmamadali habang nakatingin sa harap ng building ng school.
Bigla akong kinabahan at naisip ko ang prinsesa ko ng mapansin ko ang mga studyanteng nag kukumpulan sa harap ng building ng school. Kaya lakad takbo ang ginawa ko upang makarating agad sa lugar kung saan ko iniwan ang prinsesa ko.
Hinawi ko ang mga studyanteng nagkukumpulan. At tumambad sa akin ang prinsesa ko kaharap ang grupo ni Brigite.
Akmang sasampalin nito si Khen ngunit maagap ko itong nayakap at inilayo sa nagngangalit na si Brigite.
"Ano bang problema mo brigite? Tanong ko na hindi bumubitaw sa pagkakayakap sa Prinsesa ko.
"Y-yohan,
"Diba binalaan na kita? Sa oras na kalabanin mo ulit ang prinsesa ko ako na ang makakalaban mo? Nang gigi gil na bulyaw ko kay Brigite habang ang mga minions nito ay tahimik lang sa isang tabi na akala mo di makabasag pingan.
"Ano bang meron ang hampas lupa na iyan at ganyan nalang kung ipag tangol mo? Halos maiyak na ganting bulyaw nito. Kung sana kilala lang niya at alam ang pagkatao ng prinsesa ko baka hilingin niya na lamunin nalang siya ng lupa dahil sa pinagsasa sabi niya.
"Hindi ko kailangan mag paliwanag sayo! Isa pa brigite, binabalaan kiya at sisiguraduhin ko na tuluyan ka ng mawawala sa school na ito" mahina ngunit may diin na banta ko dito. At saka ko ito tinalikuran habang nakayakap parin ang kamay sa bewang ng prinsesa ko.
"You cant do this to me Yohan! Akin ka, at sisiguraduhin kong magiging akin ka! Sigaw pa nito kaya naman agad akong lumingon dito.
"Hindi ako sa'yo Brigite. Hindi mo ako pag aari at lalong hindi ako mapapasayo itaga mo yan sa bato! Ganting sigaw ko dito. Saka muling tumalikod at inakay paalis ang prinsesa ko.
"Are you alright? Tanong ko sa prinsesa ko nang makarating kami sa class room.
"Oo okay lang ako". Pero hindi mo na dapat ginawa yun kay Brigite. Hindi mo na dapat siya binantaan".
"Prinsesa ko, deserve niya iyon. Hindi ka niya dapat hina harass ng ganun.
"Alam mo naman kung bakit niya ginagawa yun diba? Gusto ka niya. No hindi, Mahal ka niya Yohan, at nagseselos siya sa akin.
"Pero ikaw ang mahal ko Khen"
Ikaw ang mahal ko at wala ng iba pa. At wala na siyang magagawa tungkol don. Kahit iwan mo pa ako ngayon, hindi ko kayang turuan ang puso ko na mahalin siya dahil ikaw at tanging ikaw lang ang kayang mahalin nito" aniko sabay turo sa tapat ng dibdib ko kung san naroon ang puso ko."Yohan"....
"Shhh, dont say anything". Just dont say anything. I know that you are not ready. At hindi ako nagmamadali. Hihintayin kita hanggang sa dumating ang araw na ako na ang laman ng puso mo".
"Kung hanggang kailan?, hindi ko alam basta ang alam ko mahal kita prinsesa ko ikaw lang wala nang iba" sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa lap niya.
Dimating na ang lecturer at nag simula na ang klase kaya hindi na kami nakapag usap pa ng prinsesa ko. Kailangan namin parehong mag focus sa pag aaral para sa kinabukasan namin.
"Lunch time!!
"Whoaaw! Grabe, nakakapagod" palatak ni Sky habang nagiinat at saka pasimpleng ini akbay ang kamay sa balikat ni mildred.
"Ases! Ases! Pasimple ka pa eh gusto mo lang maka akbay sa akin? Pang aasar ni Dred.
"Kunwari ka pa mahal ko eh gustong gusto mo naman hahaha"
"Aba syempre no territorial ako, at ang akin ay akin kaya tara na , nagugutom na ako"
"Yan ang gusto ko sayo mahal ko eh, binabakuran mo ako tara na hahha" hooyy mga single ano pa hinihintay nyo tara na hahaha"
"Tsk! Lakas talaga ng hangin" pag ako sinagot ni Rai, who you ka talaga sa akin hahaha" --si Lander
"Tsee! Pano kita sasagutin eh hindi ka naman nanliligaw hmp!
"What? So hindi pa ligaw ang tawag dun sa effort ko? Wawww hanep tibay mo rin eh"!
"Ewan ko sayo jan ka na nga! Bulyaw ni Rai saka nagdadabog na lumabas ng silid habang kami ay naiwan namang nakangiting nag mamasid.
Sanay na sanay na kami sa ganoong eksena nilang dalawa akala mo aso at pusa kung mag bangayan pero daig pa ang naka kain ng isang drum na honey kung maglambingan.
"Lets go, yaya ko sa prinsesa ko na nakangiti parin habang pinagmamsdan ang pagsunod ni Lander kay Rai.
"Who would have thought na magkakagustuhan sila. Natatawang anito.
"Ikaw kaya kelan mo ako magugustuhan? Bulong ko sa isip.
"Yeah, who would have thought that they will fall for each other" iiling iling sa sagot ko. What about you kelan ka kaya ma fa fall sa akin" tanong ko. Napalingon naman ito sa akin at pansin ko ang pag ba blush nito.
"Just kidding, lets go". Nakangiting Bawi ko sabay kuha ng mga gamit nito at hinintay siyang makatayo saka sinabayan maglakad.
Okay na ako sa ganito. Kahit hindi niya sabihin na gusto nya rin ako masaya na ako dahil nararamdaman ko na unti unti narin siyang na fa fall sa akin. Masaya ako na hindi na siya nag susungit minsan nalang haha.
Papasok na kami sa canteen ng biglang huminto si Khen sa paglalakad kaya napalingon ako dito.
"What's wrong? Nagtatakang tanong ko saka sinundan ng tingin kung saan siya naka tingin.
"Don't mind them,lets go naghihintay na sila Sky sa atin.
Aya ko dito at agad naman itong sumunod.Hindi ko alam kung anong meron sa Agnes na yun, bakit kahit ako kapag nakikita ko siya ay nakakaramdam ako ng kakaibang kaba. Kaba na hindi ko maipaliwanag kung saan nang gagaling. Hindi nalang namin pinansin ang grupo nito sa counter at agad na tinungo ang mesa kung saan kami palagi nakapwesto. Pero pag minamalas ka nga naman, dito pa talaga sila pumwesto sa bakanteng mesa sa tabi namin.
"Oh, hi Khen, nakanginting bati nito kay Khen,
"H-hello agnes, ganting bati ni Khen bahagya pang nautal.
Hindi man sabihin sa akin ng Prinsesa ko dama ko ang pagkailang nito kay Agnes. Kung anong dahilan marahil ay katulad rin ng dahilan ko.
Matapos nilang magbatian ay nagsimula na kaming kumain at hindi na muli pang pinansin ang ang grupo ni Agnes.
"Okay ka lang mahinang tanong ko.
"Oo naman okay lang ako. Halatang pilit na pinasisigla nito ang boses niya. Para hindi ako mag alala kaya naman nag patay malisya na lang ako at nag simula narin kumain.
Nang matapos mag tanghalian ay agad narin kaming bumalik sa klase ng sama sama. At kinalimutan si Agnes. Maging ang nang yare kaninang umaga hsanggang sa mag uwian na ay hindi na namin ito muli pang pinag usapan.
~~~~~~~~~~~~~~
To be continued..........

BINABASA MO ANG
Stone Heart
FanfictionBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...